Chapter 10: Soothsayer

75 1 3
                                    

DAHYUN POV


"So.. Where do you wanna go sa Honeymoon natin?" tanong ni Kuya Eric. Eto na naman tong Honeymoon na to.

 Nakaupo ako sa kama habang siya naman nagpupush up.


"Ikaw.. Kung san mo gusto" sagot ko. Kinuha ko ang phone ko at tinext si Ate Solar.


(HOY.. YUNG ASAWA MO TINATANONG KUNG SAAN MO GUSTONG MAGHONEYMOON) 


Agad naman nagreply

(Sabihin mo. Busy pa.. Wag na muna. Anong ginagawa nya ngayon?) -- Ate


(Nagpupush up...)-- sagot ko naman.



"Let's go in Dubai.." Kuya Eric.


"Huh?? Ah kasee.. You know, ang daming ginagawa sa office.. I'm kinda busy right now.." sagot ko.


"It's okay.. Maghihintay lang ako" sagot niya, tumayo siya at lumapit sakin. He seated in front of me saka hinawakan ang magkabilang kamay ko.


"I Love You So Much Yongsun.." sabi niya. It makes my Heart Flutters. Unti unting lumapit ang mukha niya sakin. Shett! Hahalikan niya ako..



Isang inch na lang maglalapat na ang labi namin and...

Nagring ang phone niya. He smiled and give me a kiss in forehead.

"Sagutin ko lang muna.." sabi niya. Para akong nabuhusan ng tubig. Ang sarap maging si Ate..

Nahiga ako sa kama at iniisip ang mga nangyari. Nakakainlove si Kuya Eric, Ibang iba siya kay Jimin.



(KINABUKASAN)

Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock ni Ate. Sinarhan ko ito pero nagring ulit at this time.. Call na ito mula sa kanya.


"Bakit? Natutulog pa ako.." reklamo ko sa kanya.


"Magluto ka ng almusal.. BILIS!" Nakakabingi ang boses niya, I mean boses ko..


"Ate naman eh.. Natutulog pa siyaa" sagot ko. I am so sleepy.. 5 am pa lang taktee.


"Bilis na! Wag mo na hintayin magising yan.. Bangon! faster!" siya. Napilitan akong sundin si Ate. 


Tumungo ako sa kusina at binuksan ang ref.. Uyy May milkk

Kinuha ko yun at ininom..


Nakakita naman ako ng Eggs, may hotdog din.. 

FoodTech ang kinuha kong program sa school kaya alam kong magluto.


Gumawa ako ng pancakes, toast a bread, fried egg... Nagulat ako nang biglang may yumakap mula sa likod ko kaya nabitawan ko ang sandok at tumalsik sa akin ang mantika..

Switch Sisters (DahMin & SolRic)Where stories live. Discover now