Phase 15

101K 3.5K 1.5K
                                    

Phase 15

Nang matapos ang dinner kasama ang pamilya ni Elos ay nagpaalam siya sa mommy at daddy niya na aakyat kami kaya pinuno siya ng sermon ng mommy niya dahil doon.

"No door locking, Thelonius."

Namilog ang mga mata ko sa kahulugang binigay ng salita ni Eldora Villareal. Nagyuko ng ulo sa kahihiyan dahil doon, epal kasi 'tong Elos na 'to! Hindi pa naman ako pumayag na umakyat kami sa kuwarto niya, ah?! Anong pinapapaalam niya ngayon?

"Ma! You're embarrassing my girlfriend here." natatawang sinabi ni Elos habang marahang hinahaplos ang aking baywang na tila inaalo sa kahihiyan.

"I'm just warning your boyfriend, hija. I know my sons moves—"

Elos stopped her instantly while laughing. "I won't, I promise."

"Hayaan mo na ang anak mo, basta ba pakakasalan niya sa huli ay iisa lang. Walang problema."

"Oh, no, not yet! Not this year, hindi pa iyan tapos ng college. Of course, I want to make sure he can handle things in having a family."

What? Family agad? Wala pa nga kaming isang buwan ni Elos! Oh my gosh, ganitong ganito rin si Mommy tuwing makikita akong nangingiti sa cellphone!

Tumawa si Renee Villareal at Letizia Villareal habang nakatingin sa amin ni Elos.

"Naku, mas masakit sa ulo si Horace kesa sa mga anak mo." napapasinghap na sinabi ni Letizia Villareal.

"Well, Horace is just enjoying with protection I'm sure."

"I hope so, Renee. Masyadong masakit sa ulo si Liberty at hetong si Horace din. Hinahayaan ko nalang since they know their Dad's rules. Matatakot na."

"I hope Thelonius and I did the same rules for these boys here."

"I bet your only problem when it comes to having a girl is just Karsen. Hindi naman mukhang babaero si Elos at Primo." sabi ni Renee Villareal.

Tumingin si Eldora kay Elos at napailing. Hindi na nagsalita, ngumisi na lamang.

Napapailing si Elos at nakangisi rin, mabilis niyang hinalikan ang noo ng mommy niya at hinila na ako paalis. 

"Thelonius Eaves, ha! I am warning you, your girlfriend is still young!"

Uminit ang mukha ko, para akong mahihimatay sa kahihiyan na hindi ko man lang madepensahan.

"I know, Mom. I am exactly three years older than her! Still my baby, so don't worry! Stop your green lantern mind!"

Humalakhak si Elos sa aking sentido at naglapat ng malambing na halik, his left arm was all over my waist as we stalk their grand staircase. Hinampas ko siya sa dibdib at kinurot sa panggigigil.

"Nakakainis ka! Nakakahiya sa kanila, bakit ba kasi tayo aakyat dito? Siguro tama ang mommy mo, may balak kang masama!" reklamo ko sa kanya.

Namilog ang mga mata niya sa akin, maya-maya pa'y luminya ang malisyosong ngisi sa kanyang labi na ikinapula ko lalo. I glared at him.

"Elos! Uuwi na ako! Tigilan mo ang ganyang tingin!" pagbabanta ko.

He wiggled his thick brows maliciously and squeezed my waist, mas lalo akong nakaramdam ng kaba kaya tinulak ko siya. Humagalpak siya sa tawa at niyakap ako sa baywang, tawa siya ng tawa.

"Walang nakakatawa! Isa pa talaga, uuwi na ako!" inis kong sambit sa pagkapikon.

"Just kidding, sweetlips. Kahit gaano pa katamis 'yang labi mo, hindi ako sosobra, Ametrine." he whispered.

Villareal #4: Flowered SeascapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon