Bumuntong-hininga na lamang si Autumn at August.

I was silently hoping that Triton and Ahmed will refuse but they're not giving any kind of favor to me. Sa huli, kasama na rin namin sila sa bilog na lamesa.

"Truth or dare!"

"Oh," umikot ang mga mata ni August at Autumn sa pakulo ni August.

Nakangiti lamang si Ahmed at Israel habang kapwa may hawak na rin bote ng alak habang tahimik lang si Triton.

Unang tumigil ang bote sa harap ni Ahmed.

"Truth or dare?"

"Truth," mabilis na sagot ni Ahmed.

"Sex life, active or not?"

"Gosh, Tanya!" ilang beses itong nahampas ni August at Autumn.

"Come on, wala nang inosente dito. Innocent Euphie is dead." May pagkindat pa ito sa akin.

"Active," nanlaki ang mata ko sa sagot ni Ahmed habang nagsigawan naman ang mga kaibigan ko.

Gusto ko sanang itanong kung kamusta na sila nang nabuntis niya, pero pinili ko na lamang sarilinin ang tanong ko.

Tumigil ang bote sa tapat ni Israel.

"Truth or dare?"

"Dare! Dare! Dare!" paulit-ulit na sabi ni Autumn at August.

"Truth girls," ngising sagot niya.

"Have you and Euphie kissed on lips?"

"W-What?!" hindi ko na mapigilang magsalita sa tanong ni Antonia. At hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako sumulyap kay Triton!

Nakasandal na ito sa kanyang upuan habang hawak ang basong may kaunting alak na lamang at malaking yelo na kasalukuyan niyang pinaglalaruan.

He's silently waiting for Israel's answer!

Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil may parte sa sarili kong gusto kong pigilan si Israel sa anumang isasagot niya.

Please lie, lie Israel.

"Yes," mabilis na sagot ni Israel na halos humugot sa aking paghinga.

Nag-iritan ang mga kaibigan ko nang sumagot ito at hindi ko na muli narinig ang ingay ng malaking yelo sa baso ni Triton.

"Ikaw Euphie ah? Ang landi mo na, we're so proud of you." Sabay-sabay kumindat sa akin ang mga kaibigan ko.

It was a different kiss! Gusto kong mangatwiran.

Hindi na ako nagtangkang sumulyap sa gawi ni Triton sa muling pag-ikot ng bote. Hindi rin lumampas ang bote sa mga kaibigan ko na mas pinili ang dare, silang tatlo rin naman ang nag-utusan habang tipid na natatawa ang tatlong lalaki na kasama namin.

Habang umiikot ang bote, ramdam ko ang pag-vibrate ng phone ko. It was Autumn.

He's still into you, I think.

Hanggang sa tumigil ang bote sa harapan ni Triton. Bigla akong kinabahan, lalo na nang muling nagtama ang aming mga mata.

"Truth or dare?"

"Truth, I don't like your dare girls."

"Okay, okay. Ang killjoy ng boys, ayaw ng dare." Antonia complained.

"Sinong magtatanong?" Autumn asked while giving me a meaningful look. At mukhang nakuha ito ni August at Antonia.

"Si Euphie naman ang magtatanong,"

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora