One

163K 3.6K 1.7K
                                    

I'll only write the highlights, mahirap kasi kung kabuuan ng POV. Hindi pa ako sanay gumawa ng male's viewpoint kaya sana mapagpasensyahan. Baka matagal din ang susunod na update at Rayless Daybreak po ang susunod na story. Salamat.


One


"Elos, can we meet today?"

My forehead wrinkled while packing up my things, I put the call on loudspeaker. Inayos ko ang mga damit sa maletang gagamitin, we'll have a major examination this week and I'm readying myself all the way. Ilang araw na rin akong puyat sa pagrereview, it will be an actual flight for final examination on my last year.

Dalawang linggo kaming mananatili sa headquarters para sa exam na iyon at ngayon pa lang ay nag-aalala na ako kay Ametrine, she's been so hard these past days, trying to break up with me for some reason she can't even tell and that's confusing the hell out of me. Minsan naisip ko na baka ayaw niya akong paalisin, matagal din kasi ang dalawang linggo kaya naiintindihan ko siya pero para sa amin naman ang pag-aaral ko. Kung puwede lang manatili na lang, bakit hindi? Of course, I want to be with her every single day because missing her is so bad for my health.

Ayaw ko man aminin pero mukhang baliw na nga ako sa kanya, habang tumatagal ay lumalalim at nakakatakot na baka malunod ako at hindi na makakilos. Paano ang kinabukasan namin, kung ganoon?

"Elos..." muling tawag ng babae sa kabilang linya.

Napatigil ako sa pagngisi habang naiisip si Met, tumikhim ako.

"Hmm, what is it again, Toni?" I asked plainly. I didn't save her number and I don't know where she got mine.

"We need to talk, Elos. Please, can you meet me today?"

"I won't accept any painting from you now."

Her paintings are confusing me, I can't see the message through it. Parang nagpinta siya na may maisip lang pero wala namang koneksyon sa kanya o sa akin, she's sending me paintings with her name on it. Lahat iyon ay talagang magaganda, hindi ako magtataka sa kanyang talento pagdating doon pero mahirap talagang basahin kung ano bang pahiwatig niya.

"What? What did I do? Pati ba naman pagbibigay ng painting ay ipagkakait mo na? Can you at least respect my hardships? You're my inspiration in painting, Elos. Tama lang naman na bigyan kita ng paintings dahil gusto ko."

Bumuntong hininga ako. "Just move on, may girlfriend na ako at hindi tama na nag-uusap pa tayong dalawa o nagbibigay ka sa akin ng mga bagay."

Lalo pa at selosa si Met, si Antonia ang pinakamalapit niyang pagselosan dahil madalas iyong mapag-usapan sa paligid. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit ko nga ba naging girlfriend si Antonia, kasalanan nga iyon.

"Hindi ba puwedeng maging magkaibigan?" she insisted.

"Toni." mariin kong sambit. "Let's just be happy with our own lives now."

"You asshole, Thelonius! How dare you? After what you did? Ginamit mo ako dahil ka department ko siya noon at ngayon itsapuwera na ako dahil naabot mo ang babaeng 'yan." halos maiyak niyang sambit.

Nangunot ang noo ko. Matagal na kaming hiwalay at hindi ko sigurado kung naging nobyo nga ba ako noon, I was just her display to her friends every gatherings and night outs. Our relationship never became intimate and serious for me but I was staying in her side for decency, naipakilala niya rin ako sa kanyang pamilya noon pero kahit kailan ay hindi kami nagsama sa isang kuwarto na dalawa lang dahil may respeto ako at walang balak sa ibang bagay.

Minsan naisip ko na seryosohin na lang at sumabay sa agos pero ang hirap iwasan ng tukso, tukso ni Ametrine ang nagpahirap sa aking magseryoso sa ibang babae hangga't hindi ko pa siya pwedeng ligawan. I know it's so wrong but what can I do if Antonia is the way to see her everyday in their department?

Villareal #4: Flowered SeascapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon