Chapter 5

174K 8.7K 4.2K
                                    

Chapter 5


Hinintay kong sumagot si Triton sa sinabi ko pero napasigaw na lang ako nang bahagyang nawalan ng balanse ang kanyang bisikleta. Pero mabilis itinukod ni Triton ang paa niya para hindi kami tuluyang matumba.

"Are you okay Euphie? I'm sorry."

Tumigil din sa pagbibisekleta si Ahmed nang mapansin niyang tumigil kami ni Triton. Mahigpit pa rin ang yakap ko sa kanya sa takot na baka bumagsak ako.

"What happened?" nagtatakang tanong nito sa amin ni Ahmed. Nagbisikeleta ito pabalik sa amin dalawa.

"No, nothing." Umiiling na sagot ko.

Bakit kaya bigla na lang nawalan ng balanse itong si Triton?

"Ikaw ba Triton? What happened?" tanong ko dito.

Kahit sobrang tangkad ni Triton ay pinilit kong umangat sa aking upuan para abutin ang noo niya habang nakayakap pa rin ako sa likuran niya.

"Euphie, what are you doing?" tamad na sabi nito habang tinatanggal ang kamay kong nasa noo niya.

"I am just checking your temperature."

"Triton?" tanong ni Ahmed. Pansin ko na ilang beses siyang napapasulyap sa mga braso kong nakayakap kay Triton.

"It's nothing Ahmed, let's go." Sagot ni Triton.

Tumango sa amin si Ahmed, pero bago siya nagpedal ay muli na namang nag init ang pisngi ko nang pabiro niyang pinisil ang ilong ko gamit ang kanyang hintuturo.

"Triton, dahan dahan sa pagbibisekleta. Alam mo namang hindi pwedeng magasgasan si Euphie. Her skin is the finest, hindi ba Euphie? Angel pa 'yan ng chapel natin, tapos ibabagsak mo lang?" humigpit ang pagkakayakap ko kay Triton dahil sa sinabi ni Ahmed.

"Yeah, hindi ko nakakalimutan." Sagot ni Triton.

Ito na mismo ang unang nagpedal at naiwan namin sa likuran si Ahmed.

"Nag uusap pa tayo Triton, bakit pumedal ka na agad?" nilingon ko si Ahmed sa likuran. Ngumiti ako sa kanya nang kumaway siya sa akin.

"Kapag nagtagal pa tayo baka mangitim ang kutis mo. Angel ka pa naman ng chapel natin, kawawa naman kapag nangitim ang angel." Alam ko ang tonong ito. Nang aasar na naman siya!

"I hate you Triton." Ilang beses kong hinampas ang likuran niya habang tumatawa siya.

Sa kabila nang pagtawa niya narinig ko ang mahinang bulong niya na nagpakunot sa noo ko.

"Yeah, you always hate me."

Nakarating kami sa bagong pastries shop na si Ahmed na mismo ang namamahala. Simple lamang ito at hindi kalakihan pero napakaganda ng disenyo nito na aakit sa mga taong mapapadaan.

"I'll just go there," paalam sa akin ni Triton.

Papunta siya sa kumpulan ng mga lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay mga kaibigan niya sa school. Naiwan kaming magkasama ni Ahmed habang pinapakita niya sa akin ang mga cakes, cookies at mga tinapay na siya mismo ang nagbake. He's so talented.

Inilibot ko ang aking mga mata. This place is like a small coffee shop, may ilang mga lamesa, magandang lightings at talagang napakakumportable ng paligid.

I am so proud of Ahmed. Both of my childhood friends are business minded. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit sa kanila, kahit nag aaral pa lang kami ang dami na nilang mga achievements.

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon