"Oo nga po, Tita. Sumabay pa kasi. School stuff po. But some other time, Tita," apologetic ko pa ring sagot sabay baling ulit kay Kirs na ngayon ay nakikinig sa ibinubulong ni Zimmer.

I hated the guy. There was no doubt about that. Nakarami na siya ng yakap kay Kirs sa stage kanina. Hanggang ngayon ba naman ay sobrang touchy pa rin niya?

Tumikhim ako at pilit na nag-iwas na lang ng tingin. There was no doubt Zimmer was coming with them. Should I take back my words and come with them instead?

"Aren't you going to change your mind, dude?" nakangisi pang bulong ni Terrence.

"No," matigas ko pang sagot.

At bago pa man makapagsalita ng kung ano si Terrence ay mabilis na akong nagpaalam at hindi na lumingon. I just hope I am doing the right thing.

I hope.

********
Kirsten

I really don't know kung anong isip mayroon si Chance. He was obviously not taking his eyes off me when I was performing on the stage, pero ngayon, umiiwas na naman siya! Gosh, I wanted to hate him! Kung puwede ko lang ibaling ang pagtingin ko sa iba, ginawa ko na sana.

"Hey, you're spacing out, Kirs. What's wrong?" puna pa ni Yuri habang matamang nakatitig sa akin.

Ilang araw na rin ang nakararaan matapos ang foundation day ng school. Hindi na rin nagpakita sa akin si Chance at mukhang umiiwas talaga siya tulad nang kanyang gusto. Siguro nga, gusto man niya ako ay nandoon ang takot niya sa kapatid ko. Na baka nga hindi siya handang magseryoso sa akin at masira lang ang pagkakaibigang mayroon sila ni Kuya Tyrone.

Those thoughts sucked.

"I'm okay, Yuri. May naiisip lang ako," matabang ko pang sagot kasabay ng mapaklang ngiti.

"Si Chance na naman ba 'yang iniisip mo?" tanong pa niya nang nakataas ang isang kilay.

"I don't get him. May mga times na pakiramdam ko, sobrang gusto niya ako, tapos minsan naman parang wala. Alam mo 'yon, Yuri? Is it really okay to feel this way?" iritang tanong ko pa.

Umiling-iling lang naman siya at malalim na nag-isip.

"I saw it in my own two eyes, Kirs. He was charmed by you. He can't keep his eyes off you!" siguradong sabi niya, pero bakas din ang pagkairita.

Napahugot lang ako ng malalim na buntong-hininga at tumingin sa kawalan.

"If I were you, maghanap ka na lang ng iba, Kirs. Si Zimmer? He likes you. Hindi pa ba nagtatapat sa'yo ang mokong na 'yon? Kahit sobra-sobra ang pagkaka-crush ko sa kanya, ibibigay ko na siya sa'yo," nakanguso pa niyang sabi na parang napipilitan.

Pinaikot ko ang aking mga mata at umismid.

"He's a nice guy, Yuri. Ayokong manggamit ng ibang tao para makapagmove-on lang kay Chance Daniel."

"Gosh, Kirs. Hindi nga niya mapanindigan ang pagkakagusto niya sa 'yo! Aasa ka pang darating ang panahon na 'yon? Ang daming nanliligaw sa'yo na hindi rin naman pahuhuli sa kagwapuhan at yaman niya. Kung sa ugali naman, mababait naman din ang iba. Find someone else who wants you!"

"I think you're right."

"I am always right," nakaismid na sabi pa niya. "But for now, let's unwind. Let's watch a movie!" excited pa niyang sabi.

"You had it all planned, huh?"

"You know me! May bagong action movie na kapapalabas pa lang kahapon," napapalakpak pa niyang sabi. Napailing na lang ako habang nakangiti. Mahilig talaga siyang manood ng sine kahit na noon pa.

"Alright," sagot ko na lang kasabay ng marahang pagtango.

Nakangising hinila ako ni Yuri at nagpatianod na lang sa kanyang gusto.

Padilim na noon nang makarating kami ni Yuri sa mall na pag-aari ng aming pamilya. Marami ang mga tao at mahaba rin ang pila sa sinehan.

"Look who's here," pabulong pang sabi ni Yuri habang pasikretong itinuturo si Miley na ilang tao lang ang pagitan sa aming dalawa. "Is there any chance na nandito rin pala si Chance?"

"No way!" Nanlalaki ang mga mata kong nagtago sa kanyang likuran at mabilis na iginala ang tingin sa paligid.

Hindi puwedeng magkita kami ni Chance rito! Baka isipin pa niyang ini-stalk ko siya! Ugh!

"O-oh..."

"What?!" taranta pang tanong ko sa kanya.

"Apparently, she wasn't with Chance," bulong pa niya. "She's with somebody else."

"Really?" Pasikreto akong sumilip sa kanyang balikat at pilit na tinanaw ang kasamang lalaki ni Miley. "I knew that guy... Hindi ba siya 'yong bagong member ng basketball team?"

"Positive. Lucas Montelibano. The transferee."

"Oh. My. Gad." Awang ang labi kong kinumpirma ang sinabi ni Yuri.

Si Lucas nga!

"Why are they together?" pabulong ko pa ring tanong.

"We still don't know about that, but I guess we need to find out. Are you in, Kirs?"

"Definitely in," walang pag-aalangan ko pang sagot.

Nang makabili sila ng ticket ay dali-daling sumingit si Yuri. Ilang mga nakapila ang nagreklamo at kulang na lang ay murahin kaming dalawa.

Nakipag-unahan sa pagtataray si Yuri at napaikot na lang ang mga mata ko nang sabihin niyang boyfriend niya iyong naunang nakakuha ng ticket. Nang lumaon pa ay tumutulo na ang luha niya na akala mo talaga pinagtataksilan ng boyfriend. Agad na nakakuha siya ng simpatya at hinayaan na kaming makasingit.

"Thanks, guys!" nagpapaawa pa ang ekspresyon ng mukha ni Yuri habang ako naman ay nagpipigil na mangiti.

Nang tuluyan kaming makatalikod ay hindi na rin niya napigilan ang matawa nang malakas. Ang galing ding artista nang babaeng ito! Ibang klase!

"That actually worked all the time," natatawa pang sabi niya habang mabilis akong kinakaladkad papasok.

"You're so good at this, Yuri," naiiling ko pang sabi habang nagkakandahaba rin ang leeg sa paghahanap sa mukha nina Miley at Lucas.

"There they are!" Turo pa niya sa kinauupuan ng dalawa na malapit sa pinakaituktok. Agad kong inayos ang aking buhok para matakpan nang kaunti ang aking mukha.

"Gosh, Yuri. Could you lower your voice?" sabi ko pa sabay tampal sa kanyang balikat.

"Sorry naman. Excited ako, e," nakangisi pa niya akong nilingon at inikot ko lang ang mga mata ko bilang sagot. Hinawi-hawi rin niya ang kanyang buhok na akala mo naman matatakpan ang kanyang mukha.

Nakarating kami sa pinakaituktok, kung saan halos wala pa ring nakaupo at medyo dumulo nang kaunti upang malaya naming mamatyagan ang dalawa.

"They seemed to be very good friends," sarcastic pang sabi ni Yuri habang matamang nakatingin sa dalawa.

"Niloloko ba niya si Chance Daniel?" iritado ko pang sabi habang nakamasid din sa bawat galaw ng dalawa. Pero nang inakbayan ni Lucas si Miley ay nakumpirma ng husto ang hinala ko.

That bitch.

"Makati talaga 'yang si Miley. Hindi siguro nakakamot ng Papa Chance mo," nakangisi pa niyang sabi at tanging iling lang ang isinagot ko sa kanya.

I just couldn't picture Chance to be like that with girls. Did they have sex? The thought made me cringe and jealous. Very jealous.

Nanatiling nakaakbay si Lucas hanggang sa tuluyang magsimula ang movie. Pero hindi pa man nagtatagal ay biglang naghalikan ang dalawa na nakagulat nang husto sa amin. Susugod sana ako nang mahigpit akong hinawakan ni Yuri sa braso para pigilan. Umiling siya sa akin at sa halip ay inilabas ang kanyang cell phone at ini-record ang nagaganap na eksena sa pagitan ng dalawa.

Ugh, the nerve of this bitch!

Isusumbong ko talaga siya kay Chance!    

CRAZY IN LOVEHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin