Chapter 17 :)

222 6 10
                                    

Sorry dahil ngayon lang nakapag update guys.. Umabot na ng 3400 reads ang Choose The Right Guy! Yeheyyyy! :L

---------------------------------------------------

Isang Linggo na rin ang nakalipas simula ng mameet ni Jacob ang Family ko. Araw-araw rin siyang pumupunta sa bahay. Welcome na welcome pa siya sa Family namin. Doon na nga rin siya kumakain ng dinner minsan eh, syempre ako naman si malandi na kinikilig sa mga nangyayari.

Nandito pala kami ngayon sa Gym nakaupo sa bleachers with my girlfriends, nanunuod kasi kami ng practice game nila Jacob. Napakaingay ng mga katabi ko,kakacheer sa mga boyfie's nila. nakakarindi na!

" Woooooo! Ang galing galing talaga ng Justine ko! "

Napatingin naman si Justine kay Ehra at kinindatan ito. Naghahyperventilate si Ehra sa sobrang kilig. Sumigaw naman bigla si Anne nang biglang makashoot ng 3points si Mado tapos tumingin siya kay Anne para kumaway.

" That's my Man! You are so greaat! Go Madoooo! "

Tumabi sa akin si Mia, mukhang may problema ata siya maingay kasi palagi to eh, nakakapanibago. "Oh, tahimik mo ata girl? Do you have any problem? away kayo?"

" kasi naman si Jed masyadong chickboy, alam na niyang may girlfriend siya tapos kung sinu-sino pang babae kinakausap at nakikipagflirt sakanya, nakakainis! "

" Loko talaga yung lalaking yun! Hindi nagbago. Anung nangyari nung nakita ka niya? "

" ayun, lumapit ako and nag-hi ako sakanila then walk-out. hindi manlang ako sinundan! gusto ko sanang sabihin na 'Hello! Girlfriend here' nakakainis talaga! "

" hey, easy! ganyan talaga mga lalaki. magsisisi rin yun, tignan mo mamaya lalapit rin yan kasi hindi ka matitiis. Gago siya kapag pinakawalan ka niya nuh! "

" I didn't received any messages and calls from him para magsorry manlang siya. hindi pa niya ko pinansin buong araw, tangina lang talaga! "

Wala akong magawa kundi pakinggan nalang si Mia. Umiiyak siya habang nagkukwento, hindi ko namalayan tapos na pala yung practice game nila. Nakita kong palalapit sa amin si Jed, Sana naman magkaayos na sila.

" Mia " tawag ni Jed at Napatingin si Mia sakanya. Tatayo na sana ako para umalis pero biglang hinatak ni Mia ang kamay ko paupo ulit. " Stay here, Sam! " Pasigaw niyang sinabi.

" Mia, Can we talk? "

" For what? Dun ka sa mga babae mong malalandi, magsama sama kayo! " Umiiyak na si Mia. Oh God, para akong nanunuod ng telenovela at witness pa talaga ako ng pag aaway nila. Somebody please help me! Awkward Moment here, paano ako makakaalis?! dumaan si Jacob sa may amin, napansin ata niyang may nagaaway.

" Wait, puntahan ko lang si Jacob. may dapat lang kaming pagusapan. iwan ko muna kayo dyan ha! " At agad kong hinatak palayo si Jacob. Haaaay Thank God at nakaalis ako sa away nila, sana naman magkabati na yung dalawang yun. They really look good together.

" Excuse me, Ms. Villaraza pwede ko bang malaman kung ano yung importante nating paguusapan? "

" Ah.. ano kasi.. Ahh, I'm really really sorry pero excuse ko lang talaga yun para makaalis doon kanina. Ikaw kaso yung dumaan sa malapit sa amin kaya ayun, sorry! "

" Ah, akala ko kung ano na eh. Bakit mo naman gustong makaalis doon, naiinggit ka no? "

" Grabe, Hindi no! Ang awkward naman kasi kung manunuod pa ako kung paano sila mag-away di ba? "

" Sabi ko na ba nagaaway nanaman yung dalawang yun eh! Bakit ka naman ba kasi napasama dun sa kanilang dalawa? "

Kinuwento ko sakanya ang buong pangyayari simula sa pagkwento sa akin ni Mia kung ano ang nangyari hanggang sa pagdating ni Jed sa amin para magsorry kay Mia. Hinintay niya ako matapos magkwento at saka lang siya nagsalita.

Choose the Right Guy!Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz