And she remembers him again.

"Are you offended?" Hindi mapigilan ni Gabriel na magtanong nang makitang biglang naging malungkot ito.

"Ha? No—I'm fine." Sagot niya habang nakatuon ang mga mata sa lettuce na nasa pinggan niya.

"I hope one day, you will remember everything Anna. Don't hesitate to ask me about us. I would love to tell you our story." Ngumiti ito sa kanya at nagkatinginan sila. Gabriel smile seems to affect her whole system.

Buti nalang at may kumatok sa kalagitnaan ng katahimikan sa kanilang dalawa.

"Walang tao!" Inis na sigaw ni Gabriel pero huli na ang lahat nang pumasok na si Baste at nagulat ito sa nakita.

"Ay! Sorry, nakaistorbo ata ako." Sabi ni Baste pero masama siyang tiningnan ni Gabriel, nagmadali itong umalis at sumulyap pa ito kay Monica bago lumabas.

Sigurado siyang magtatanong si Baste mamaya pag nag-usap sila dahil sa naabutan nito. Natigilan siya sa pag-iisip nang nagring ang phone ni Gabriel.

Masamang tinitigan ni Gabriel ang phone at napabuntong hininga nalang, "Damn these nuisance."

"Kausapin mo na 'yan, baka importante din yan." Payo ni Monica saka kinuha ang plate nilang dalawa para hugasan.

Huminga ng malalim si Gabriel at napailing nalang bago sinagot ang phone. "Hello, yes sir..." Narinig niyang sabi ni Gab sa kausap sa phone. "No sir, I'll be the one to go instead of her, she's still recovering. Yes, thank you." Sabi niya bago binaba ang phone.

Napatingin siya kay Gab habang naghuhugas ng plato. Ramdam niya ang stress nito sa mukha pa lang. "Who's that?" tanong ni Monica.

"Our boss, Mr. Yzrael. He keeps calling after they knew you were discharged."

"Are you going?"

Tumango ito, "Yes, maliligo lang ako, is it okay if you will stay here?"

"Can I go with you?"

"Maiistress ka lang doon for sure. I don't want you to face them as of this moment." Kumibit balikat nalang si Monica at hindi na pinilit pa si Gabriel kaya kumunot ang noo nito. "Aren't you going to force me?"

"To what?"

Napatawa si Gabriel na umiling, "No, it's nothing. Nasanay kasi akong pinipilit mo ako pag gusto mo."

Ngumiti si Monica, "Not everything will remain as it is." Tahimik na napatingin Gabriel sa kanya at hindi nakapagsalita.

Habang naliligo si Gabriel ay nag-ikot si Monica sa buong apartment nito. Pansin niyang mahilig si Gabriel sa thriller books dahil napuno ang library nito nang samot sariling thriller books. Madami ding pictures sa wall sila Anna at Gabriel. Looking at their pictures, they seem like a perfect couple. Like Simone and her, until she knew something is wrong. Kaya habang tumitingin siya sa pictures ng dalawa ay biglang nag pop in sa utak niya ang question—are they the same too?

Agad na lumihis ang tingin niya kay Gabriel na kakagaling lang ng banyo. Seeing his body seems like watching Jericho Rosales strips off, and it's annoying to see thinking she maybe lose her self control, again.

"Ang ganda ng view no?" Pabirong tanong ni Gabriel.

"Uh-huh," Matipid na sagot ni Monica sabay talikod nito habang nagkunwaring pinunasan ang picture frame ni Anna at Gabriel na nasa wall.

This man. One day pa lang sila nagsasama sa apartment, para nang sasabog ang utak niya. What more kung titira siya hanggang bumalik si Anna sa sarili niyang katawan? Kailangan na niyang mag decide. Pero wala siyang mapupuntahang iba.

A Beautiful SoulWhere stories live. Discover now