Na gets ko agad ang punto ni Maan. Sa tingin ko tama naman sya kaya hindi na ko nakipagsabayan pa sa sama ng loob nya sakin at sinuyo ko na lang sya.

"Sorry na Maan. Oo na sige na mali na ko na iniwan kita nung sabado. Is there anything I can do para makabawi?" Sabi ko.

Hindi nagsalita si Maan. Bakas sa mukha nya ang pagkadismaya sakin. Pero pansin ko na may parang bumabagabag pa sa kanyang ibang bagay.

"Hello..ms. Mary Anne Flores. Nandyan ka pa ba? Galaw galaw aba. Hehe. Sorry na Maan. Ayokong nakikitang malungkot ang bestfriend ko. Ngiti ka na." Sabi ko.

Sinubukan ko ang lahat para mapangiti sya. Effort na effort talaga ako pag gusto kong pasayahin ang mga taong importante sakin. And as usual, hindi naman ako nabigo. Kahit papaano ay napangiti ko si Maan.

"Paulo. Pwede ba kong mag open up sayo ng problema ko?" Sabi ni Maan.

"Oo naman. Eto naman oh. Walong taon na tayong magkaibigan tapos ngayon ka pa nagpaalam sakin. Hehe anu ba yun?" Sabi ko.

"Ah eh kasi......ahm. pwede favor? Ayoko kasing pag usapan dito sa eskwelahan eh. Pwede bang tumuloy sa inuupahan mo at dun tayo mag usap?" Sabi ni Maan.

Patay. Hindi pwede. Nandun si Liza. Ayokong makita ni Maan na may kasama akong ibang babae sa inuupahan ko. baka kung ano ang isipin nya pag nakita nya si Liza sa bahay.

"Ha? Ah eh...Maan kasi....hindi pwede eh." Sabi ko.

"Bakit naman?" Sabi ni Maan.

"Hindi talaga pwede eh...kasi Busy ako." Sabi ko.

"Kanina lang sabi mo, willing mo kong tulungan tapos ngayon bigla kang busy? May inililihim ka ba? May problema ba?" Sabi ni Maan.

Bigla akong na blangko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung anong klaseng paliwanag ang idadahilan ko kay Maan.

"Ay Maan papasok na ko ah. Late na kasi ako. Mamaya na lang ulit. Sige ingat ah." Sabi ko.

Bigla bigla na lang akong umalis. Maling mali talaga ako sa ginawa ko. Alam kong kailangan ako ni Maan sa mga oras na to dahil parang may Problema pa sya. Pero dahil sa inililihim kong sikreto, wala akong choice kundi bigla syang iwasan. Sinuyo suyo ko pa sya kanina. Para tuloy lumabas na pinaasa ko lang sya. Nakakahiya bigla humarap kay Maan. Sure na galit na talaga sya sakin ngayon. Nag alala tuloy ako bigla. Talagang hindi mawawala ang bad vibes sakin. Naalala ko, sobrang saya ko pala kahapon kasama si Liza at Arianna. Siguro ito na yung vice versa. Kamalasan naman ngayon. Ay bakit ko ba iniisip to? Kanina lang ang ganda ganda ng mood ko. Dapat ipagpatuloy ko to. Mamaya susuyuin ko uli si Maan. Yayayain ko na lang sya sa mas magandang lugar para makipag usap. Ganun na nga lang ang gagawin ko. Pagkatapos ng klase ko, bago ako umuwi sa bahay ay hinanap ko si Maan pero hindi ko na sya makita. Nag alala tuloy ako pero pinagpatuloy kong maging positive. Tatawagan ko na lang sya mamaya para mag sorry uli. Sana umubra. Habang naglalakad ako pauwi, nakabangga ko sa kalye yung boyfriend ni Maan na si Joey. Hindi ko naman ka close yun kaya hindi ko binati. Tinitigan nya lang ako at parang ang sama pa ng tingin sakin bago sya umalis. Ang tanga ko naman dahil hindi ko man lang tinanong kung nasaan si Maan. Pero sabagay ok na rin yun. Baka magselos pa yon pag nag tanong ako. Pag uwi ko sa bahay, naabutan ko si Liza na kinakalikot yung DVD player. nagulat pa sya nung pagdating ko kaya bigla nyang hinatak at tinanggal sa saksakan ng kuryente yung TV at DVD player.

"Oh!? Anung ginawa mo? Bat hinatak mo? Masisira yun!" Sabi ko.

"Ay Paulo..pasensya ka na ah. Eh kasi nakalimutan ko kung paano isara to. Kanina pa ko namomroblema eh. Nagulat ako pagdating mo kaya bigla kong tinanggal sa saksakan. Pasensya na." Sabi ni Liza.

in Another LifetimeWhere stories live. Discover now