"Leave now. Please." He pleaded but the girl seemed like she doesn't have any plan on leaving this place.


"Mukha mo o dibdib mo. Mamili ka." Tumingin sa akin yung dalawa. Unang tinignan ko si Klaus na agad itinaas ang dalawang kamay.


"What?" Maarteng tanong ng babae.


"Mukha mo o yang pekeng dibdib mo, pumili ka kung alin sa dalawa ang gusto mong unahin kong basagin kapag hindi ka pa lumayas dito." Mukhang nagulat ang babae dahil sa sinabi ko pero nagtapang tapangan siya.


"Klaus! Who is this girl ba? Is she your new Thursday? Doesn't she know your rules?" Nakatingin sa kanya ang babae pero si Klaus na sa akin ang mga mata.


Bagong Thursday pala ah. I mouthed at him. I bit my inner cheek and looked at him with dagger eyes. Nanlaki ang mga mata niya at sunud-sunod na umiling.

"Run for your life." Bulong niya sa babae pero narinig ko parin.

"Monday, Tuesday, Wednesday, kahit anong araw pa yan. Akin yan." Lumingon sa akin ang babae at sumimangot. "Ako ang everyday niyan. Kaya sinasabi ko sayo lumayas ka na habang nakakapag timpi pa ako."


"I really don't like her." Malditang sabi niya. Tumawa ako ng punong puno ng pagkasarkastiko.



"The feeling's mutual. I don't like you too. Isa pang salita mo puputukin ko yang dibdib mo kapag hindi ka pa lumabas."



"Klaus—"


"The love of my life asked you to leave. So please leave before she kills the both of us." Pagmamakaawa ni Klaus na kulang nalang ay itulak ang babae.


Tinignan ako ng babae at itinuro ko naman ang daan palabas pagkatapos ay tumingin siya kay Klaus na may pagmamakaawa parin sa mukha. Marahas siyang tumalikod kay Klaus at natamaan siya ng bag na bitbit ng babae sa may tiyan. He looked at me and I just rolled my eyes. Buti nga sa kanya. I closed the door when the girl left.



"Ilang babae pa ang dadating?" Humalukipip ako sa harap niya.


"None." Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Swear! She's the Friday! Wala nang darating!"


"Tawagan mo na lahat ng babae mo na yan kung ayaw mong dumanak ang dugo dito sa bahay mo. Sinasabi ko sayo hindi lang isang tao ang lalabasan ng dugo."


"Lalabasan?" He said with a smirk at agad siyang sumeryoso ng makita na seryoso parin ako. "I will! Just... chill."


"Anong chill?" Nakuuuuu. Mas lalo akong nang gigigil talaga kapag sinasabihan ako ng chill. Nag iinit ang ulo ko.


"I mean relax—okay, I'll shut my mouth."


"Hep hep hep!" Tawag ko nang tatalikod na siya. "Saan ka pupunta? Di ba sabi ko tawagan mo na lahat ng babae mo?"


"What? As in now?" Tumango ako.

He took his phone and put it on speaker phone. Ang gago naka conference call. Narinig kong halos sabay-sabay sumagot ang mga babae.


"Ladies! Don't go at my house or my unit anymore. There's a serial killer here and all your lives are in danger." The girls started to talk. Napamasahe ako sa tenga ko. Ang sakit pakinggan ng mga boses nila. Parang yung mga palaka kapagkatapos ng ulan. "Oh and also," the all stopped. "Our contracts are over. Bye."



"So araw-araw may babae ka dito?"


"Let's eat, babe. I'm famished." Pag iiba niya ng usapan. Hindi ko siya pinansin at naglakad na papasok ng kwarto niya. "Where are you going?"


"Aalis na ako." Sabi ko habang hinahanap ang underwears ko. Agad kong kinuha ang bra ko na nasa gilid ng kama. Asan na ba kasing lupalop napunta yung panty ko?

"What? Why?" Natatarangang sabi niya at pinipigilan ako sa paghahanap ng panty ko.


"Asan yung panty ko?"

"You won't need it." Hindi ko pinansin ang sinabi niya ag nagpatuloy sa paghanap. "Let's talk Kaye. Please."


"Hindi mo naman ako kailangan dito. You have those girls... I'm not like them. I'm not tall. I don't have the body to die for." Paano kung isang araw magsawa si Klaus at ma-realize niya na mas gusto niya ang mga babaeng iyon?


"You're not like them. You're not like anyone. You're you and that's why I love you. Hey, look at me." Hinawakan niya ang pisnge ko at ipinahaharap sa kanya. "Look at me, Babe."


"Klaus, paano kung—" He caressed my cheek using his thumb. Hinawakan ko ang isang kamay niya. "Paano kapag nagsawa ka na sa akin?"


Pinitik niya ako sa noo. Napahawak naman ako doon at tinignan siya ng masama. Natawa naman siya sa reaction ko kaya inirapan ko siya.


"Babe, that will never happen." He said it like it's the most stupid thing on earth. I pouted.


"Ngayon mo lang yan nasasabi kasi masaya ka pa. Paano kapag—" He lightly kissed my lips.


"Those girls, they're nothing to me. Ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. I waited so long to have you, Kaye." I looked at his emerald eyes and all I can see is love and sincerity. Hinawi niya ang buhok sa mukha ko at niyakap ako.


Minsan nakakatakot maging masaya kasi pakiramdam mo magkakaroon ng problema. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan basta ang gusto ko lang isipin ngayon ay masaya ako na kasama siya.


"If there's a word deeper than love then it's for you." He said while hugging me tightly. "You own me, body and soul."

Kung ganito ba naman na klase ng pagmamahal ang ibinibigay sayo aarte ka pa ba? Syempre hindi na. Kaya ayun, ang breakfast namin ni Klaus naging ang isa't-isa nanaman.

Running Away from the Billionaire (LOB series #4)Onde histórias criam vida. Descubra agora