First Encounter

1K 31 0
                                    





*Flashback ; The day Before ng encounter sa Canteen.

Grace POV

*kriiinggg!!!

Pinatay ko ang alarm upang simulan ang morning rituals ko.

Ako nga pala si Selena Grace Velgara. Dati akong Saavedra ngunit dahil inampon ako napalitan ang lastname ko. Namatay sa isang car accident ang mga magulang ko nung 10 years old pa lang ako kaya maaga akong naulila. Inampon ako ng mag asawang Velgara dahil matalik silang kaibigan ng aking mga magulang. D sila nabiyayaan ng anak kaya't laking tuwa nila ng mahanap ako. Di sila nagkulang sa pagmamahal at tinuring ako bilang tunay na anak. Natigil lang ako sa pagmumuni-muni ng biglang may kumatok.

"Grace iha, baba na ka na. Nakahanda na ang pagkain" wika ni manang Lanie.

"Cge po manang . Susunod po ako. " magiliw na tugon ko.

Si manang Lanie ay matagal nang naninilbihan sa pamilya Vergara . Binata pa si papa kaya't pamilya na ang turing namin sa kanya. Pagkababa ko naabutan ko sina mama at papa sa hapag.

"Morning Ma , Pa" malambing na bati ko sabay halik sa pisngi nila.

"Naglalambing na naman tong anak ko. Lika nga nang mayakap ka ni mama" sabay yakap kay mama.

Malambing naman talaga ako ie...

"Mama talaga d na kau nasanay. Laking pasasalamat ko sa inyo dahil nung dumating kayo naging kumpleto ako.. Mahal na mahal ko kau ni Papa , Mama." madamdaming wika ko.

"Kami din anak. Ikaw ang pinakamagandang regalo na natanggap namin. Mahal din kita." naluluhang wika niya.

Itong talaga si mama kahit kailan ang babaw ng luha. Ganyan niya ako kamahal.

"Oh, naku nagdadrama na naman ang mag-ina ko umagang-umaga. Pano naman ako? Nasan ang hug ko baby." kunwaring tampo ni papa.

Naratawa akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Oh, siya tama na ang drama baka malate ka pa. Kain na tau. " pag-iiba ni papa.

Sus! Naluluha din yan kaya iniiba ang usapan hehe. Balat sibuyas kasi si papa.

Nakaugalian naming sabay-sabay kumain para magkaroon ng quality time sa pamilya. Pagkatapos kumain , nagpaalam ako sa kanila para pumasok.

Pagdating sa School di ko maiwasan ang kabahan sapagkat ito ang unang pasok ko sa bago kong University. Huminga ako nang malalim saka pumasok sa loob. Hawak ang isang mapa , hinanap ko kung saan ang building sa kursong BS in Interior Design.

Sa d kalayuan may narinig akong hiyawan kaya napatingin ako sa kinaroroonan nito.

Isang lalaki ang bumaba sa kanyang kotse at kung maglakad ay parang hari na walang pakialam sa mundo.

"Parang pamilyar siya? Saan ko kaya siya nakita?" tanong na bumabalot sa aking isipan.

Alam mo yung feeling na kilala mo pero di mo maalala kung saan o kailan kayo nagkita.

Lalong lumakas ang tilian ng dumating ang isa pang lalaki at kumindat pa sa mga babae.

"Ano ba yan, parang kindat lang halos mahulog na ang panty nila" bulong ko.

Bumalik ang tingin ko sa kanya. May kung anong foreign feeling na di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang tinititigan siya.

Napatigil lang ako sa daydream ko ng biglang may bumangga na matigas na bagay.

Possessive BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon