Chapter v:
<Jai>
"Eww! Who's that?" Nakarinig kami ng isang malakas na dighay, nagtinginan din ang ibang kumakain dito.
"Hehe." Tawa ni Eerah. Shit, isa siyang malaking kahihiyan. Pasimpleng napatakip nalang ako ng mukha sa ginawa niya.
"You're disgusting, Eerah. Don't ever do that again." Sabi ko, nagpout naman siya, yuck! 'Di bagay kaya inirapan ko nalang sila.
"Tara na nga. Uwi na tayo, gumagabi na rin eh." Biglang sabi ni Shane, nagsitanguan naman sila.
Tumayo na kami at naglakad palabas ng KFC, 'di naman maiwasan na maraming tumitinggin samin. I mean, kila Shin. Badtrip.
"Uhm, hi kuya!" Sabi ng isang babaeng lumapit kay Shin, parang nasa.. 14? 15? years old. May kasama itong mga babae.
"Uh, Hi?" Nahihiyang sabi ni Shin.
Nagkatinginan kaming mga babae, nagtutulakan pa ang mga batang ito sa harap nila Shin. What the?
"Ang pogi mo kasi eh, pwedeng makuha number mo?" Tanong niya, aba! Napaka-straightforward! Nanlaki ang mata ko.
"Uh, 093--"
"Hindi niya ibibigay eh, sorry." Sabi ko bigla, nilingon naman ako ni Shin at pasimpleng tinago ang cellphone sa bulsa niya.
Tumingin sakin ang babae, "Sino ka ba? Ate ka ba niya?" Taray, ha? Tignan natin.
"Kung ikukumpara ako sayo, mas mukha kitang ate. Mas mukha ka pa ngang ate ng nanay ko eh." Sabi ko sa kanya, namula naman siya sa galit, good!
"Kapal mo 'teh ha! Ano ka ba niya at kung makaasta ka?" Sabi naman niya, wow. This girl just don't know how to pick someone to mess with. Napangisi ako.
"Kung may makapal man ang mukha satin dito, ikaw na 'yon, missy. I wonder kung masasaktan din ako kapag sinampal kita dahil sa panlalandi sa boyfriend ko." Sabi ko emphasizing the word 'BOYFRIEND KO' nanlaki naman yung mga mata ng crazy chics pati nila Shin, lalo naman yung babae. ha! Take that bitch.
"Ano? Nganga? Shit ka kasi, ke bata-bata mo palang ang landi mo na. Study first! Peste." Sabi ko at sinenyasan ang mga gulat na kasama ko na umalis na.
Nung nasa parking lot na kami, ganun padin yung mga mukha nila, pwera kay Viah na nakangisi.
"O-kay?" Sabi ko at ini-snap ang kamay ko sa harap nila, mukha namang bumalik na sila sa wisyo.
"WHAT. WAS. THAT?!" O.A. na sabi ni Kish, sabi sa inyo eh! O.A. itong babaeng 'to.
"What?" Nagkukunwaring tanong ko, para mukhang hindi ko alam.
"BOYFRIEND MO SI SHIN?! KAYO NA?!" Sigaw sakin ni Eerah.
"YAH! Don't shout, and sinabi ko lang 'yon kasi I hate girls who approach boys first, kahihiyan yun!" Sabi ko, tumango-tango naman sila, si Shin naman namumula, CUTE! Aish! I hate cute pala, masyadong girly.
Naramdaman ko ang pag-angat ng tenga ko, nagpipigil ako ng ngiti sa reaksyon ni Shin. Ang cute talaga!
"Osya! Tara na." Sabi ko, hindi naman gumagalaw sila Shin, Kenzo at Zyril.
"Ah, m-magtataxi nalang kami.." Natatarantang sabi ni Kenzo.
"Huh? Wag na, ihahatid ko na kayo." Sabi ko, nag-aalangan naman yung mga mukha nila.
"Don't worry, babagalan ko na at magiingat na ako, promise!" Sabi ko at tinaas pa ung kaliwang kamay ko.
"Jai, kanan ung tinataas." Sabi ni Viah, ay! binago ko naman at ung kanan ung tinaas ko. Napakamot pa ako sa batok bago tumingin sa kanila.
YOU ARE READING
Chics And Geeks (Under Revision || SLOW UPDATE!)
Teen FictionHe became the light in my darkened life, while I brought eclipse on his. - Warning: Read at your own risk.
