Phase 10

98.9K 3.5K 1.3K
                                    

Double. Feeling ko masyado akong mabilis dito, hindi ko kaya na may drafts kaya inuupdate ko kahit nakapag update ako early morning.

Thank you.



Phase 10


Hindi ko alam kung nakatulog ako sa ganoong ayos ko sa armrest ng sofa, I let myself drifting away from the loudness of the place. Iyon lang kasi ang alam kong paraan kung paano kakalma. Naramdaman ko na lang ang pag-alog sa aking braso at boses ni Iya na nakatabi na sa akin paglipas ng ilang saglit.

"Met, you okay?" ani Iya habang kinakalabit ako at sinisikop ang aking buhok paipit sa tainga.

Nagmulat ako ng mga mata, wala paring pagbabago. So I guess, I didn't get a nap at all. Nalukot ang kilay ko sa pagsasara ulit ng mga mata at sinapo ko ang aking sentido.

"I-I'm fine, can I go home now?" namamalat boses kong sinabi, my throat feels dry.

"Baliw talaga si Chi, lasing na lasing na. Sorry..."

"Ayos lang, may problema siya." tahimik kong sinabi.

Suminghap si Iya. "Wait here, Met. I'll just get you some water."

Nagtango ako ng ulo at pinilit buksan ang mga mata pagkaalis niya, sa kabutihang palad ay medyo mas maayos na ang paningin ko ngayon kesa kanina. Maingay parin ang mga tao sa loob ng bahay at may nagkakantahan gamit ang karaoke sa kabilang dako, I'm sure they're all liver free that they could stay up all night and drink until they got wasted!

Nagulat ako nang makita ko si Minther Legaspi sa aking harapan, nangunot ang noo ko sa presensya niya. I thought, they already broke up? Kasama niya si Iya?

He was eyeing the man on the other side of the armrest. Nakasandal ang batok noon sa armrest at ang mga paa ay nasa lapag lamang at mukhang nakatulog na roon. Oh shit! He's the man who touched me! Nakatulog pala ang gagong iyan, marahil ay dala na ng alak ang utak niya kanina kaya nagawa iyon sa akin.

Napasinghap ako at iniwas ang tingin doon, nagtama ang tingin namin ni Minther na nakaupo sa lamesitang nasa harapan. Pinagsiklop niya ang mga kamay habang nakapatong ang mga braso sa kanyang hita at pinapantayan ang aking mukha.

"Kanina mo pa 'yan katabi?" malamig niyang tanong sabay tango para ipunto ang lalaki

Suminghap ako at kabadong sinulyapan iyong lalaking tulog, hindi ko siya sinagot.

"Are you still aware around you?" may iritasyon na iyon sa muling pagtatanong. "Iinom-inom ka, hindi mo naman pala kaya."

I glared at him.

"Of course, I just rested my mind for awhile to get my senses back to normal. And I-I didn't expect the effect of the drinks here."

"Do research before taking something can harm. Hindi iyong bira ka ng bira, hindi mo naman alam ang magiging tama." umismid siya.

"Can you just shut up? Masakit ang ulo ko at wala akong balak makipag argumento." inis kong sinabi.

Kumunot ang noo niya. "Hinawakan ka ba niyan?"

His face looks so nice but not really for a good traits, madilim ang kanyang mga matang walang bakas ng kahit anong kabutihan. Nagngalit ang panga niya at simpleng suminghap.

I shook my head, I lied. Of course, sa itsura palang niya ay parang mananapak na kung sasabihin kong oo. Kahit na alam ko namang wala siyang pake kung nahawakan man ako ay parang magkakagulo lang kung magsasabi ako ng masama.

"Get the fuck up now and we'll leave this place." iritado niyang sinabi at tumayo na.

Napansin ko ang ilang tinginan ng lalaki sa kanyang hindi ko alam kung may galit ba o ano sa presensya niya rito. Mas lalo akong kabado dahil sa mga reaksyon ng narito habang nakatitig kay Minther. However, the girls are gossiping surely about Minther.

Villareal #4: Flowered SeascapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon