Chapter 5.2 :)

334 9 5
                                    

“ I’m here guys! Leave everything to me.. sorry late ako! May pinuntahan lang kasi eh, hindi ko namalayan oras. *lingon kay Brian* Sorry Bry ah? Magpahinga ka muna, dami mo na naitulong sa team, so Thank You talaga! “

Ayan na siya! Ayan na ang Star Player ng TLC Hawks! JACOB MY LABS KO ^_^ Bakit ngaun ka lang dumating? Pinuntahan mo ba ang Girlfriend mo o kasama mo siya ngayon? Lumingon ako sa Pinanggalingan niya, wala naman siyang kasama bumalik. Baka hindi na nanuod yung Girlfriend niya, tutal naman daw palagi niya nakikitang maglaro si Jacob eh..

Grrr  >.< anu ba tong mga pinagsasabi ko! Sinasaktan ko lang sarili ko eh! Anu naman kung may Girlfriend na siya Samantha, sino ka ba para pagbawalan at para malungkot ka? Asawa ka ba niya? Papanuorin ko nalang siya maglaro..

“ That’s Okay Captain! You’re welcome, basta pagdating sa Team.. “ sigaw ni Mr. Mayabang. Ay hindi pala siya Mayabang ngayon. IDOL ko yan! Siya na ata halos gumawa sa buong team eh, siguro kalahati ng score sakanya.

“ Here comes the Captain of TLC Hawks, Jacob Alexander Hale! Pinaupo muna niya ang Player of the Day na si Brian Angelo Mercado. Let’s see if kaya pa nilang habulin ang 16 na Lamang ng Kalaban nila.. “

“ L-O-V-E  ALEXANDER! L-O-V-E  ALEXANDER! “

“ GO, ALEX, GO!

“CAPTAIN KAYA MO YAN!”

Sigaw ng mga supporters ni Jacob. Wow! Ang dami talagang umaasa sakanya. Lahat ng players ay ginanahan maglaro kasi nandyan na ang Captain ng kanilang Team. Sige Jacob, ipakita mo sakanila na hindi tayo mga talunan!

" Alex makes a 3 point shot..... Shooot! Score for the TLC Hawk! "

5 nalang then tabla na, 4 minutes nalang.. Kaya pa kaya?! TIWALA LANG :))

" Passed the ball to Alex, Shoooooot! Innnnnn! 3 nalang po ang lamang ng kalaban, ang ganda ng laban ah?! "

" Nakuha ng TLC Hawk ang bola, pinasa kay Alex, shinoooot.. Pasok! Another 3 points for the TLC Hawk! "

Grabe na ang tilian sa court. Halos lahat ng tao sinisigaw ang name ni Papa Jacob ko.. Lahat sakanya umaasa, kahit na practice game lang ba. Ganito talaga lagi kapag siya na ang naglalaro. Ang galing niya nuh?!

Habang nagkkwento ako, lamang na ang TLC Hawk ng 7pts. Sa kalaban.. Sure win na to! Masarap talaga makatikim ng pagkapanalo!

5

4

3

2

1

" TLC Hawk wins! "

Nagsitilian at Nagsitaluan na halos lahat ng tao sa Court!

" Nice game mga pare! " Sabi ni Jacob sa kabilang team..

" Sana makalaban namin ulit kayo, dapat yung real game na ha?! " Sabi nung captain sa kabilang team..

Nakita kong lumapit si Jacob kay Brian. Nasa harap ko na sila ngaun.. Basang basa ng pawis ang Jacob ko! Woooooo! Ang HOOOOOTTT! 

" Sorry kanina kung late ako Pre ah?! Balak ko kasing hindi na umattend eh "

" okay lang yun, nakalimutan kong 15 pala ngaun. Kaya natural lang na hindi ka maglaro. Oh bakit pumunta ka pa?! "

" may magtext kasi sakin eh *tingin sakin* nakonsensya naman ako, inimbita ko pa para manuod ng game tapos di din naman ako maglalaro, kaya pumunta na ko "

Napatingin silang parehas sakin o_O ang Awkward ng Atmosphere. Parang may gustong sabihin si Brian kay Jacob kaso ayaw niya kasi nandoon kami. Nakakapagtaka lang talaga, I think kailangan na naming umalis....

Choose the Right Guy!Where stories live. Discover now