Motorcycle

897 23 0
                                    



GRACE POV

"Good morning ma, pa " magiliw na bati ko sa mga magulang ko nang madatnan ko sila sa hapag-kainan.

"Morning sweetie. " sabay halik ni mama sa pisngi ko

"Morning. It's seems like you have a good sleep my dear. Parang ang saya-saya ng anak ko ngayon. Something you want to tell? " wika ni papa na binaba ang binabasang dyaryo at tumingin sa akin.

"H-ha , pa naman ieh... Masaya lang ako parang may malisya agad. "

"Bakit , may sinabi ba ako? Hmmm... " asar niya habang kinakapa-kapa ang baba , para namang may bigote .

"Kayong dalawa , oh siya kumain muna kayo bago kayo mag-asarang mag -ama. Teka hon, nasabi mo na ba kay Grace yung tungkol sa___"

"Don't. This is not the right time for that. " pigil ni papa

"Pe-ro__"

"Just trust me kay.. " sabi ni papa kaya napabuntonghininga nalang si mama . Naguguluhan ako pero alam ko may nililihim ang magulang ko sa akin. I smell something fishy.

"Ano po ba yun Ma, Pa. ? Kung mag-usap kayo parang wala ako dito. Care to explain? " nagtatakang tanong ko , umaasang sasagutin nila ako.

Umiwas ng tingin si mama kasabay ng pag-ayos niya ng pagkain. Samantala, tumingin si papa sa akin at nagsabing_

"Malalaman mo din anak. Not now but on the right time. Trust me , I will tell you when the right time comes. Kay sweetie? " nakangiting wika niya na nagbibigay assurance sa naguguluhan kong isip . May tiwala ako sa kanila at alam kong wala silang gagawin na ikakapahamak ko.

Nagpatuloy kami sa pagkain at nung susubo na sana ako,

"Teka anak , may boyfriend ka na ba?" biglang tanong ni mama

*Cough! Cough!

Naibuga ko bigla ang kinakain ko. !

"Hetong tubig anak, ba't hindi ka kasi nagdadahan-dahan. May masama ba sa tanong ko kaya ka nasamid? "
natatawang turan ni mama.

"Bakit niyo po natanong? Mama naman iehhh.. Grabe kayo sa akin ." pagmamaktol ko

" Hahaha, natanong ko lang anak. Meron kasing naghatid ng kotse mo kagabi. Guwapong mga lalaki. Ang akin lang anak, baka isa doon ang boyfriend mo. " wika niya na tila nag-iimbestiga

"A-ah yun po ba. Nasiraan po ako kaya po pinaayos yung kotse ko . Siguro po sila Ashton po yun. " sagot ko

"Sino namang Ashton iyon? Kung gusto nilang manligaw kailangan muna nilang dumaan sa akin.. !" biglang singit ni papa. Kahit kailan talaga , malaman lang na may manligaw, iba agad ang reaksyon. Overprotective si papa pagdating sa akin.

"Ma, pa, si Ashton tapos yung kasama niya mga kaibigan ko lang po. Nagmagandang loob lang po sila na ihatid ang kotse ko. Huwag niyo na sanang bigyan ng malisya. " sagot ko.

Ayokong sabihin sa kanila ang nangyari kahapon sapagkat alam kong mag-aalala sila. Kung si Nathan ay muntikan nang makapatay, tiyak na mas higit pa doon ang gagawin nila papa .

"Kung hinatid nila ang kotse mo, saan ka naman sumakay? " nagtatakang tanong ni mama

"H-ha? Ah kasi_" susubukan ko sanang magdahilan pero-

"Don't try to denied it anak, may tinatago ka ba sa amin?" naniningkit ang mata niya habang nakatingin sa akin.

Hindi ako makatingin ng diretso sa kanila. Feeling ko nasa hot seat ako ngayon. Alangan sabihin ko na "Ma, Pa may boyfriend po ako at hindi ako niligawan , tas nung muntik akong magahasa, nalaman ko na siya pala ang childhood friend ko na si Nate, " napabuntunghininga ako. Ayokong maglihim dahil ayoko silang mag-alala.

Possessive BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon