Chapter 12

5.1K 100 5
                                    

Busy ako sa paglalaro ng flappy bird noong dumating si Ranz dala-dala ang dalawang frappe. Nakangiti niya itong inilapag sa mesa.

"You look so disappointed?" He asked.

"Uhh, no. Eto kaseng old game na 'to. Ang tagal ng sumikat, nalaos na lang at lahat hindi pa din ako nakakascore ng higit sa 1. Badtrip lang, e." Saka ko inilapag yung phone sa lap ko at kinuha yung dalang frappe ni Ranz.

"HAHA. Okay lang 'yan. Malay mo hindi lang ikaw ang hindi maka-score ng mataas dyan." Ngumiti sya ulit sakin.

Out of nowhere, biglang pumasok sa isip ko si Greg. Siguro nagpapasarap na naman sila ng babae na 'yon. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Mula ng bumalik talaga yung Arianne na 'yon nagulo na naman ang takbo ng pagkakaibigan namin ni Greg.

Kung naguguluhan kayo. Tarang mag-flashback sa mga nangyari noon habang inuubos ko 'tong frappe na'to.

Nasa 2nd year highschool kami noon ni Greg ng makilala nya si ARIANNE. Kaklase kase namin sya. Maganda si Arianne; simple, matalino, mabait at higit sa lahat palakaibigan. Noong una ay balak lang talaga ni Greg na isali si Arianne sa laro nya. Kagaya ng larong inalok ni Greg sakin. Kagaya ko, ayaw rin ni Arianne sa playboy. Ngunit ganun pa man ay tinanggap nya ang game ni Greg. Maraming ginawa si Greg na mga sweet na bagay para mahulog sa kanya si Arianne. Saksi ako roon. At yun nga, hanggang sa dumating yung time na sa laro ni Greg, natalo si Arianne. Nagawang ibigay ni Arianne kay Gregory ang puso at kaluluwa nya. Ibinigay nya lahat kay Greg. Sa palagay ko nama'y hindi nahulog si Greg kay Arianne. Nanalo sya kaya masaya si Greg na nakuha nya ang pakay niya rito.

Akala ko ay si Arianne na lang ang mag-iisang babae na gagamiin ni Greg. Dahil nakita ko kung papaano din siya nahumaling dito. Nagkamali pala ao ng akala. Alam kong hindi kayang magmahal ni Greg ng seryoso. Alam ko 'yon dahil nakita ko kung paano sya pagtaksilan ni Greg. Ako pa nga ang pumilit kay Arianne na layuan na nya ito dahil laruan lamang ang tingin nya sa kanya. Ngunit sadyang bulag talaga ang pag-ibig. Hindi nya ako pinaniwalaan.

Hanggang sa isang araw ay nakita kong umiiyak si Arianne. Hinahampas nya si Greg habang isinusumbat nito lahat ng mga nagawa nya. Ngumisi lang si Greg. Simula noon ay hindi na bumalik ng school si Arianne. Balita ko'y nag-transfer na siya.

Pero ilang linggo lang ang nakakalipas, nagulat ako ng hanap-hanapin ni Greg si Arianne. Kaya naman makailang beses nya itong sinubukan na hanapin. Ngunit dahil nga nagpakalayo layo ang babaeng 'yon ay wala na syang nagawa. Natandaan ko pa nga yung sinabi ni Greg sa akin dati eh.

"Kapag nakita ko ulit sya. I'll make sure I won't let go of that girl."

"Ha?" Biglang nagsalita si Ranz. Tumawa na lang ako at tinapik sya sa balikat ng marahan.

"Wala, wala." Saka ko napansing ubos na yung frappe na hawak ko. "Masarap pala 'to?"

"Bakit? Gusto mo pa?"

"Uyy hindi na! HAHA." Saka ako tumayo sa bleachers at pinagpagan yung PE uniform ko. "Patapos na PE class ko, una na ko ha. Magpapalit pa kase ako ng regular uniform ehh."

"Ganun ba? Sige." Saka rin sya tumayo sa upuan at nakangiting nagpaalam sa akin.

Naglalakad ako papuntang locker room ng may biglang humatak sa braso ko papasok sa Science lab. Tinakpan nito ang bibig ko. Pumihit ako para tingnan sya.

"Greg!?"

"Saan ka galing?" Nakasimangot nyang tanong sa akin. Lumayo ako ng ilang inches sa kanya.

"Pake mo! Saka, anong ginagawa mo dito!? Don't tell me... " Sumilip ako sa likuran nya at sa buong paligid.

"Wala. Hindi ko sya kasama. Tinakasan ko nga ehh."

Ano daw? TINAKASAN?

"Tinakasan? Si Arianne?"

Napataas ako ng kaliwang kilay. Tumawa sya ng mahina at inayos yung buhok nya.

"Akala mo siguro tototohanin ko yung sinabi ko noon na hindi ko sya papatakasin kapag nakita ko siya ulit, ano? HAHA." Hinawakan nya ako sa ulo at ginulo ang buhok ko. "Well, my Hazel. I'm just playing. Gusto ko lang ulit makita na umiyak sya. She deserve it kase alam kong makati din yung babae na 'yon. Mukhang lang siyang tahimik pero may itinatagong kulo 'yon kung alam mo lang."

Tinakpan ko yung bibig ko sa gulat.

"So you mean—"

"Greg Lopez's still Greg Lopez. The number one player of this campus. Tsaka ginawa ko lang naman 'yon para pagselosin ka." Nakangisi nitong sabi.

Ewan ko kung mapapangiti ako sa sinabi nya o lalo akong maiinis. Ano pagseselosin ang sinasabi ng ugok na 'to? As if naman na magseselos ako.. Akala ko pa naman talagang nahulog na si Greg sa kanya.

"Hindi ka na talaga nagbago, Greg. Tsaka feeling mo naman talagang magseselos ako sa mga ginawa mo. Kapal mo, dude!"

"Hahaha! Sayang naman, hindi ka tinablan. Saka iisang tao lang naman ang makakapagpabago sa'kin, 'e." Hinawakan niya ako sa baba at saka itinapat ang mukha ko sa mukha nya.

Mabilis kong tinapik ang kamay nito. Humagalpak naman siya ng tawa.

"Stupid!"

"HAHA! You're funny. Baka nakakalimutan mo, may deal pa tayo, Hazel." Ngumisi pa sya.

"Whatever, Greg." Saka ko pinihit yung doorknob ng pinto. Pero laking gulat io noong mapansin na nakalock ito. "Huh?" Napatingin ako kay Greg.

"O, bakit?"

"Naka-lock."

"Ha? Papaano mangyayare yun? E, diba dapat nasa... fvck! Bakit nasa labas yung lock nito!?" Pinihit-pihit pa nya yung doorknob at tinadyakan ang metal case nito. Like DUH Greg, baka umepekto 'yan?

"Hindi mo ba pakana 'to Greg!?" Sigaw ko sa kanya. He looked at me, nakita ko ang takot at pag-aalala sa mukha niya.

"Hindi. Hindi ko 'to kayang gawin sa'yo. Geez. Pag nalaman ko lang talaga kung sinong naglock ng pinto na 'to. Sisiguraduhin kong lulutang ang bangkay niya sa Ilog Pasig!" Saka nito kinuha yung iPhone niya sa bulsa at may ini-dial na number, maya-maya pa ay may sumagot sa kabilang linya. "Oh, John. We're trap in the Science laboratory of our school. Alam nyo na ang gagawin...hah? Ano!? Matatagalan kayo!? Bakit, asan ba kayo ha!? WHAT!? Hongkong!? Bakit!? Anong meron!? Geez. Okay, basta puntahan niyo kami dito. Ayokong dito kami magpalipas ng magdamag." Saka siya sumulyap sakin.

"Mukhang bad news ah?"

"Yeah." Umupo siya't sumandal doon sa cabinet ng mga kung anu-anong mga preserved things. EWW. He looked at me again. "Ayaw mo umupo?"

"H-ha? Hindi na. Nagpapatangkad ako." Saka ako sumipol-sipol. "Oh wait, ipapaalam mo ba 'to kay A—"

"No. Why should I? Eh hindi naman kami."

"WHATEVER. Malandi ka talaga." Saka ako umupo doon sa isa sa mga lab chairs. I want to ask him about what happened between him and Arianne but I don't bother since he said na ginamit niya lang siya ulit.

Nakaramdam ako ng antok kaya umub-ob muna ako. "Wag mo kong gagawan ng masama, dahil patay ka talaga sakin." Paalala ko pa sa kanya. He smiled at me tapos umupo siya sa isang sulok at ini-ub-ob ang ulo niya sa mesa. Ganyun din ang ginawa ko.

Gusto ko ng umuwi.

My Bestfriend is a PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon