Chapter 1

297 9 0
                                    

Guysueeee pakilike po at leave a comment thank you i love you guys!!!💖💕💕

I have this defferent story na kasali din yung characters at ibang story called Ultimate Crush. If you want more stories about them at ibaa. Thankk youu💓💓💓

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

John Mark's POV

Hi! Ako si John Mark Mendoza. The school Nerd. Ako ang kaisa isang kakambal ni Joshmar Mendoza kung nabasa nyo na ang isang story ni author. Magkaibang magkaiba talaga ang ugali naming dalawa kahit na kambal kami. Playboy sya, torpe ako. Tamad sya, masipag ako. Mean sya, mabait ako. Lahat ng masamang ugali...i mean konti lang ay nasa sa kanya na. Hindi kagaya ko. Mabuti, masipag, seryoso. Pero kahit isang babae. Walang nagkakagusto sakin, kaya umaasa nalang ako sa iisang babae sa campus na crush ko. She is Raven Castillo. Kaibigan sya ni Julianna Bautista. Si julianna Bautista naman nanliligaw kay kuya. Buti pa si Kuya may nanliligaw sa kanya na babae pero ako ito....wala

About nga pala sa Crush ko na si Raven Castillo. Ubod talaga sya ng ganda at halos lahat ng lalaki, napapanganga nya. Lalo na ako pero kahit anong gawin ko hindi ko sya kayang kausapin kasi napakatorpe ko talaga.

"Uy!!" tawag sakin ni Julianna na katabi ko sa upuan

"Bakit?"

"Bigay mo nga ito sa kuya mo" Sabi nito at binigay sakin ang Dairy Milk na chocolate

"Pang 62 na bigay mo na kay kuya ng ganitong chocolate"

"Bilang ko din, bakit?"

"Edi halos 62 days ka nang nanliligaw sa kanya"

"Yup, kaya bigay mo na din yan sa kanya dahil habang buhay akong manliligaw sa kakambal mo" Sabi pa nito sabay tawa

"Sige nalang"

"Hindi ba sya nagsasawa sa Dairy Milk?" Nag-isip muna ako kung sasagutin ko ba yung tanong nya peri nagfake-smile nalang ako

"Feeling ko nagsasawa na sya"

"Ako din feeling ko din yun. Ay sya ito nalang" Sabi nya sabay pinalitan nya yung Dairy Milk na Goya naman

"Ok na ba yan?"

"Siguro"

"Bigay mo yan sa kanya ahh"

"Okay"

"Thank you"

Buti pa talaga si Kuya may manliligaw pero ang pagkakaalam ko ay hindi nya ito sasagutin, ayaw pa kasing magseryoso. Bukas na nga pala ang Valentines day at pinag-iisipan ko talaga kung bibigyan ko si Raven ng chocolate o hindi. Bigyan ko kaya sya ng chocolate tapos syempre si Kuya magbibigay nun at hindi ako. Magtatago lang ako sa CR ganun tapos papanuorin sila, tama. Yun nalang ang gagawin ko basta't nabigyan ko sya

Pagkatapos ng klase pumunta agad kami ni kuya sa bahay .

As always pagkapasok nya sa bahay, higa agad sya.

"Kuya bigay ni Julianna ohh. Goya na ngayon" sabi ko at binigay sa kanya ang Goya. Agad naman syang tumayo at sumenyas pa na parang nagbabasketball sabay shoot sa basurahan ng chocolate na binigay ni Juliana, napabuntong-hininga nalang ako. At as always lagi namang ganito ang nangyayari sa bahay. Sinasayang lang ni kuya yung bigay ni Julianna sa kanya.

"Anything else to say??" Tanong ni Kuya sakin

"P-pwede mo ba akong tulungan bukas? Diba Valentines day" sabi ko

"Let me guess, gusto mo akong magbigay ng chocolate ng chocolate mo para kay Raven Castillo? No way, ikaw ang gumawa nun"

"KUYA NAHIHIYA AKO KAYA IKAW NALANGG!!!"

"Kailangan manigaw?" Tanong nya sakin pero umikot nalang ako at umakyat ng hagdanan, hindi kasi ito makikinig hangga't hindi sinisigawan kaya ginawa ko yun.

"Basta ikaw magbigay bukas. Im tired" sabi ko sa hagdanan at pumasok na ako sa kwarto ko

Hays, papayag kaya si Kuya na ibigay kay Raven ang chocolate ko. Hindi ko alam kung bakit parang mabigat ang damdamin ko ngayon pero parang may nag-sasabi na kausapin ko sya bukas pero piling ko lang ba yun? Weird

Deep inlove with you!!~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon