6. Ang Hukluban sa Salamin

2.2K 75 0
                                    

Magmula ng dumating sa bahay ni Imang ang salamin ay naging masayahin ito sa tuwing haharap sa magarang salaming iyon. Pakiramdam kasi ni Imang napakaganda niya pag nakaharap siya dito. Kaya naman naging gawi nya na pagmulat ng mata sa umaga, matapos maligo, matapos magbihis, bago umalis, pagdating ng bahay, bago matulog ay ilang minuto muna siya haharap sa salamin upang pagmasdan at hangaan ang sarili. Minsan pa nga ay inaabot siya ng isang oras o higit pa sa kakatitig sa sariling repleksyon. At kahit wala siya sa bahay, ang isip niya ay gusto na agad maka uwi upang makaharap na siya agad sa salamin niyang magara.

Tulad nalang ng magbalikbayan si Chona, na kapwa niya Japayuki at taga Nagano ang napangasawa. Nagkita kita silang magkakaibigabg Japayuki sa isang karaoke bar. Iyon kasinang hilig nila-kumanta habang umiinom. Iyon din kasi ang nature ng mga trabaho nila sa mga KTV sa Japan. Tatlo sila ng gabing iyon, si Chona, si Lyn at si Imang na kilala sa Japan sa tawag na Joy.

"Ang halik mo! Nami miss ko! Bakit iniwan mo akoooh?"

Pumalakpak si Chona sa pagtatapos ng kanta ni Lyn. Napansin nila Chona at Lyn si Imang na walang kibo, tila balisa at ni hindi man lang pumalakpak.

"Hooy! Ikaw Joy ha! Anong arte yan Lolah? Kanina ka pa silent hill dyan!"

"Oo nga, tama si Lyn. Wag mong sabihing in love ka na naman! Naku naku! Wala kang mapapala sa mga Pinoy! Peperahan ka lang ng mga yun lalo pa kung bagets yan!"

"Ako nga eh tigilan nyo! Wala akong dyowang bago noh! Ano ako katulad nyong nga cheapipay! Hoy ibahin nyo si Joy! Sosyalin ang taste ko noh!"

"Hahaha kaya pala kandaiyak ka dun sa halachino mo nung huli mong uwi dito sa Pinas. Me pasumpa sumpa ka pa."

Dun na napikon si Imang ng tuluyan. Natatandaan pa niya ang lalaking minahal niya ng higit pa sa asawa niyang Hapon. Higit pa sa sarili niya. Sinustentuhan niya pati buong pamilya nito. Mula sa panganganak ng ceasarian ng mga manugang ng lalaki (biyudo ang lalaki), sa pagbili ng tricycle panghanapbuhay ng nga anak nito, at ultimo pangsugal nito sa kanya nanggagaling. Mabuti na nga lang tanga ang asawa niyang Hapon kaya sige lang padala ng lapad. Kinalaunan, ginawa pa siyang punching bag ng dyowa niyang Pinoy. Tiniis niya lahat iyon. Aba'y umuwi lang sya saglit sa Japan, agad niyang nabalitaan na may bago na itong dyowa, mas bata sa kanya, dalaga, at isang titulada. Kaya naman botong boto buong pamilya ni lalake sa ipinalit sa kanya. Sa isip isip naman niya, mas maganda parin siya! (Alam nyo naman si Imang sobra bilib sa singkwentahin na niyang beauty).

"Hay nako kung ako lang ang pagtitripan nyo dito eh mabuti pang umuwi nalang ako noh! Kesa sayangin ko ang oras ko sa mga bitter ocampong tulad niyo! Dyan na nga kayo!"

At biglang tayo si Imang, dampot ng leopard print na synthetic leather shoulder bag nya at pakendeng kendeng na lumabas sa KTV bar, pumara ng taxi sabay umuwi.

Naiwan niyang tulala sa pagtataka ang dalawang kaibigan. Ngayon lang kasi pumatol at napikon si Imang sa pang aasar nila. Datirati ay sasabayan pa sila nito ng tawa.

Hindi talaga maipaliwanag ni Imang ang sarili. Wala siyang kagana gana sa mga biro ng dalawang pinakamatalik na kaibigan. Nabubugnot siya sa mga ito. Gusto na niyang umuwi para makita ang sarili sa harap ng nagara niyang salamin.

At iyon na nga ang kanyang ginawa.

Pagkapasok na pagkapasok sa bahay niya at agad siyang dumeretso sa harap ng magarang salaming buong araw niyang iniisip. Humarap siya dito at nakaramdam ng kakaibang kagandahan. Tila ba kahit kanino siya itabi, mapa mas bata o mas matanda sa kanya ay ilalampaso ang nga ito ng kanyang alindog.

Habang nakatitig sa sariling repleksyon ay tila may naaninag si Imang na itim na bulto ng tao sa likuran niya. Agad niya itong nilingon ngunit wala naman siyang nakita kung kaya naisip niya na baka anino lamang likha ng mga pumapagaspas na dahon ng punong nasa tapat ng bintana. At muling humarap sa sariling repleksyon si Imang. Isang malakas at nakakakilabot na sigaw ang napakawalan ng ating bidang ex-Japayuki. Nanginginig siya sa takot sapagkat ang nasa harapan niya na nakaharap sa kanya mula sa magarang salamin ay isang napakatandang huklubang babae. At ang ipinanghilakbot ni Imang sa takot ay kamukha niya ang matandang huklubang nakangisi sa kanya labas pa ang maiitim nitong ngipin!

Salamin, Salamin! Maganda ba Ako?Where stories live. Discover now