Chapter 19 :)

135 5 1
                                    

Hi everyone! Nakapagpost na rin ako ng next chapter! Yeheeeeey! Super sorry kung  matagal tagal akong hindi nakapagupdate, sobrang busy kasi saka nawriter’s block ako >_<

Thankyou sa walang humpay na pagsuporta ng story ko! Read niyo yung isa kong story.. “UNEXPECTED MEETING” title. Thankyou ulit!

Huwag niyong kalimutang magcomment at magvote sa chapter na to ha? Give me your feedbacks 

 ---------------------------------------------------------------

Samantha's POV

Eto na ang araw na isa sa pinakahihintay na okasyon ng mga estudyante, ang INTRAMURALS WEEK! Yes, you heard it right, Intrams namin ngayon kaya busy lahat ng tao. Busy lahat sila magpakasaya! Sobrang busy ko rin dahil nga kami ang nagfafacilitate ng buong intrams, student council kasi. Player pa ko ng Basketball girls (ehem ehem) tapos may dedication booth pa kaming hinahawakan.

One week na rin ang nakalipas ng lumipat si Steph dito sa school. Nakasama na siya sa barkada namin at madali naman siyang nakapag adjust. Sa bahay ko rin siya nakatira ngayon at nagiging close na rin sila ni Brian at Jacob, hindi ko pa nga nakukwento sa kanya na may gusto ako kay Jake baka kasi asarin lang niya ako, bully pa naman yung babaeng yun.

" Hey Beb, padedicate nga ng song for Justine ko. "

" 5 pesos. "

" libre mo nalang ako, monthsary naman namin ngayon eh. "

" o sige na nga, sulat mo na gusto mong sabihin * sabay abot ng papel * "

" here, play mo yan kapag naglalaro na sila ha? Thankyou talaga Beb! Loveyou, see you later "

Sabay alis ni Ehra sa dedication Booth, tinignan ko yung mga papel ng gustong magpadedicate, puro mga kalandian, puro mga iloveyou, papansin, pagsosorry saka pagcheer sa mga gusto nila. Wala na ba silang malagay dito kundi ayun lang?! May mga para sa amin pa nila Brian at Jake, hindi ba sila nagsasawa?! Ano ba yan!

" why are you making faces, pretty? "

" ikaw pala Jake, wala ka bang laro? "

" wala pa, tambay muna ako dito. Wala naman akong magawa eh. Bakit ka muna mukhang badtrip? "

" wala naman, nakakaloka lang yung mga nagpapadedicate meron pang para sa akin, paano ko naman kaya sasabihin to? nakakahiya di ba? "

" Patingin nga "

Tinignan niya yung mga papel na puro dedication at natatawa rin sa mga nakasulat.

" ayaw mo nun, ang daming nagmamahal sayo? "

" tsss, ewan ko sayo! "

" Hahahahahah! ang cute mo talaga kapag naiinis! Hahaahahaah! Teka, kumain ka na ba? "

" Hindi pa, walang magbabantay dito sa dedication booth kaya maya nalang ako kakain. "

" Iwan mo na muna yan, kumain muna tayo! "

Hinatak niya ako patayo at eto nanaman ako kinikilig dahil hinahawakan niya ang kamay ko. Kung pwede lang talagang sumama sayo ngaun para kumain Jacob, kaso hindi ko naman pwedeng iwan itong dedication booth.

" Dali na kasi! "

" hindi nga kasi pwede! "

" Okay lang yan! "

" Hindi nga pwede! "

Naghahatakan pa rin kami, ang kulit kulit naman kasi talaga. Paano ba patitigilin ang lalaking to? Hindi rin naman ako magkakasakit agad sa hindi pagkain ng breakfast. Tumingin sa akin si Jacob ng seryoso habang hawak pa rin ang kamay ko. Ano ba, kinikilig na ako eh :">

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 07, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Choose the Right Guy!Where stories live. Discover now