After all these years, I witnessed how their love had grown. I wanted that kind of love for myself. At sobrang suwerte ko talaga dahil alam kong natagpuan ko iyon kay Chance.

"I need to go," paalam ko pa sabay senyas sa pinto.

"Hindi ka muna ba mag-breakfast, Sweetheart?" Si Mommy.

"Hindi na, Mommy. Sa school na lang siguro. Si Kuya nakatawag ba?"

"Nakatawag naman kagabi. Mukhang okay naman. Dalawin ko na lang siguro sa condo niya mamaya. Uuwi ka ba rito mamaya?"

"Baka po hindi muna ulit. Marami po kasi akong ginagawa sa school."

"Could you check your brother for us, Sweetheart?" Si Daddy.

Alam kong nag-aalala pa rin siya para sa aking kapatid. At kahit pa alam kong pinatigil na siya ni Kuya sa paghahanap kay Ate Jordan ay itinuloy pa rin niya iyon. Hindi nga lang siguro alam ni Kuya iyon.

"I will, Dad. I really need to go." Mabilis akong tumakbo palapit sa kanila at hinalikan sila sa pisngi.

"Ipa-drive kita Spencer?" tanong pa ni Dad.

"Hindi na po, Dad. Ako na lang po," tanggi ko sabay kaway na rin sa kanila.

Sobrang late na ako!

Halos twenty minutes din akong late sa meeting. Kahit pa inis na inis ay wala ni isa sa kanilang pumuna sa akin. Though, alam ko naman ang rason. Takot silang mapatalsik sa school. For most times, favorable na kilala ang pamilya namin dahil na rin sa respetong nakukuha namin sa ibang mga estudyante kahit pa hindi namin hinihingi ni Kuya. Sometimes it sucks dahil alam kong napipilitang makitungo ng maganda ang iba kahit pa hindi nila gusto.

"OMG, have you seen this?" gulat na sabi pa ng kaklase kong si Susana habang nakatitig sa cell phone nito.

Nagkukumarat namang lumapit ang iba kong ka-grupo at nakiusisa sa kung anumang ikinagulat ni Susana.

Wala ako sa sariling humugot ng malalim na buntong hininga at tinitigan ang cell phone ko. Wala pa ring tawag mula kay Chance.

Anong nangyari roon?

Nang mag-angat ako ng tingin ay ganoon na lang ang gulat ko nang matantong nakatingin silang lahat sa akin.

"Have you seen this, Kirs?" tila natatakot pang tanong ni Susana.

"Ang alin?" Kumunot ako.

Nag-aalangang lumapit sa akin si Susana at ipinakita ang kanyang cell phone.

Post iyon ni Chance!

Nagtatanong akong tumingin kay Susana, pero sa halip na sumagot ay pinindot lang niya ang play video. Hindi ko pa man alam ang kabuuan noon ay nanlalamig na ang aking buong katawan. Something was off. Kaya't iginayak ko na rin ang sarili ko sa isang bagay na hindi ko gustong makita.

Kuha iyon sa club. May mga naghaharutang mga babae na nakalalamang na kaibigan ni Elma. Nakaupo lamang si Chance na pangiti-ngiti habang pinapanood ang pag-ikot ng bote sa table. They were playing truth or dare.

Maingay sa lugar at halos hindi ko marinig ang ibang pag-uusap nila. Puro sigawan at tuksuhang hindi ko maintindihan. Nang tumapat ang bote kay Elma ay nagsigawan ang karamihan ng mga kaibigan nito. Mapula na ang kanyang mga pisngi at mukhang nakainom na.

Truth or dare?

Elma: Hmm... dare.

Kiss someone special on the lips! With tongue, huh!

Napuno ng tawanan ang buong paligid. Maging ang nagbi-video ay sumisigaw.

Grabeng dare 'yan! May tongue talaga! reklamo pa ni Elma.

CRAZY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon