"B-boss, barilin muna siya. Okay lang ako." Anang lalaki kahit hirap itong magsalita. Puno rin ng dugo ang damit nito maging ang mukha nito. Pumutok ang labi nito at kilay tanda na binugbog nila ito.

"Sige, barilin mo ako kasabay niya." Anang lalaki kay Jeb sabay diin niya ng baril sa ulo ng taohan ni Jeb. Napaingiwi naman ito sa sakit dahil sa ginawa ng lalaki sa kanya.

"God. Damn it, barilin muna ang gagong ito boss." Halos inubus na nito ang buong lakas upang masigawan si Jeb na nakatayo lang. "Shut up, Wesley." Kalmado niyang aniya.

"Oh! Bakit ayaw mong makinig sa kanya, gusto na nga niyang mamatay." Nakangisi nitong aniya kay Jeb. Natawa naman dito si Jeb. "Wag kang magtapang tapangan, gago. Dahil hindi ka matutulungan ng mga kasama mo. Tinumba ko na silang lahat." Pananakot niya sa lalaking biglang napalunok.

Habang nakamata dito si Jeb ay agad niyang itinaas ang hawak niyang baril at itinutuk sa ibang direction. Agad itong pumutok at sa isang iglap ay biglang nabuwal ang lalaking nasa likod ni Wesley na meron hawak na baril. Ng makita kasi ni Jeb ang isang metal sa di kalayuan ay yun ang binaril niya. At alam niyang tatalsik ang bala kapag tumama doon. At hindi nga siya nagkamali dahil ng tumama doon ang bala ng baril niya ay bigla itong tumalsik at saktong sa ulo ng lalaking nasa likod ni Wesley tumama.

"Shet. Fuck that asshole." Ani Wesley na agad nilapitan ni Jeb. "Are you okay, bud?" Tanong niya dito.

"What do you think boss, kung ikaw kaya ang bugbugin ng walang kalaban-laban." Anito habang tinutulungan itong kalagin ni Jeb ang taling nakatali sa mga kamay nito. Bigla naman natawa si Jeb sa tinuran nito.

"Sinabi ko bang magpabugbog ka sa kanila." Sakrastiko nitong tanong. "Alam ko bang mahuhuli nila ako." Pabalang din nitong sagot. Napailing naman si Jeb at inalalayan niya itong makatayo.

"Anong gagawin natin dyan?" Tanong ni Wesley sa kanya ng makatayo ito. "Hayaan mong baluk dyan ang katawan niya. Hindi ka nga nila naisip ng bugbugin ka nila e." Sagot nitong kinailing naman ng isa.

Agad silang lumabas ng gusali na walang pakialam sa mga lalaking binaril ni Jeb. Ng marating nila ang sasakyang dala niya ay agad niyang tinulungang makasakay si Wesley kahit panay ang ngiwi nito dahil sa sakit.

"It's good na hindi ka nila tinuluyan." Ani Jeb ng nasa daan na sila. "Pasalamat sila at hindi ako nakaingat ng atakihin nila ako. Dahil kung nagkataon ay ako ang bumugbog sa kanila. Fuck. Ang sakit talaga ng buo kung katawan." Anito. Lihim namang natatawa sa kanya si Jeb.

Sa pagamutan agad dinala ni Jeb si Wesley at ipinagamot niya agad ito. "Ano pong nangyari sa kanya, sir?" Tanong ng nurse sa kanya. "Kailanga po sa records niya." Dagdag ng nurse nang tingnan ito ni Jeb.

"Nakipag wrestling siya sa akin. Kaso, hindi niya ako kinaya kaya ayan ang napala niya." Mabilis naman niyang sagot at tatango-tango naman ang nurse.

"Fuck you bud. Babawi talaga ako next time." Pagsakay naman nito sa naging sagot ni Jeb. "Fuck. Fuck. Ouch." Halos sunod-sunod ang ginawang pagmumura ni Wesley habang ginagamot siya ng nurse.

"Dok, mukhang sinasadya mo namang diinan ang ginagawa mo e," reklamo nito. "Ouch! Damn it. Hindi ako namatay sa bugbug. Ikaw naman ang papatay sa akin. Fuck." Saad pa nito.

"Shut up. Yang bungnga mong panay mura ang tatahiin ko." Biglang anang doctor na kinatawa ni Jeb. Bigla naman itong tiningnan ni Wesley ng nakakamatay.

Matapus linisin at gamotin ng doctor ang sugat ni Wesley ay agad nila ito inilipat sa private room niya. Hindi kasi ito pinayagan ng doctor na makauwi rin. Ayaw man niya ang idea na manatili sa hospital ay wala siyang nagawa.

"Bud, uuwi muna ako sa bahay. Babalik lang ako dito," paalam ni Jeb kay Wesley. "May mag-aalaga naman sayo dito. Nandyan naman ang doctor mo." Nakangisi niyang aniya.

"Fuck you. Lumayas kana nga, halos patayin na nga niya ako sa sakit e. Hindi man lang dinahan-dahan ang paggamot sa akin. Ang sarap niyang buntisin." Naiinis nitong aniya.

"Whatever, buddy. Enjoy your staying here." Anito bago ito tuluyang iniwan. Natatawa na lang siya habang naririnig ang pagmumura ni Wesley.

Agad niyang tinungo ang kotse niya at mabilis na sumakay dito. Gusto niyang makauwi agad. Baka nag-aalala na sa kanya si Vixen. Kaya mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan niya pauwi sa bahay niya.

Ilang minuto lang ang naging byahe niya ng marating niya ang bahay. Napakunot noo agad siya ng makarinig siya ng tila nag-uusap sa sala ng bahay niya. Kaya dali-dali siyang pumasok ng kabahayan.

"Fuck you. Mabuti at buhay ka pa." Yun ang sumalubong agad kay Jeb. "What the hell?" Agad niyang nasabi ng makita ang mga pinsan at kaibigan niyang masama ang tingin sa kanya.

"Bakit hindi mo sinabing i-rerescue mo si Wesley? Paano kung napatay ka nila?" Ani Axel sa kanya. "Shet. Sinong nagsabi sa inyo?" Tanong niya sabay kamot ng batok.

"Nagtext si Wesley sa amin." Anila sa kanya. "Matutuluyan ko talaga ang gagong yun." Anito.

"At sabi niya. Fuck you. Dahil kung hindi ka dumating ay baka patay na siya ngayon." Aniya naman ni Blake.

"Kailangan na natin tapusin ang kabaliwan ng matandang yun. Baka dumami pa ang magawan niya ng kasamaan." Maya ay ani Frank na seryuso ang mukha.

"Yeah! Baka bigla ka pang mawalan ng magigibg byanan ng wala sa oras." Aniya naman ni Alex sa kanya. Napailing na lang siya sa tinuran nila. Pero, baka nga tama sila. Kaya mabuti ng maunahan nila kung ano man ang iniisip nitong plano.

SAMANTALA ng magising si Vixen ay mataas na ang sikat ng araw. Kaya papungas-pungas siyang bumangon. At ng tingnan niya ang loob ng silid ay hindi parin niya nakikita doon si Jeb. Kaya agad siyang bumaba ng kama at pumasok agad sa loob ng banyo.

Ng makalabas siya ng banyo ay agad siyang lumabas ng silid. Nasa bungad pa lang siya ng hagdan ay agad niyang narinig ang mga kaibigan ni Jeb na nagmumura. Kaya sa halip na bumaba siya sa sala ay naupo na lang siya sa hagdan at pinakinggan ang mga ito.

"Fuck you. Makauwi na nga. Baka masapak pa kita e." Rinig ni Vixen na kung hindi siya nagkakamali ay si Flake ang nagsalita.

"Let's go home. Ipinagawa na kita ng breakfast, kaya kumain kayo ng girlfriend mo bago ka matulog. Pasalamat ka at gwapo ka, kundi baka mapagkamalan kang zombie." Ani Mark.

"Hindi yan zombie. Vampire yan, sa gabi gumagala e." Aniya naman ni Austin. Natawa na lang ng lihim si Vixen sa sinasabi ng mga ito kay Jeb.

Lumipas ang minuto ng wala ng naririnig na nagsasalita si Vixen ay saka siya tumayo sa kinauupoan niya at bumaba. Agad niyang nakita si Jeb na nakaupo habang nakapatong ang isa niyang kamay sa kanyang mukha at nakasandal siya sa upoan. Kaya maingat siyang lumapit dito.

"Hey!"

Agad naman napaangat ng mukha ang binata. "Hi. Nakatulog ka ba?" Tanong nito agad sa kanya.

"Mmmm. Nakatulog ako ng kunti." Sagot niya. Agad naman siyang hinawakan ni Jeb sa kamay at maingat siyang hinila nito. Kaya napaupo sa kandungan ng binata si Vixen.

"You look tired." Ani Vixen sabay haplos niya sa mukha ni Jeb. "Itutulog ko lang ito mamaya." Anito.

"Hindi ka ba nasaktan?" Tanong niya. "Hindi naman. Ayaw kung mag-alala ka. Kaya nag-ingat ako." Sagot nitong kinangiti ni Vixen.

"Um. Nagugutom kana ba?" Maya ay tanong ng binata sa kanya. "Medyo," sagot nito sabay kagat ng pang-ibabang labi. "I'm sorry. Hindi kita maipagluluto ng breakfast kasi hindi ako marunong magluto." Anitong kinangiti  naman ng binata.

"Okay lang yun baby. Nandito naman ako." Mabilis niyang aniya sa dalaga. "But your tired." Aniya. Dapat ako ang naghahanda ng makakain natin.

"It's fine. Meron naman tayong makakain na. Nagdala si Mark dito," anito sabay halik niya sa noo ng dalaga. "At kukuha na lang ako ng magigibg kasambahay natin dito. Para hindi kana nag-iisip pa." Dagdag pa nito. Napabuntong hininga naman ang dalaga. Kailan kaya siya matututong magluto kung pati si Jeb ay walang balak na turuan siya magluto.

TBC.



The Mind Reader Hunk(Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora