Glasses

761 21 0
                                    



Grace POV


"Grace wait. !" wika ni Chloe.

Ngunit pinigilan siya ni Steven.

"Let her be, for now ." wika nito

Grace PoV

Paglabas ko sa room di ko na pinansin ang pagtawag sakin ni Chloe. Basta ang alam ko sa mga oras na yun , kailangan kong umalis.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako tumakbo pero pag-angat ko ng tingin , saka ko napansin na nasa isang garden na ako. Di ko maiwasan ang humanga sa angking kagandahan nito. Kapansin-pansin ang kalinisan at kaayusan na nagbibigay ng kaginhawahan sa sinumang nais maglagi dito. Buti na lang dito ako dinala ng aking mga paa.

May nakita akong bench at dun umupo. Dun ko mas nasilayan ang kabuuan ng lugar. Nakakarelax dagdag mo pa pag nasilayan ang fountain na nasa gitna.

Ang fountain ay may statue na angle sa taas at nakaspread ang kaniyang pakpak. Tila nagsasabi na welcome ang lahat dito.

Tuloy, bigla akong nakaramdam ng pangangati ng kamay , senyales na kailangan kong magpinta. Nangyayari lang ito pag naiistress ako o kung may magandang tanawin ang nakikita ko.

Tanging pagpipinta ang stress reliever ko mula sa aking pagkabata. Pintor ang aking ina. Siya ang nagturo sa akin kung paano magpinta at todo support ang aking ama. Litrato ng isang masayang pamilya. Di ko tuloy maiwasan ang malungkot. Sayang at wala na sila. Sobra ng miss ko na sila....

Hinanap ko ang aking sketch pad at nagsimula. Bawat sketch at shading ay nawawala ako ako sa realidad. Narerelax ako tuwing ako ay nagpipinta. Di ko alam kong gaano ako katagal . Napatigil lang ako nang marinig ko ang bell.

Realization hits me. Late na ako sa first subject. Lagot!!

Masyado akong nawili kaya di ko namalayan ang oras .

Dali-dali kong inayos ang gamit ko saka umalis. Di ko namalayan , nahulog pala ang glasses ko.

Lakad-takbo ang ginawa ko dahil late na talaga ako.

Kasalanan ito ng feeling haring iyon . Grrr...

Kung di lang niya ako kinidnap (kung kidnap ang tawag dun) , wala sana ako sa situwasyong ito ..

Makarma sana siya . Hmmmpp...

Nathat's POV

" Hachuu!!" biglang bahing ko.

"Biglang may nakaàlala brad. Baka si ms. Nerdy ,, uuy!! " asar ni Kian

"Baliw! Magtigil ka kung ayaw mong masapak. Baka nakakalimutan mo pumalpak ang plano natin." suway ni Ash

"Anong natin Brad, Baka nakakalimutan mo din . Plano mo lang yun . Extra lang kami. hahaha " Kian

"Aba't__"

"Kayong dalawa tumahimik! " Ate Xandra

"Aye, ate . " sabay salute ng dalawa.

Di ko maiwasan ang mapangiti sa dalawang tukmol na to. Kahit kailan talaga ang kulit nilang pareho. Para silang aso't pusa kung magbangayan. Di makukumpleto ang araw pag walang Ash at Kian na nagkukulitan. Pero kahit ganyan ang mga yan , sa panahon ng pangangailangan tiyak na sila'y malalapitan. Pwera lang pag si ate ang pinag-uusapan. hehe

"Hoy brad! Kitams ! Ngumiti ang badboy natin. Ano kaya ang nangyari sa kanila ni ms.Nerdy ?" bulong ni Kian kay Ash

"Tumigil ka nga! Baka mamaya marinig ka madamay pa ako. Teka , oo ng no, I smell something fishy ." bulong din ni Ashton

Possessive BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon