Chapter 14

117K 3.4K 115
                                    

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. I looked at my clock, it's already eleven in the evening and I was sleeping. Sa sobrang antok ko hindi ko alam kung saan ko nailagay ang phone ko kaya kinapa ako pa ang kama at hinanap ko kung nasaan bago sinagot ang tawag nang hindi man lang tinitignan kung sino ang caller.



"Hello?" I heard someone coughed. I looked at the screen. It's Klaus. We exchanged numbers last time para kapag may tanong siya or ako tungkol sa party madali kaming makakapag usap pero ilang linggo na at kahit isang beses hindi namin tinext or tinawagan ang isa't-isa.


"Alex. Bring me some food. I'm here in my condo." Kumunot ang noo ko. Why is he calling me Alex? I heard another cough.



"Klaus? I'm sorry. You called the wrong person. I'm not Alex." Hindi ko na siya narinig ulit na nagsalita pero naka-on parin ang tawag. "Hello? Klaus?"



Wala nang sumasagot so I ended the call and tried calling Alex pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Baka tulog na. I composed a text for Alex telling him that Klaus wrong-called me and mistook me for him. Sinabihan ko din siya na pinapadala siya ng pagkain ni Klaus.




Bahala na si Alex kung bukas na niya mabasa yung text basta ang alam ni Klaus si Alex ang tinawagan niya at hindi ko na problema yun. Hindi ko trabaho ang magdala ng pagkain sa kanya... I sighed. He sounded really sick. Hindi ako papatulugin ng kunsensya ko kung may mangyari sa kanya.


Tumayo na ako at nagpalit ng damit. I only wore jogging pants and a shirt. Kung may sakit nga siya hindi pwede na fast food ang dala ko. I took some of my grocery from the cabinet at yun nalang ang dadalahin ko papunta sa condo ni Klaus. For sure he also has grocery stocks on his kitchen. The guy loves to cook.



I parked near his building and decided to walk towards the entrance pero pinigilan ako ng guard doon.




"Sorry maam, anong unit po kayo?" Nakalimutan ko na strikto nga pala ang mga guards dito sa building ni Klaus. Only limited visitors are allowed to go in. Noon kasi nakasulat ang pangalan ko bilang resident sa unit ni Klaus.



"Uhm, Mr. Driveo called me and asked me to come to his unit." The guard looked at me before he asked for my ID so I showed him one.


"Ay maam sorry po. Hindi naman po kasi kayo nagpakilala kaagad." Nagkakamot sa batok na sabi ng guard bago ibinalik sa akin ang ID.


"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.


"Nakalista po kayong resident sa unit ni Sir Klaus. Sige po, tuloy na po kayo. Sorry po ulit." I was a bit stunned by what he said. Hindi ko alam na hindi pa pala niya naaalis ang pangalan ko sa lista. Masiyado siguro siyang busy para pansinin pa iyon.



Naglakad na ako papasok, lumingon pa nga ako ulit sa guard pero nginitian niya lang ako. I pressed the button for Klaus' unit. I still remember where his unit is. Sa kanya ang isa sa pinakamalaking unit dito. He owns the entire floor. Hindi ko din talaga alam kung bakit occupied niya ang buong floor eh mag isa lang naman siyang nakatira doon. I don't know why he needs so many rooms in his unit.




When the elevator opened, the sense of familiarity hits me. Tumingin ako sa paligid, ganon parin ang ayos ng mga gamit dito. Minsan kasi, nung dito ako tumitira, ginagalaw ko ang pagkakaayos ng mga furniture niya kapag bored ako.


Kung paano ko inayos ang mga gamit... at kung paano ko iniwan, ganon pa rin. Walang nagbago.



Narinig kong umubo si Klaus kaya agad akong pumunta sa kwarto niya. Nakita ko siyang nakadapa sa kama niya at nakapikit. He's half naked with only his boxers on. Napailing ako.



Paano kung si Alex ang naka-abot sa kanya na ganyan? Baka magahasa siya ng wala sa oras. Mukhang may sakit pa naman siya.



"Klaus okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya ng hindi lumalapit. Nakatayo lang ako sa may pinto at natatakot akong lumapit sa kanya dahil umpisa palang ang plano ko na talaga ay lumayo sa kanya.


Agad na dumilat ang mga mata niya. Gumalaw siya nang makita ako. Nasa kama lang siya at nakaupo habang nakatitig sa akin. Napalunok ako sa klase ng tingin niya. Kakaiba kasi. Para akong tinutunaw.


"Are you really here? Or is it just one of my imaginations of you?" He looked at me again before he coughed. Pansin kong namumula ang mukha niya. Kumunot ang noo ko, ganyan siya kapag nilalagnat kaya naman naglakad na ako palapit sa kanya at hinawakan siya sa noo.



"Klaus! Nilalagnat ka!" Agad kong inalis ang kamay ko sa noo niya. "Diyan ka lang ipagluluto kita ng pagkain."



Tumalikod na ako pero bago pa man ako makahakbang palayo, hinawakan niya ako sa kamay. I turned around and looked at him.



"Are you leaving me again?" My heart melted by the way he said those lines. Ganon ba talaga ako sa kanya? Palagi ko ba talaga siyang iniiwan? I sighed. Why am I even asking myself when I already know the answer to my question. I shook my head.



"Hindi. Ipagluluto lang kita. Magpahinga ka lang diyan." I tried to pull my hand pero mas lalo niyang hinihpitan ang hawak sa kamay ko. "Klaus, I'll be back. Promise."


Tinitigan niya ako ng maigi bago ako binitawan. "Alright." Humiga na siya ulit at pumikit.



Nagluto ako ng soup. Ganito ang niluluto ko para kay Riona kapag nagkakasakit siya, pero sobrang bihira lang dahil bihira lang din naman magkasakit ang batang iyon. Parang si Klaus, bihira lang din naman magkasakit ang taong to. Karamihan talaga ng namana ni Riona sa kanya. Konti lang ang sa akin.



Bumalik ako sa kwarto niya at tinulungan siyang umupo kaya ngayon, nakasandal na siya sa headboard habang sinusubuan ko siyang kumain ng soup.


"Bakit ba ganyan ka makatitig sa akin?" Na iilang na kasi ako dahil habang kumakain siya nakatitig lang siya sa akin na parang ano mang oras mawawala ako.



"Hindi lang ako makapaniwala na nandito ka ngayon." I rolled my eyes.


"Drama mo. Kain ka nga lang." Natatawang sabi ko pero hindi siya tumawa. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin.


Mabuti nalang at paubos na ang soup niya kaya naman sa huling subo ko ng pagkain sa kanya, agad akong tumayo at binitbit ang tasa palabas. Nakakailang na talaga yung tingin niya, ang bilis na din ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba.


I rummaged through my bag and looked for the medicine that I bought on my way here because I already suspected that he's sick. Tumalikod na ako at muntik pa akong mapasigaw nang magulat dahil nakita ko si Klaus na nakatayo at naka sandal sa may pinto.


"Ano bang ginagawa mo diyan? Ang creepy mo naman! Dun ka nga lang sa kwarto mo. Humiga ka. Magpahinga ka. Inomin mo nalang itong gamot mo tapos uuwi na ako." Nilampasan ko siya at naglakad na ako pabalik ng kwarto niya pero agad niya akong pinigilan at niyakap.



"Kaye, please stay with me." Niyakap niya ako ng mas mahigpit. "Ano pa ba ang dapat kong gawin para manatili ka sa tabi ko?"


Hindi ako nakagalaw sa sobrang gulat. Why is he like this all of a sudden? Malayong malayo sa palangiti at pala-asar na Klaus. Dahil siguro may sakit siya kaya kung anu-ano nalang ang nasasabi niya.



"Do I have to beg? Cause I would always be willing to beg for you. Kahit ilang beses. Kahit ilang ulit. Just so I can be with you." He slightly pulled away and looked me in the eyes. "Just so you won't leave me."


"Klaus..." He held my chin and slightly raised it before he pressed his lips to mine.

Running Away from the Billionaire (LOB series #4)Where stories live. Discover now