Chapter 10

5.3K 90 2
                                    

"Hazel. Gising na, andyan na sa baba si Greg oh." Niyuyugyog ako ni Tita. Iminulat ko naman yung mata ko. Ano meron? Bakit sinundo na nya ulit ako?

Nagligo at nagbihis na muna ako. Pagkababa ko ay nakita ko nga syang nakaupo sa sofa namin at busy sa cellphone nya. Naalala ko tuloy yung text ni Arianne sa kanya.

"So, what brought you here?" Tanong ko noong umupo ako sa hapag. Gulat na gulat syang tumingin sa akin.

"HAZEL!" Sigaw nya. Lumapit sya sa akin at niyakap ako sa leeg. "Na-miss kita ng sobra! Parang one year tayong hindi nagkita!" Para akong mababaliw sa inasta ng sira ulong manyak na 'to. Ano na naman bang problema nya? Jeez.

"Ugh! Stop that, Greg. I can't... breathe!" Inalis nya yung mga bisig nya sa leeg ko.

"Nagpapa-miss lang ako. Hindi pala naging effective yung tatlong araw." Malungkot nya pang sabi. Inirapan ko na. Ang arte eh.

"Whatever. Just, eat. You're just hungry."

"Ahh. Nah, thanks. Kumain na 'ko sa bahay kanina ehh. Tsaka, watching you eating, nabubusog na rin ako." Nasamid ako sa sinabi nya. TUBIG! "Hahahaha! Sabi na." Tuwang-tuwa pa ang mokong habang inaabot ang isang baso ng tubig sa akin.

"Bigwasan na kaya kita? Papatayin mo ata ako ehh. Tsaka baka nakakalimutan mo may atraso ka pa sa'kin?" Nakakunot-noo kong sabi. Ngumiti lang siya sa akin. PSH!

"Let's just forget it, my Hazel."

"Psh. Whatever, pumunta ka na sa kotse mo. Magtutoothbrush lang ako." Utos ko. Siya namang tayo nya sa upuan.

Paglabas ko ng bahay ay nagsasoundtrip lang sya sa loob ng kotse habang may KATEXT? Siguro si ano? Idc anyway.

"Sino yan?" Tanong ko sa kanya noong makalapit ako ng kotse. Bigla nyang nabitawan yung phone dahil sa gulat.

"What the. Bes, naman. Wag ka kayang manggulat. Jeez." Pinulot nya yung iPhone at kita ko ang pagkairita sa mukha niya.

"Woah there! Sorry naman. Hindi ko alam seryoso ka pala dyan sa KATEXT mo."

"Sumakay ka na male-late na tayo eh." Binuksan ko na yung pinto sa backseat at doon ako umupo, AS ALWAYS.

Tahimik lang kami ni Greg sa biyahe. Gusto ko sanang itanong sa kanya kung nabasa na niya yung text ni Arianne. Kaso based on the way he acts, mukhang oo.

"Arianne's back, she's back." Nagulat ako noong magsalita sya. Malapit na kami sa school noon. We're on the parking lot na actually.

"Ah." Walang-gana kong sagot. Nakita ko ang saya sa mukha nya noong binanggit nya ang pangalan ni Arianne. So, hanggang ngayon pala. Hindi pa rin nya ito nakakalimutan.

Well, FIRST FUCK NEVER DIES nga raw sabi sa'kin ni Greg. Don't get it? Then try to. I'm not in the mood to explain everything.

Bumaba ako ng kotse. Inis nga eh. Iniintay ko kayang pagbuksan nya ko. But no choice, busy ang kuya niyo sa ka-text niya kaya ako na ang nag-volunteer.

"Gregory!" Isang boses ang narinig namin mula sa likuran. Sabay pa kaming napaikot ni Greg para tingnan kung sino iyon.

"ARIANNE?" Nakanganga si Greg noong makita ang babaeng nasa harapan nya.

Umiling-iling na lamang ako ay nagpatuloy sa paglalakad. HINDI na ako kailangan sa scene na 'to kaya magpa-fly muna ako. Nakaka-imbyerna dahil hindi man lang ako napansin ni Greg na umalis, nag-iiba talaga siya kapag si Arianne ang nakikita nya. Hmp.

ARIANNExGREG o HAZELxGREG? PILI NA! HAHAHA. Joke, nababaliw lang po.

Dumiretso ako sa classroom namin. Humalumbaba ako sa desk. Kung pwede nga lang ako na ang ipalit sa taong nasa dating 500 peso bill, ay nako pwede na'ko!

Pero iniisip ko lang kung, papaano kaya kung magka-interes sa kanya si Greg ulit? Edi good news yun. Kase si Gregory Lopez, noong si Arianne yung nilandi niya noon hindi siya lumandi sa ibang babae. Kung tama lang pagkakatanda ko ah?

Bigla akong napatingin sa gawing pintuan noong makita kong biglang nagkagulo ang mga kaklase ko. Well, normal lang naman 'yan eh. Lalo na kapag si -

"What the? Who's that girl na kasama ng Fafa Greg natin? Bakit magkaholding hands sila?

"New girlfriend? Transferee? Ngayon ko lang sya nakita girls ahh."

"Oo nga ehh. Hay nako. Hayaan nyo na, I'm sure. She's just one of Greg's toys."

"Totally right, girl "

Ang bitter ng mga PANGIT na 'to. Inggit lang kase sila hindi naging JOWA, hanggang bedsheet lang sila nakakasama ni Greg.

Anyways, mukhang CLOSE na nga agad ulit. Grabe ka talaga Greg. Iba ka talaga. Minuto ko pa lang kayong iniwan ni Arianne, close na kayo ulit. But, it would be a bad news. Dahil alam ko, with her, he'll probably get worst.

My Bestfriend is a PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon