PROLOGUE

530 21 22
                                    

"No, please. Wag mong gawin 'to. Pakiusap."

Pagmamakaawa ng babae sa isang matandang lalaki pero tila wala itong narinig.
Patuloy pa rin ito sa paglapit sa isang duguang binata.

"Binalaan na kita noon. Pero sinuway mo pa rin ako. Sumama ka pa rin sa isang tao na 'to."malumanay pero may pagbabantang ani ng lalaki.

"Alam ko. Patawarin mo ako. Kasalanan ko ang lahat. Pakawalan mo na siya. Wala siyang kasa--waggg!"

Tumilapon ang binata sa kabilang bahagi ng building.
Hinawakan ito ng lalaki sa leeg at itinaas sa ere.

Kasabay ng pagbabago ng kulay ng mata niya. Tila para itong dugo sa pula.
Sumibol ang magkabilang pangil niya sa bibig at nakangising lumingon sa babae.

"Pagmasdan mo ng maigi, Sy. Ito ang dapat ginagawa sa kanila. Kinakain hindi minamahal."

Sa isang iglap lang bumaon na ang pangil ng lalaki sa leeg ng binata.

"Wag! Bitawan mo siya!"

Sinipa ng babae ang lalaki pero huli na.
Walang-buhay na bumagsak ang katawan ng binata sa sahig.

"Hindi. H--Hunter? Hunter, gumising ka! Hunter! Pakiusap. Gumising ka. Wag mo akong iwan."

Iyak lang ng iyak ang babae. Puno ng pagsisisi ang isip niya.
Alam niyang mangyayari 'to pero tinuloy niya pa rin.

"Itapon niyo na ang katawan ng taong 'yan."
Utos ng lalaki.

Masama siyang tiningnan ng babae. Nakakuyom ang kamao nito habang nanginginig. Parang dugong nagliliyab sa galit ang mata niya.

"Bakit? Gusto mo akong patayin? Dapat magpasalamat ka dahil ginawan kita ng pabor. Kung ang ama mo ang nakaalam nito, patay ka na rin ngayon. Ito ang tandaan mo, Sy. Ang mga kagaya natin hindi pwedeng magmahal."

Umalis na ang lalaki.
Napasandal ang babae.

Lumapit siya sa katawan ng binata at lumuluhang hinaplos ang pisngi nito.

"Hihintayin kita. Maghihintay ako. Kailangan mo akong mapatawad. Kailangan kong bumawi. Sa araw na 'yon, poprotektahan kita."

-----------------------------
Annyeong!
This is GDlady👋👋
This is my first mature romance-vampire story. I don't know kung papasa ba 'to sa panlasa niyo.

Sinulat ko lang Kung ano ang pumasok sa kukote ko😊
Ipopost ko ang first chapter pagkatapos ng The Demon's Den. Marami na kasi akong awaiting stories. Ayoko ng dagdagan pa.

Sana suportahan niyo 'to. And I hope nagustuhan niyo ang prologue:)
Byunggg!

-Lady Kwon

SYHRA: Vampire's LoveWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu