Tumango ito at binaba ang headphone niya. "Well..." Tumikhim ito. "How are you these past few days?"

Nanatili ang tingin ko sa baitang ng hagdanan. "Okay lang ako. Medyo nami-miss ko lang ang pamilya ko." Nginitian ko siya at binalik ang tingin sa baitang.

"Do you find Jared hard to please?"

Tumango ako nang di siya nilingon. "Yes—"

"Then just leave the town." Agad akong napatingin sa kanya. Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa second floor.

"You really want me to leave." Hindi tanong. Ngunit isang salaysay. Ngumiti ako ng mapait. "Kahit naman gusto ko ng maiyak sa sobrang tigas ng ulo niya ay 'di ako susuko. Nakasalalay sa akin ang magiging kinabukasan ko. Pagod na ako sa pagsunod kay Sir Jared. Parang gusto ko siyang putulan ng paa at lagyan ng packing tape ang bibig. Napapagod rin naman ako, e"

Bahagya akong napatalon nang bigla niyang nilagay sa tenga ko ang headphone niya.

Parang feeling ko ay kumalma ang puso at dugo ko nang marinig ko ang kalmang musika.

'I've got way too much time to be this hurt
Somebody help, it's getting worse
What do you do with a broken heart?
Once the light fades everything is dark
Way too much whiskey in my blood
I feel my body giving up
Can I hold on for another night?
What do I do with all this time?'

Hindi ko namalayang nakapikit na pala ako habang pinapakinggan ang musika. Nang idilat ko ang mata ko ay sinalubong ako ng mukha ni Adam na sobrang lapit.

Nakatingala ako sa kanya dahil mas matangkad siya. Bahagya siyang ngumiti at lumayo sa akin. Hinawakan niya ang likod ng palad ko at nilagay niya sa palad ko ang cellphone kung saan naka konekta ang headphone.

"That's 'Malibu Nights'. My favorite song."

--

Pinikit ko ang mata ko at dinamdam ang preskong hangin na tumatangay sa hibla ng buhok ko.

This is the feeling I wanted to feel after all those depressions I'm feeling. Carefree.

Tinaas ko ang braso ko at umaktong parang lumilipad. I spread my arms wide as I can. Like its the only way to let go of my frustrations.

"You look chill." Napabaling ako sa lalaking biglang nagsalita, agad naman akong napangiti nang malaman kong si Aldrin.

"Yes. Nakakarelax pala dito, 'no?" Sagot ko sa kanya ng may ngiti.

Sumandal ito sa barandilya at tumingala sa langit. "Natasha, you're beautiful. Yet, you're hiding it. Why?"

Nagkibit balikat lang ako at bahagyang tumawa. "Siguro sa ating dalawa, ikaw ang dapat magsalamin."

Sumandal rin ako sa railings at tumingala. Nagkikislapang mga bituwin ang bumungad sa paningin ko na siyang ikinangiti ko. Stars never fail to make me smile.

"Totoo ba?" biglang basag ni Aldrin sa katahimikan.

Nagsalubong naman ang noo kong bumaling sakanya. "Anong totoo?"

"Na babysitter ka ni Jared?" aniya.

Binalik ko tingin ko sa kalangitan. "Oo. Hindi naman kasi ako makakarating ng Maynila kung hindi ako naging babysitter ni Sir Jared."

"What do you mean?"

Hindi ko inalis ang paningin ko sa kalangitan. "Galing akong probinsya. Simple lang ang pamumuhay namin, nakakain ng tatlong beses sa isang araw. Natutulog sa may pader at atip. Komportable. "

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Where stories live. Discover now