Takot kasi akong mapansin noon, ayaw kong mapansin dahil baka iwasan niya ako gaya ng ginagawa sa ibang taong lumalapit sa kanya. She was afraid of stalkers, nalaman ko noon sa isang kaklase dahil madalas din siyang subaybayan at todo ang iwas niyang ginawa. Hindi na siya nagagawi sa ilang parte ng school dahil doon, nagkukulong siya sa isang abandonadong work room.

"That's not true." a lie, I just don't wanna hurt her feelings. "Okay, let's meet and close everything between us today. I want a clean relationship with Ametrine now before leaving."

Antonia is a pain in the ass, pinapalabas pa rin niyang kaming dalawa ay nagkaayos pagbalik niya ng Laguna. Kailangan ko na ring linawin ito sa amin, ayaw ko nang dumating pa kay Ametrine.

"A-Aalis ka?"

"Just need to attend flights for examination. Saan tayo magkikita?" tanong ko habang nag-uumpisa ng magtipa ng mensahe kay Met.

Ako:

Sweetlips, I'll go out today. Thirty minutes lang, po.

She just replied a simple okay. Kinita ko si Antonia ng araw na iyon para makipag-usap, noong una ay ayaw ko dahil sa condo niya ako niyaya pero dahil hindi raw siya puwedeng lumabas ay ginalang ko ang desisyong iyon. Mukhang may importante siyang sasabihin. Nanatili ako sa labas ng unit niya habang siya'y nakatayo sa labas ng pinto, she was teary eyed while looking at me.

"Elos, wala na bang pag-asa na tayo ulit?"

My forehead wrinkled at her, I sighed massively.

"Is this what are we gonna talk about here, Toni?"

Her tears went out easily. Napabuntong hininga ako at iniwas ang tingin, I'm guilty, alright. I shouldn't have had given her hopes for us back then, nagugulo tuloy ngayon. Bukod sa naiinsecure si Met sa naging relasyon namin ni Antonia ay nasasaktan naman si Toni ngayon dahil alam niya ang puno't ugat kung bakit naging kami noon at bakit ko siya hiniwalayan. Though, Toni's ego ate her, she let everyone think that she's the one who broke us apart and I remained bare hands on what she wants. She told Tazannia and her friends that her dream to be a famous painter was the reason why we broke up, it's funny how I don't care about that and everyone pity me for being casted away because of her dreams.

"We are closing this now, Toni. I want you to be happy and get over us. I'm truly sorry and thank you." I said before walking away.

"You are not your mother's son, Elos. That's what I want to tell." humihikbi niyang sinabi bago ako makalayo na nagpahinto sa mga paa ko.

What? Is this how desperate she is?

Nangunot ang noo ko at muling humarap sa kanya, she's just crying. Hindi ako makapaniwala na rito dinadala si Antonia ng kanyang kagustuhang hindi makuha.

"Hindi ka anak ni Eldora Villareal, Elos. You are your father's son from another woman."

I chuckled bleakly even my chest turned heavy. "Seriously, Antonia?"

Humikbi siya at tumango.

"I'm serious, Elos. Sinabi ni Tazannia sa akin, your mom and her mother are very close to each other, right? Hindi ka raw totoong anak ni Tita Eldora dahil ang tunay mong ina ay iniwan ka sa kanila."

Nanatili ang tingin ko sa kanya, hindi ko maproseso ang lahat kahit ayaw kong paniwalaan ay sumusuksok sa isip ko ang mga kaibahan kong napapansin sa akin kumpara sa mga kapatid. But then, I love my mother so much. Eldora Villareal is the first woman who has her power over me, in all facade and colors of myself.

The world I grew up in just confirmed everything when I came back home and asked my parents about it, Mama isn't really good at telling lies especially when she's already caught. Bigla siyang natatahimik at iiyak. Humagulgol lang siya sa harapan ko habang hinahawakan ang kamay ko at nagmamakaawa na huwag akong magalit sa ginawa nilang pagtatago sa katotohanan.

Villareal #4: Flowered SeascapeWhere stories live. Discover now