Chapter 19

116K 3.3K 91
                                    

"Mommy birthday ko na. Are you coming home?" Halos malusaw ang puso ko nang makita ang malungkot na mukha ni Riona. "I miss you mommy."



Matagal-tagal na din kasi akong hindi nakakauwi, lalo na nang magkaayos kami ni Klaus. Nawawalan na ako ng oras sa anak ko. Masiyado akong natuwa sa mga nangyayari na nakakalimutan ko nang mag laan ng oras para sa kanya. Birthday na niya sa isang araw at kahit anong mangyari sisiguraduhin ko na makakauwi ako.


"Of course baby, I will be there on your birthday." She cocked her head to one side at parang may malalim na iniisip. "What are you thinking baby?"


"Mommy, can I go to your place?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. She leaned forward to the phone. "Please mommy, I want to go there please?"



"H-ha? Why do you want to go here baby? Diyan nalang tayo." I won't risk it. Hindi pa ako handa na ipakilala siya kay Klaus.


"But mommy, I want to see your place mommy. Please mommy, please." She gave me the puppy eyes para magpaawa. I sighed.

Kapag ganito na siya wala na akong magagawa kundi ang pagbigyan siya. Hindi naman mahilig humiling ang batang to kaya kapag ganyan na siya wala na akong nagagawa. Mawawala naman si Klaus ng tatlong araw. I'll take Riona back to the province before he gets back.


"Alright baby." She let out a loud yeyy and was jumping up and down. Nakakatuwang makita na excited siya sa isang bagay. Mas lalo ko tuloy siyang na-miss.


"Thank you so much mommy ko!"


"You're welcome baby. I'll see you soon. I love you Riona." She gave me a flying kiss before she gave the phone to my mom.


"Anak sigurado ka ba?" Nag aalalang tanong ni mama.


"Ma, may kailangan akong sabihin sayo." Lumingon siya kay Riona bago nagtanong kung tungkol kay Klaus pag uusapan namin. "Opo. Mama, kami na po ni Klaus."



Umaliwalas ang mukha niya at sumulyap siya sa anak ko baga may malawak na ngiting humarap ulit sa akin.


"Talaga? Ipapakilala mo na si Riona?" Biglang nagbago ang expression niya nang mapansin na hindi ako masaya. "Anong problema anak?"


"Ma, ayoko pa. Hindi pa ako handa. Paano kung magalit siya? What if he despise me when he finds out that I kept our daughter from him for years? Paano kung kunin niya ang custody ni Riona? Hindi ko kaya ma. Hindi ko kayang mawala ang anak ko."


God knows I'd do anything for my daughter. Siya ang buhay ko. Hindi kakayanin kung sakali man na mawala siya sa akin. Siguro sa iba madaling sabihin na oa lang ako, pero ang dami kong kinakatakutan.



"Anak, kilala ko si Klaus. Hindi siya ganong klaseng tao. Nakita ko kung paano lumaki ang batang iyon dahil halos sa bahay na siya ni maam Vicky tumira. Mabuting tao si Klaus, anak." Hindi ako nakasagot. "Hindi mo maitatago ang anak mo—niyo sa kanya habang buhay Kaylareen."


"Alam ko po, ipapakilala ko naman si Riona. Hindi lang po ngayon, Ma. Hindi pa ako handa."

•••


"But I don't want to go." I chuckled when Klaus pouted. Kainis, para siyang bata sa inaakto niya pero ang cute pa rin. How can he be so handsome and cute at the same time?


"Ano ka ba? Buisness trip mo yun. Kailangan mong pumunta." Kumunot ang noo niya at tumingin sa akin.


"Why are you so eager to push me away? Makes me want to ditch that meeting more." Nakasimangot na sabi niya. Natawa nanaman ako kaya umirap naman siya. Hindi ko lang mapigilan matawa. Ang cute kasi talaga.


Running Away from the Billionaire (LOB series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon