He groaned when the doorbell kept on buzzing kaya naman hinampas ko ang braso ni Klaus na nakapulupot sa beywang ko.


"Mag bihis ka na nga! Ako na ang bahalang magsabi sa kanya." Bumuntong hininga siya at naglakad na pabalik ng kwarto niya. Napailing naman ako. Tinitigan ko si Klaus habang naglalakad, ganda ng pwet.


Inilagay ko na ang pancake sa plato at agad na tumakbo papunta sa pinto. Grabe naman itong housekeeper na to, ni hindi manlang makapag hintay. Inayos ko muna ang sarili ko bago binuksan ang pinto.


"Hi, goodmorning—" Natigil ako sa pagsalita at unti-unting nawala ang ngiti ko nang makita ang babaeng nakatayo sa harap ko.


She looked at me from head to toe and I did the same. Her killer heels, fake boobs that almost came out of her deep V blouse, blonde dyed hair, and red lipstick is screaming fuck me loud and clear.


"Who are you?" Napataas ang isang kilay ko dahil sa tanong ng babae. "And why are you wearing that robe?"



"Sino ako? The question is who are you?" The girl smirked at me and rolled her eyes. Base sa itsura ng babaeng to, alam ko na kung ano ang role niya sa buhay ng mokong. Napailing nalang ako. "You're not needed here. You should leave."


"It's my day today bitch. Bago ka lang right? You better remove that robe before he gets mad at you and throw you out." Sarkastiko at natatawang sabi niya. "Hmm, I'm shock Klaus wanted you. You're not even his type."


Aba't hinahamon ako ng hitad na to. Wag niyang punuin ang pasensya ko bago siya umalis dito dahil jusko talaga, maghahalo ang balat sa tinalupan. Hindi lang yang labi niya ang lalabas na mapula mamaya.



"Babe, did you tell the—" Natigil sa paglalakad at pagsasalita si Klaus nang makita kung sino ang nasa harap ko ngayon. I crossed my arms in front of my chest and looked at him. Halatang kinabahan si Klaus at napalunok. Inangat niya ang mga kamay niya bago nagsalita. "Babe, let me explain."



"Klaus palayasin mo ang babaeng to. Nangangati na ang kamay kong manghila ng dilaw na buhok." Hindi naman ako pinansin ng babae dahil agad itong tumakbo at ipinulupot ang mga braso kay Klaus na hindi nakagalaw sa sobrang gulat.


"Darling! It's my layover today." She traced her finger on his chest. Klaus looked at me and gulped.


"Klaus." Tawag ko sa malanding tono nang hindi parin siya gumagalaw. Ngumiti ako ng matamis. "Gumugusto ka?"



Kapag hindi pa siya gumalaw ibig sabihin gusto niya. Gusto niya na parehas ko silang ibitin patiwarik na dalawa. Agad na bumitiw si Klaus at napatalon palayo. Good. Napapunas naman siya sa noo habang takot na takot na nakatingin sa akin.



"Uhm Friday,"


"Yes darling?" Malanding sabi ng babae habang nakangiti kay Klaus.


"Please save your life and leave." He said. Almost a whisper. Bigla namang nag iba ang itsura ng babae.



"No! It's unfair. This is my day. I will not leave." Pagmamatigas ng babae. Agad na napatingin sa akin si Klaus. I raised a brow. He gulped.


Running Away from the Billionaire (LOB series #4)Where stories live. Discover now