Chapter 3

185K 9.1K 2.7K
                                    


Chapter 3


Habang tumatagal lalo ko nang hindi naiintindihan ang mga sinasabi at ikinikilos ni Triton. He's getting weirder and weirder.

"Why would I tell it to other boys Triton? Sa'yo lang naman ako nahiram ng kumot. And I can really smell your scent in here, you're weird."

Itinulak ko ang noo niya para lumayo siya sa akin. Itinaas ko na ang paa ko at ibinalot ko na ang sarili ko ng kumot habang nakayakap ako sa unan.

"You are really impossible Euphie." Umiiling na sabi niya.

Ni-play na niya ulit ang movie. Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka mag- away na naman kaming dalawa.

Umpisa pa lang ay patay na ang ilaw sa movie, awtomatiko akong napahawak sa manggas ng tshirt ni Triton.

"Triton.." bumibilis ang tibok ng puso ko habang pinapanuod na sunod sunod namamatay ang ilaw na siyang dinadaanan ng bidang lalaki.

"Triton.." pahigpit na nang pahigpit ang pagkakahawak ko sa tshirt niya. Nagmamadali na sa paglalakad ang lalaking nasa movie.

Walk faster! Bakit pakiramdam ko ay ako ang hinahabol ng multo?

"Triton, nakakatakot na!" sigaw ko.

Nang lumingon ako sa kanya ay sa akin siya nakatitig pero mabilis din siyang lumingon sa tv.

"Woah, aabutan na siya Euphie." Biglang sabi niya.

Tumakbo na ang bidang lalaki sa loob ng isang napakadilim na kwarto na maraming mannequin. Lumalakas na ang nakakatakot na background music.

"Triton!" napasigaw na ako sa sobrang takot.

"Come here," mabilis akong hinila ni Triton kasama ng kumot at unan na yakap ko.

Siya mismo ang kumuha ng unan sa mga braso ko at sa halip iniyakap niya ang mga braso ko sa kanya habang nakapulupot ang isang braso niya sa akin. Naririnig ko ang marahan niyang pagtawa.

I don't care anymore, I am tightly hugging him while I am busy screaming on the top of my lungs.

"Oh my god! Inabutan na siya Triton!" bigla na lamang bumagsak ang walang buhay na katawan ng lalaki sa movie.

The creepy ghost killed him.

"Ang cute cute ng kababata kong ito tapos hahabulin lang ng multo? No way, Triton won't let that happen." Sa halip na mapatingin ako sa tv ay umangat ang paningin ko kay Triton.

I felt something on my head.

"Did you just kiss me Triton?" I asked him.

"Oh? Guni-guni mo lang siguro. Basa na ang ilong mo, selosa." Napapikit ako nang lumapat ang isang daliri niya sa ilong ko para tanggalin ang pawis ko.

"Ikaw din naman, mabilis din mamawis ang ilong mo. But not now, hindi ka naman kasi natatakot." He grinned at me.

Kakalas na sana ako sa pagkakayakap sa kanya nang hindi siya pumayag.

"May lalabas pang multo Euphie." Inayos niya ang kumot at nakihati siya sa akin. Kinuha niya rin ang remote ng aircon at nilakasan niya ito.

"Pawis na pawis ka na agad Euphie, teaser pa lang 'yon." Gamit ang kamay niya ay pinunasan niya ang pawis sa noo ko.

"You know you Euphie, sabi ni Mommy ang mga may nunal daw sa may noo o kahit saan malapit sa taas ng ulo ay matatalino. That's no doubt, you're smart but still--- wala ba natatanong ang mga kaibigan mo sa'yo?" may maliit akong nunal sa may noo ko pero malapit na ito sa buhok ko, papaanong pati maliit na nunal ko pansin pa nitong si Triton?

The Prince Who Pricked His Finger On The Spindle of a Spinning Wheel (Prince#2)Where stories live. Discover now