Agad kong hinarangan ang pinto. "Sir, bawal kang mag-cutting." Bumuga ako ng hangin at tumingin sa paligid.

Lima sila at seryosong nakatingin sa akin si Adam na wari'y sinasabing 'wag kong subukan'. Bumalik ang panginin ko kay sir Jared nang magsalita ito.

"And who are you?" Tumuwid ito ng tayo at mataman akong tinignan.

Ganyan din tumingin pinsan ko, e. Sanay na ako. Bakit ba lahat ng gwapo, suplado?

"I'm Natasha Aurin, your---" Naputol ang sasabihin ko nang aakmahan niya ako ng suntok.

Mabilis na humarang si Adam sa gitna naming dalawa at hinawakan ang kamao ni Sir Jared.

"She's a girl, man," kalmadong saad ni Adam.

Binaba ni Sir Jared ang kanyang kamao at matalim ang tinging ginagawad sa akin. "I don't need you. You should die."

Tinulak ako nito paalis sa bukana ng kanyang pintuan at pumasok sa loob ng sasakyan. Napaupo naman ako sa lapag sa lakas ng pagkakatulak niya.

Mabilis itong humarurot paalis ng parking lot. Naiiling na nilapitan ako ni Adam. Umupo siya upang mapantayan ako at nilagay ang kamay sa ulo ko.

"You take this as a lesson. Never try to stop Jared, Ms. Aurin. You don't know what capable he is. Walang sinasanto ang katulad niya."

Lakas loob akong tumayo kaya tumayo rin si Adam. Tumingala ako upang matingnan ko ang mata niya. Hanggang leeg lang naman kasi ako, e 'no? Pantay lang ng noo ko ang bibig niya.

"And you don't know what I can do, too. Ito ang trabahong pinasok ko kaya huwag mo na akong pakialaman." Kinuha ko ang bag ko sa lapag at sinukbit sa aking balikat. "Aalis na ako."

Walang lingon-likod akong naglakad paalis ng parking lot. Papasok sana ako sa gate nang may bumangga sa akin kaya napaupo ako. Mahal ako ng lupa. Dalawang beses na niya akong sinalo.

Tumingala ako at nakita ang campus queen nila. Inayos ko ang salamin ko at tumayo. Pinagpagan ko ang palda ko at ang bag ko. Yumuko ako ng konti.

Tumuwid rin ako ng tayo at blanko siyang tinitigan. She's the one who hit Ella. "Who are you to bump at me?" mataray nitong tanong.

Ngumiti na lamang ako. "Natasha po." Sige, Nat. Inisin mo ang babaeng 'yan.

Tumaas ang isang kilay niya at nameywang sa harap ko. Medyo dumarami na rin ang tao na nakapalibot sa amin.

"Iniinis mo ba ako?"

"Nainis ka ba?" Ngumiti ako ng matamis. Bumakas ang pagkairita sa kanyang mukha.

Sa hindi inaasahan, biglang lumapat ang palad nito sa pisngi ko na ikinahulog ang salamin ko sa baba. Umigting ang panga ko. Unti-unti akong yumuko upang pulutin ang aking salamin. Agad naman akong bumaling sa kanya.

Umangat ang isang gilid ng labi ko. "I'm sorry," I muttered.

Ngumisi ito. "That's right, darling. You should say—"

Napahinto siya nang malakas na lumapat ang palad ko sa pisngi niya na ikinasinghap ng mga nanonood.

Ang ayoko sa lahat yung bigla bigla nalang akong sasaktan. Wala naman akong ginawa.

Lumingon ito sa akin dala ang matalim na titig. Lumapit ito sa akin at tinaas ang kanyang kamay. Sasampalin niya sana ako nang may kamay na humawak sa pulso niya. Sabay kaming napalingon sa lalaking hawak ang pulso ni Jennie.

"Adam," bulaslas ni Jennie.

Malakas na winakli ni Adam ang braso ni Jennie na ikina-atras nito. "You shouldn't hurt your co-student. You're the campus queen, you should be the role model."

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon