Jealousy

841 22 2
                                    






Grace POV

Unti-unti siyang naglakad papalapit sa akin. Samantalang ako , napako sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko ang kaniyang pagtitig na tila bang humihila para tumingin ako pabalik.

Umatras ako hanggang sa , naramdaman ko ang matigas na bagay sa aking likuran.

Nilagay niya ang kaniyang kamay sa magkabilang gilid , para itrap ako.

Nagulat ako ay naramdamang mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko , dahil sa ginawa niyang yun.

Umangat ang paningin ko at tinignan siya sa mata.

Ewan ko ba ,

ngunit hindi ko maintindihan kung bakit automatiko akong napapasunod sa bawat naisin niya.

Habang nakakatitig sa mata niya , dun ko nabasa ang sari-saring emosyon , nariyan ang galit at inis. Dahil hindi ko matiis ang makipagtitigan, binaling ko nalang sa iba ang aking tingin.

"Look at me ms Nerdy. " napasinghap ako nang hawakan ang baba ko saka inaangat.

"Bakit kayo magkasama ng lalaking yun? " wika ng baritonong tinig na nagpataas ng balahibo ko.

Naramdaman kong nanunuyo ang lalamunan ko , sa bawat titig na pinupukol niya.

Kasabay nito, ang init na dumadaloy mula sa kanyang kamay patungo sa ibang bahagi ng katawan ko. Sinubukan kong ibuka ang bibig ko, ngunit walang boses ang lumalabas dito.

Parang lagi siya ang may control sa katawan ko tuwing malapit kami.

"Ba't di ka makasagot. ! " nagulat akong napatingin sa kanya sa biglang pagtaas ng kaniyang boses.

"N-nathan, sinamahan lang ako ni Devon. ." sambit ko

"Don't fucking say others man's name when your with me! "

"Pero wala naman akong ginawang masama . Tinulungan niya lang ako." paliwanag ko

" F***!! " kasabay ng paghampas sa punong kinasasandalan ko.

Bigla akong nakadama ng takot dahil sa ginawa niya. Nakita ko rin ang gulat sa mata niya nang marealize ang kanyang ginawa.

Naramdaman ko na lang na nakakulong na ako sa kaniyang mga bisig.

"Sorry , di ko sinasadya. Nadala lang ako ng galit. " mababakas sa tono niya ang pagsisisi habang kayakap ako.

Panandaliang napako ako sa kinaroroonan ko, pero agad ding nakabawi. Unti-unti kong inangat ang kamay ko para yakapin siya pabalik. Iba talaga ang pakiraramdaman lalo na't nakakulong ako sa kanyang mga braso. Tila binura ng yakap niya ang nangyari kani-kanina lang.

"Ayos ka lang ba Nathan? " tanong ko

" No, I mean yes. Let me stay for a while. " habang inaamoy ang leeg ko.

Nadama ko ang kanyang mainit na hininga na nagbibigay ng kakaibang kiliti na dumadaloy sa buo kong katawan .

Napansin ko, parati niyang inaamoy ang leeg ko. Ano ba ang meron sa amoy ko? Pero sa tuwing ginagawa niya ito , nakikita kong tumatahimik siya.

"You smell so good.. " naramdaman ko ang pagdaloy ng dugo sa aking pisnge dahil sa sinabi niya.

Unti-unti niyang kinalas ang yakap at tumingin sa aking mga mata.

Possessive BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon