Nagtaka kaming lahat nang hindi gumalaw si Sir Jared sa mismong gitna ng court; kasalukuyang pinapatalbog ang bola. Habang ang lahat ay nasa shooting ring namin, nakaharang sa aming mga manlalaro.

"Go Jared!" pumailanlang ang boses ni Jennie.

May iilang atensyon ang napunta sa kanya ngunit mas marami sa baliw na babaeng katabi ko.

"Go Adam! Ipanalo mo ang laro para sa akin!" sigaw ni Ella.

Napailing na lamang ako sa inasta niya. Agad niya akong siniko kaya muntik na akong matumba. "Ikaw, sinong iche-cheer mo?"

Gusto kong sagutin na si sir Jared ngunit hindi ko na lang ginawa. Alam ko naman kasing magtataka siya kung si sir Jared ang isasagot ko dahil hindi niya naman kami nakitang nagkausap o nag pansinan man lang.

Lumingon sa pwesto ko si sir Jared dala ang blankong tingin. Tumingin ako sa likod at nakita ang pagpapantasya sa kanilang mga mata. Binalik ko ang tingin ko kay sir at wala sa sariling nag thumbs-up.

Umiling lang ito at pinatalbog ang bola sa huling pagkakataon bago tinira. Sa mismong kinatatayuan niya. Sa gitna ng court.

Tumahimik ang lahat habang hinihintay na pumasok ang bola sa ring.

Malakas ang naging tilian nang pumasok ang bola na walang sabit. Tumingin ito sa pwesto ko at tinaasan ako ng kilay na para bang sinasabi niya na sobrang galing niya.

Inirapan ko na lang ito. Sumigaw ang coach ng aming panig ng time out. Kanya-kanyang upo naman ang mga manlalaro sa bench.

"Baba tayo!" Hinila ako ni Ella pababa mula sa bench na inuupuan namin.

Dala niya ang mineral water na ibibigay niya daw kay Adam. Agad niya akong hinila palapit sa pwesto ng Alas.

"H-hi, Adam," tawag ni Ella sa atensyon ni Adam.

Agad na napatingin sa pwesto namin si Adam at iba pang miyembro ng Alas. Pati rin si sir Jared na kasalukuyang pinupunasan ni Jennie ang pawis. Hindi ba siya nandidiri? 'Di ba nagbreak na sila? Wow! Ex with benefits. Kadirdir.

"Yes?" sagot ni Adam.

Nahihiyang inabot ni Ella ang mineral water kay Adam. "P-para sa'yo s-sana. Sana t-tanggapin mo." Kita kong kinagat ni Ella ang kanyang ibabang labi.

Naaaliw akong pinapanuod siyang namamawis ang kamay at kasalukuyang nakahawak sa akin. Nagulat ako nang may nagtapon sa akin ng maliit na tuwalya.

"Wipe my sweat," utos nito.

Nagsalubong naman ang kilay ko. "Excuse me? Ako ba? Sir--"

"No more bluff, Ms. Aurin. Wipe me."

Kagat labi akong nilibot ang paningin sa buong basketball court. Lahat ng atensyon lalo na ang mga babaeng galing sa aming paaralan ay matalim ang tingin sa pwesto ko.

"Now."

Wala akong nagawa kundi pahiran ang pawis niya sa noo at malapit sa may tenga. "Wait."

Hinubad niya ang kanyang Jersey sando at binalandra ang katawan nito. Iniwas ko ang paningin ko sa katawan niya at nagpatuloy sa pagpunas ng kanyang pisngi. My cheeks are burning red!

"Diyan lang ba ang pawis ko?" malamig nitong tanong. Pero kita ko ang paglalaro ng kanyang mata.

"Hindi," I replied.

"Then wipe where my sweat flows," he said.

Pinunasan ko ang leeg niya at sa batok. Kita kong naaaliw siya sa mga pinapagawa niya kaya bumulong ako.

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon