Chapter 61: LAMUIAN FOREST

Magsimula sa umpisa
                                    

Isang kulay pulang ilaw ang lumapit kay Blake at tumigil ito sa kanyang harapan. Kahit na kinakabahan ay pinagmasdan din ni Blake ang kulay pulang bola ng ilaw sa kanyang harapan. Pumipintig-pintig ang pulang bola ng ilaw habang nakalutang ito sa harapan ni Blake. Iniumang ni Blake ang kanyang kamay at pilit na iniabot ito sa bola ng liwanag. Biglang nagliwanag ang balat sa palad ni Blake habang inilalapit niya ito sa espiritu. Dahil sa takot ay mabilis na binawi ni Blake ang kanyang kamay papunta sa kanya at pinatay ang ilaw na nagmumula sa balat sa kanyang palad. Nagpa-ikot-ikot naman ang pulang ilaw kina Blake at Mariang Makiling bago ito tumigil sa kanilang harapan at nagpakawala ng napakatining na sigaw. Nagtakip ng tenga sina Blake at Mariang Makiling sa sobrang sakit sa tengang sigaw na nagmumula sa kulay pulang bola ng ilaw na lumapit kay Blake.

Unti-unting pumalibot sa kanila ang lahat ng mga makukulay na bola ng ilaw at saka tumigil ang sigaw na nagmumula sa pulang espiritu. Nag-alis na rin ng pagkakatakip sa kanilang mga tenga ang diwata at ang bata at namangha sa kanilang nakita. Nagsama-sama ang mga bola ng ilaw ayon sa kanilang kulay at napapalibutan sila ng mga ito. May espasyo sa pinakagitnang bahagi sa kanilang harapan sa pagitan ng mga pula at bughaw na kulay na mga espiritu. Sa espasyong iyon ay dalawang kakaibang kulay na bola ng liwanag ang papalapit sa kanila.

Nanlaki ang mga mata ni Mariang Makiling pagkakita sa dalawang bola ng kulay at napahawak kay Blake. Napatingin naman si Blake sa papalapit na dalawang espiritu na kakaiba sa lahat ng kulay ng ilaw na nakapalibot sa kanila. Isang kulay berdeng ilaw ang nasa harapan ng kulay gintong ilaw ang mabilis na lumalapit sa kanila.

"Blake, lumuhod ka dali!" ang halos pabulong na wika ni Mariang Makiling sa bata. Mabilis na lumuhod si Blake pagkarinig sa diwata. Lumuhod din si Mariang Makiling pagkalapit sa kanila ng dalawang bola ng ilaw sa kanilang harapan.

"Patawarin po ninyo ako at ng aking kasama sa paggambala namin sa inyong nasasakupan. Hindi po namin sinasadya ang makarating dito ng walang pahintulot mula sa inyo." Ang paghingi ng paumanhin ni Mariang Makiling sa dalawang espiritu. Alam ni Makiling na ang kulay berdeng ilaw ay ang espiritu ni Amihan, pero ang kulay gintong ilaw ay hindi nito alam kung sino. Ang alam lang niya na kapag kulay ginto ang bola ng liwanag ay nagmumula ito espiritu ng higit na mas mataas na angkan ng mga diyos at diyosa.

" Tumindig ka diwata ng kagubatan: Mariang Makiling mula sa angkan ng mga magigiting na diwata mula sa Sansinukop. Magbigay pugay sa tunay na diyosang Bulan, anak ni Bathala diyosa ng Buwan." ang wika ng kulay berdeng kaluluwa kay Mariang Makiling na nakikipag-usap mula sa isip.

Laking gulat ni Mariang Makiling sa narinig nito na ang kulay gintong kaluluwa ay mula sa espiritu ng tunay na diyosang Bulan. Pero paanong nangyari iyon samantalang buhay na buhay pa si diyosang Bulan at kasalukuyang nanghihikayat para pabagsakin ang Kalangitan para siya na ang mamumuno sa buong Sanlibutan?

Unti-unting nagkaroon ng porma ang dalawang bola ng liwanag, at sa harapan mismo nina Mariang Makiling at Blake ay nakatayo ang totoong hitsura nina diyosang Bulan at Amihan.

Pagkakita ng diwata kay diyosang Bulan ay napaiyak ito sa sinapit ng diyosa na matagal na palang pumanaw sa kagubatan na kung saan sila naroroon.

"Makiling..." ang tawag sa kanya ni diyosang Bulan. Napakalamig ng kanyang boses na tila nanunuot hangang sa kaluluwa ng diwata kahit na nakikipag-usap lamang ito gamit ang isip.

"Mahal na diyosa, hindi ko po maintindihan..." ang tugon ni Mariang Makiling sa kaluluwa ng diyosa.ng si Bulan "...paanong nangyari na nakabilanggo rito ang kaluluwa po ninyo at sino ang diyosang Bulan ang naghahasik ng kadiliman sa Sanlibutan?"

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon