Sir Jared 'tssed' and rolled his eyes in a manly way. "She's such a pain in the ass. Walang ibang ginawa kundi ang magsuot ng mga malalaswang damit."

Agad na tumayo si Adam. "I have to go, bud. I know you're just going to sleep. Dream of Jennie." Nginisihan ni Adam si Sir Jared at bumaling sa akin. "Take care of yourself. Kaylangan mong gumaling dahil may victory party sa bahay tomorrow night." He messed my hair before leaving the scene.

Inabot ko ang bulseta at kinuha ang laman nito. Gutom ako. Malalaki ang kagat ko at subo sa sobrang gutom. Wala na akong pake sa paligid ko.

"Relax. No one's gonna steal your food away." Kahit alam kong biro ay malamig pa rin ang boses nito.

Tinaasan ko siya ng kilay. E, anong pake niya? "E, ano naman ngayon? Nagugutom ka? Aba, bumili ka ng iyo."

Inubos ko ang pagkain ko at ininom ang mineral water sa mesa. Bigla namang bumukas ang pinto ng clinic at pumasok si Ella.

"Nat!" Agad itong lumapit sa akin at umupo sa kamang kinalalagyan ko. "Are you okay? You look pale."

Tumikhim si Sir Jared sa kabilang kama. "I'm leaving. Take care of your co-nerd." Agad itong bumangon at lumabas ng clinic.

Mama mo co-nerd. Tangina nito.

Nabalik ang atensyon ko kay Ella nang niyugyog ako nito. "Girl!" Impit na tili nito. "Ang gwapo sa malapitan ni Jared!" Namumula ang pisngi nito.

Napailing nalang ako sa inakto niya. Talagang sobrang gwapo na talaga ang tingin niya kay sir Jared?

"Girl, 'yung blue eyes niya, ang tangos ng ilong tapos yung... yung... yung chin niya, nako! Sobrang makasalanan ng lalaking 'yun," aniya.

I just smile. "Akala ko ba kay Adam ka?" pangbubuska ko.

Umirap ito sa ere. "Duh! I love Adam but that doesn't mean I can't like Jared. Ang gwapo nila! Wala na akong pake kahit mas matanda sila ng isang taon, Basta gwapo sila."

Sumandal ulit ako sa headboard nang maramdaman ko ang konting pagkahilo ngunit hindi ko pinahalata sa kanya iyon.

Agad niya akong tinampal sa braso na ikinaungol ko sa sakit. "Bakit ba?"

"You have a lots of explanation to me." Biglang sumeryoso ang boses nito.

"Diba volleyball ang susunod na laro—"

"Hindi ako sumali dahil napasugod ka sa clinic kaya explain," putol nito sa akin.

Napabuga ako ng hangin. Ano pang magagawa ko? Wala na akong takas eh. "Saan ba ako magsisimula?"

"From the very beginning."

Wala akong nagawa kundi ang isalaysay ang buong pangyayari. Kung paano ako nakaabot sa kinatatayuan ko ngayon. Marami siyang tanong kaya sinasagot ko na lamang. Ang daldal masyado, e. Ngunit syempre, may mga parte ng buhay ko na hindi ko sinalaysay.

"Oh my god!" Tinakpan nito ang kanyang bibig upang pigilan ang tili. "So, you're living with Jared Montenegro?"

Pang-ilang beses na niyang tinanong ang bagay na iyan. Paulit-ulit.

"Congrats nga pala." Ngumiti ito. Salamat naman at ibang topic na. "Mukhang may susunod sa yapak ni ate Kelly."

Mabilis na nagsalubong ang kilay ko. "Ano bang meron sa Kelly na 'yan at panay ang sabi niyo na may sumusunod sa yapak niya?"

Huminga siya ng malalim at tumungo sa pinto. Sinarado niya ito at ni-lock. Agad niya rin naman akong nilapitan.

"Si Kelly? Siya yung campus queen and model. Siya rin ang girlfriend ni Jared. They were the perfect couple of the school. Handsome and beautiful people. Kelly loves archery. Hinirang din siyang Queen of Arrow. Mahilig siyang sumayaw, ganu'n din si Jared. Parehas silang mahilig umawit. Masyadong gifted ang dalawang 'yon, e." Huminto ito at huminga. "But everything had changed when she left the country and went abroad."

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Where stories live. Discover now