Chapter 8

128 1 0
                                    

John Mark's POV

Nandito na sila ngayon sa likod ng school at mag-uusap ata, ako namam itong nagtago sa puno ay natauhan na kung bakit ko sila nasundan, hanep JM. Magpapahospital na nga ko mamaya.

"Ano bang paguusapan natin babe? Parang ang sudden naman at pinatawag mo ako, at nandito pa tayo sa likod ng school" Sabi ng lalaki sa kanya na nagpakunot sakin ng kilay. Pero napabuntong-hininga naman ako dahil nalaman ko na ang totoo.

Totoo nga ang rumors

May shota talaga si Raven

Edi itong lalaking kasama nya ngayon...

Ay si Kyle Natividad na laging pinag-uusapan ng mga tao

Napaluha nalang ako sa mga nakikita ko kasi niyakap nung Kyle si Raven at hinalikan pa sa leeg na hindi ko inaasahan, tinakpan ko nalang ang bibig ko at walang ingay na umalis sa likod ng puno at umalis na sa spot ng mabilis

Umalis din ako sa school at nagpuntang bar at uminom ng alak. Wow, hindi ko alam kung paano ako nakapunta dito dahil dinala nalang ako dito ng sariling paa ko habang iniisip si Raven at si Kyle dun sa likod ng school, haha. Nagcutting pa ako  A

Aaminin ko. First time lang ako makapunta sa lugar na ito dahil hindi ako pamilyar. Dito daw kasi napunta ang mga lalaking mga broken hearted o gusto ng mga babae. Napapaisip tuloy ako ng kahit ano ano habang tinitingnan ang mga babaeng nasayaw, dito ba napunta minsan si Kuya.

Pero kahit anong isip at titig ko parin sa mga babae, bakit sya parin ang naiisip ko, siguro dahil namahal ko na sya noh? Matagal-tagal na din nung nagsimula kaming mag-usap

Pero bakit ka nasasaktan JM?

Mahal mo lang sya ehh ikaw?

Mahal ka ba nya?

Wala naman kayo pero bakit ka nasasaktan

Sila na nung Kyle na yun at hindi ikaw si Kyle

Kung nagpakapogi lang ikaw dati pa edi sana kayo na ngayon

Bakit ba ang sakit ng puso ko. Sasabog na ata ito

Gusto ko syang makita pero mas gusto ko pang magpakalunod sa alak

Wala na akong pake kung sino ang makakita sakin pero ang sakit na talaga ng puso ko, bakit kaya ang bilis ng pangyayari

Dapat pala hindi na ko nag-iisip isip ng kung ano-ano, ako yung nasasaktan sa sarili ko eh

"Raven...." sabi ko habang napaluha nanaman. Who says na babae lang ang pwedeng lumuha dahil sa sakit. Naisip ko nanaman ang dalawa na naglalambingan sa isip ko, pero mas malala pa kasi sa ngayon dahil nakainom ako. Uminom ulit ako hanggang sa nakaubos na ata ako ng limang bote

"Ano? Magpapakatanga ka na lang ba?"

"Raven?"

"Hindi ako si Raven bro baliw ka na ba?"

"H-harvey" Tawag ko sa kanya ng makita ko kung sino sya. Kaibigan ko ito na medyo hindi nagpaparamdam sa amin pero mabait ito pero laging nasa bar, dapat pala sa malayong lugar ako nagpunta

"Itong JM namin, ang lakas mo palang uminom. Panglima mo na atang bote yan kasi kanina pa kita tinitingnan" sabi nya pero kumagumbaba lang aki

"Si Raven ba yan? Sabihin na nating may mahal syang iba pero kailangan tanggapin kaya ka nandito"

"A-ano nang gagawin ko? Wala na kong magagawa diba?" Sabi ko habang tutungga na sana pero pinigilan nya ko

"Wala ka namang magagawa sa kanila" Sabi nya at yun na nga at tumungga na ako. Bumuntong hininga nalang sya bago tingnan ang cellphone nya para itext ata

"Oh, Pre! Pre!!" Tinapik ako ng malakas ni Harvey na nagpainis sakin at lumayo sa kanya ng konti

"Ano ba yun pre?!"

"Si Raven Castillo, hinahanap ka nya sakin"

"Huh?!"

"Tol hinahanap ka ng Raven Castillo mo!"

Deep inlove with you!!~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon