Phase 2

131K 4K 817
                                    

Phase 2

Next days, normal days... pumapasok ako sa eskwelahan na normal at walang iniisip na problema, iniiwanan ko iyon sa bahay dahil hindi magandang magpaapekto ako hanggang sa pag-aaral na dapat ay binibigyang focus ko.

"I'm still guilty," pabagsak na umupo si Chi sa aking tabi sa damuhan. "I really shouldn't have left you that night!"

Napasinghap ako. "Huwag mo nang isipin, ilang linggo na ang nakakaraan, Chi. Ayos naman ako at pina blotter ko na ang mga iyon."

Although, I know the law. Baka ibasura lang nila iyon, wala naman kasing bayad. Marami ng bayarang alagad ng batas ngayon, not judging all of them but that's what I notice around this cosmos. Not all them, but most of them. Kaya isinantabi ko ang takot kong iyon sa ilang araw at mas naging maingat nalang sa bawat araw. Hindi na ako umuuwi ng late at sa mas mataong lugar ako nakikisabay kapag naglalakad sa gabi. Iyon lang ang magagawa ko upang makaiwas na sa mga pangyayaring ganoon.

"Pero curious parin ako sa tumulong sayo." nakangusong sambit ni Iya. "Pulis ba? Gangster or some kind of UFC fighter?"

Natawa ako at napailing. "He's... a total stranger. Don't mind it."

"Guwapo ba?" kinikilig na kapit sa akin ni Cheena.

Kumurap-kurap ako at bahagyang napatigil sa hangin ang isip.

He has a pair of dusky tantalizing eyes, the murkiness inside them never did less on the gentleness and carefree look of his whole face, his jaw was firm and sharp like those men in magazines, nose is embossed and pointed like pointing at the bright sunny day ahead that has small ring peircing on the right part, his eyelashes were on its natural curl and thick as well as his eyebrows, his lips were very playful that always have the freedom of a peaceful little smile shaped.

Yeah, that's natural. He's all natural. Playboy look and badboy at the same time because of his tattoos.

"Hindi, ayos lang." sagot ko sa tanong ni Chi sabay lipat ng tingin sa kanya.

Bakit ko sasabihing guwapo? Iyon pa ba ang iisipin ko sa ganoong lagay?

Ilang beses ko rin siyang nakasalubong sa Brentdale simula noong nangyari iyon. He would just smile and nod simply at me, pero hindi na kami ulit nagkausap. Kahit na anong pilit ko sa sarili na mag initiate ng usapan ay hindi ko magawa dahil nauuna na akong maintimidate ng kanyang malamlam na mga mata kaya hindi ko na ulit sinubukan.

Instead I would just nod back and it's done! Lakad na palampas sa kanya at hindi na ulit nililingon pa dahil duwag ako. Ganoon lang ang buhay, hindi lahat ng gusto nating gawin ay may tapang tayong isakilos dahil nag-iisip parin kung tama ba o hindi, kung nakakahiya ba o hindi. Sa akin ay parehong negatibo, I don't want to think of positive side when it comes to socializing or talking.

I don't know why I don't want a talk with anyone except for my friends, of course. Sila Chi at Iya lang ang kausap at nakakasama ko ng madalas, sa lalaki ay si Corvi. Siya lang naman ang matapang na lumalapit sa akin tuwing makikita ako. That's because, we were already friends from childhood days that I'm comfortable to be with. Hindi na rin ako naiilang sana... kung hindi lang niya naisipang sabihing gusto niya ako.

Corvi Martinez is a boy best friend, for me. I don't think I can give back his confession because I have no plan to be his girl. Not now, not anymore. Masyado akong nasa konsentrasyon ng aking mga sariling aktibidad sa buhay, hindi para sa pagbabalik ng damdamin ng isang taong humahanga.

"Weh?" pinuno ako ng pang-asar ni Cheena sabay kiliti sa aking tagiliran. "Bakit nag-isip ka pa, ha? Kung guwapo o hindi, ang madalas mong sagot straight to the point! Why is that, Ametrine? Fishy ishy!"

Villareal #4: Flowered SeascapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon