Mariin akong napapikit dahil malapit na talagang maubos ang pasensya ko. Pero dahil sa kagustuhan kong masiguro na magiging maayos lang siya ay nagpumilit pa rin akong sundan siya.

Nang makarating kami sa aming floor ay tahimik pa rin siyang naglakad. Hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

"Thank you sa paghahatid. Kaya ko na ang sarili ko," seryosong sabi pa niya habang ipinapasok ang key card sa pinto.

Sa halip na kumibo ay pinagmasdan ko lang siya sa kanyang ginagawa. She seemed tense kaya wala ako sa sariling ngumiti.

"Hindi ka pa ba aalis?!" sita pa niya nang mapansing hindi pa rin ako umaalis.

"Gusto kong makasigurong may kakainin ka, bago ka magtulog," malamig na sagot ko pa sabay nagtaas ng kilay.

"Are you freaking kidding me?" Nakaawang pa ang mga labing tumitig siya sa akin na para bang hindi makapaniwala. "I am not a kid. Definitely not your sister, Chance," irita pang sabi niya sabay paikot sa kanyang mga mata.

Itinulak niya ang pinto para magbukas iyon at maagap naman akong nakasunod. Nanlalaki ang mga mata niyang tumitig sa akin nang tuluyan ko siyang nilagpasan at nagdiretso sa kitchen. I am fully aware that she knew nothing about cooking. Madalas ay umo-order lang siya sa labas or minsan naman ay dinadalhan siya ni Tita Ady ng pagkain. Minsan din ay si Tyrone ang nagluluto para sa kanilang dalawa.

"What the hell are you doing?!" gulat pa ring tanong niya habang nakasunod.

"I am cooking your lunch, Kirs. Magpalit ka na ng damit mo at tatawagin na lang kita kapag naipagluto na kita. Anything you want, baby girl?"

"Yes," matigas pa niyang sagot. "I want you out of my suite, Chance Daniel. Now!"

Sa halip na sumagot ay umismid lang ako at nagbuklat sa kanyang ref.

"May gusto ka bang kainin?" baling ko pa sa kanya at pilit na binalewala ang huling mga sinabi nito.

"I said, I want you out," pag-uulit pa niya sa mas malakas na boses.

Ngumuso ako at nagkunwari pa ring walang narinig. Kumuha ako ng frozen meat at nagbisita rin sa kanyang mga gulay.

"Bingi ka ba? Sabi ko, I want you out!" pag-uulit pa niya sa mas pinalakas na boses.

"Don't stress yourself, baby girl. Doon ka na sa kwarto mo. Ako na ang bahala rito. Promise, aalis din ako kaagad kapag nakatapos na akong magluto, hmm? Go!" malumanay na pagtataboy ko pa na mas lalong nagpasimangot sa kanya.

She knew too well that I wouldn't care about her yelling at me and deliberately sending me out.

"Ugh, I so hate you right now!" inis pang aniya sabay talikod.

Wala ako sa sariling umiling dahil alam kong malabong ayawan niya ako. She just couldn't allow herself to hate me.

Padabog siyang nagmartsa papunta sa kanyang kwarto at buong lakas na isinara iyon. Napangiwi ako dahil kulang na lang kasi ay mag-crack ang wall niya sa lakas nang pagkakasara noon.

She's definitely not in the mood.

Red days.

Matapos kong makapagluto ay dali-dali ko ring nilinisan ang kusina. Wala ako sa sariling umiling dahil sa madalang na paggamit ng mga kubyertos ay parang bago pa rin ang lahat ng mga iyon. Ultimo kutsara ay parang wala man lang gasgas.

Maingat akong kumilos at lumapit sa kanyang kwarto. Kakatok sana ako, pero agad din akong natigilan nang maisip na baka nga pala natutulog siya. Maiistorbo ko pa kapag nagkataon. Kaya naman maingat ko na lang iyon binuksan at positibo ngang nahihimbing siya sa pagtulog.

Lumapit ako sa bed at pinagmasdan ang kanyang magandang mukha.

Gad, I could spend a lifetime staring at her beautiful face.

I am in love with Kirsten.

Mga bata pa lang kami ay alam kong mahal ko na siya. Pero tama rin ang tropa. Hindi tamang maging kami dahil matalik kaming magkaibigan ni Tyrone. Possibleng masira ang pagkakaibigan naming dalawa kapag hindi kami nag-work ni Kirsten. At kahit pa alam ko naman ang gusto ko, I just couldn't take the risk. Besides, I didn't want to hurt her either.

Naupo ako sa gilid ng bed at ginagap ang kanyang noo. Sobrang init niya. Agad ko rin namang binisita ang mga gamot na bigay ni Dr. Corvino at mukha namang nabawasan iyon at nakainom na siya.

Sinilip ko ang aking relo. I wouldn't make it in class. Pero alam ko rin namang hindi ko ipagpapalit ang klase para kay Kirsten. Mas mahalaga siya sa kahit na ano pang major subject ko.

Damn, Chance, you're pussy whipped.

"Chance Daniel..." bulong pa niya.

"I'm right here, baby girl. Ano nang pakiramdam mo?" nag-alalang tanong ko pa sabay haplos sa kanyang pisngi.

Pero sa halip na sumagot ay niyakap lang niya ang aking braso at bumaluktot. She was probably dreaming? And, she was dreaming of me. Hindi ko napigilang mangiti. It was nice to know that she dreamt of me.

Maingat akong lumapit at banayad na hinalikan ang kanyang pisngi. Pero lalayo na lang sana ako nang bigla siyang dumiretso ng higa at diretsong nagtama ang aming labi.

Shit.

Saglit akong natigilan nang malanghap ko ang kanyang hininga.

Oh Gad, baby girl.

She smelled exactly like I imagined. I bit my lower lip, trying with my bestest effort not to kiss her. Mariin akong napapikit dahil iba ang idinidikta ng aking isip.

I wanted to kiss her.

Damn.

Yumuko ako at dinampian ng manipis na halik ang kanyang mga labi. My heart was beating like crazy. I'd never felt like this with anyone. She already destroyed me for another woman. And, this was not good.

Maingat kong inalis ang pagkayakap ng kanyang kamay sa aking braso at buong lakas na lumayo sa bed nang hindi lumilingon. I needed to get the fuck out of here!

Dire-diretso akong lumabas ng kwarto at halos mapamura ako dahil sa tensyon. My feeling for Kirsten was deeper than I thought.

I needed to find a girlfriend.

The sooner, the better.

CRAZY IN LOVEOnde histórias criam vida. Descubra agora