Chapter 31

134K 6.8K 2K
                                    

Chapter 31


My friends were complaining about the foods, they're requesting for delivery, while Troy was laughing and Triton's still watching me with his grin.

"Nakaisa na po mga kaibigan, nakaisa na." Troy announced.

Lalong nag-init ang pisngi ko habang pinagmamasdan ako ni Triton na walang pakialam sa mga tao.

Triton just kissed me. He kissed me on my lips.

At hanggang ngayon ay hindi pa humuhupa ang malakas na tibok ng puso ko.

Hindi na umalis sa kanyang pwesto si Triton, nakayuko pa rin ito sa lamesa na tanging ako lamang ang nakakita ng mukha niya.

Nang sandaling magtama muli ang mga mata namin, inilagay niyang muli ang isang daliri niya sa kanyang labi para sabihing huwag akong maingay.

"Nakaka-proud, after so many years of being T."

"Shut up Troy and eat." Sagot ni Triton habang nakapangalumbaba sa akin.

"Ano ba 'yang pinagsasabi mo Troy? You dial now and ask for delivery."

"Bakit ang aarte nyo? Kainin nyo kung ano ang nakahain. Spoiled brats."

"Are you okay, Euphie? Natahimik ka bigla." Agad kong sinalubong ang mga mata ni Autumn.

"Of course, I'm fine. Bakit ako matatahimik? I'm actually eat--" nasagi ko ang kutsara dahilan kung bakit nahulog ito sa lamesa.

Akma ko nang kukuhanin ito nang pigilan ako ni Triton.

"Hey, let me sweetheart. I'll get you a new one."

"Seriously? Boys, anong ginawa nyo kay Euphie? She looked tense." Tanong ni Autumn.

"Ikaw Autumn, wag nyong I-judge ang mga lalaking may malaking T!"

Sabay-sabay napamura ang mga kaibigan ko sa narinig nilang T.

"Huwag kayong mga judger, inaano namin kayo ni Triton? Sa may nakita akong magnanakaw, hindi ko na kasalanan kung hindi nyo nakita." Nangangatwiran na si Troy.

"Yes, I second the motion." Sumunod na rin si Triton.

"Defensive ang mga gago." Ismid na sabi ni Autumn.

"Euphie, just tell us kung pinagtutulungan ka ng dalawang 'yan. We're always here to back up." Tatango na sana ako kay Antonia pero humarang si Triton.

"No no, they are bad influence. Walang back-up na mangyayari. At kapag mag-movie marathon kayo, dito sa bahay ko." Madiing sabi ni Triton.

My friends gasps in complain.

"It's a girl's date, bakit ka extra Triton?" tanong ni Antonia.

"I just don't trust you girls."

Umiiling na lamang si August at Antonia, wala silang pinagpilian kundi kumain ng mga inihain ni Triton.

"You're not eating?" I asked him.

Nasa tabi ko lamang siya at hindi man lang kumakain.

"I told you, I'm full."

"H-Hindi 'yon nakakabusog Triton. Eat." Tipid akong sumulyap sa mga kasama namin sa lamesa, hindi na kami pinapansin ng mga ito.

"I'm already full nga, Euphie. Do you want to feed me? I will gladly eat."

"Nakakahiya Triton," I almost whispered.

"Nakakaasar ang dalawang ito, bakit hindi ka na lang kasi kumain Triton?"

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Where stories live. Discover now