Chapter 48 (Finale)

4.8K 112 2
                                    

"Congratulation, Engr. Atienza." Bati sa akin ni Ranz habang suot-suot ang isang ngiti. Ngumiti naman ako pabalik sa kanya at saka ito tinapik ng marahan sa balikat.

"And goodluck to you, future Architech Legaspi." Pang-aasar ko pa rito. Tumawa naman siya ng mahina saka ginulo yung buhok ko.

"Sige, I'll go na. Baka hinihintay na ako ni Camille." Wika niya. Nag-wave naman ako dito bilang pagpapaalam.

Camille was Ranz girlfriend. Yes, he already got a girlfriend. That was months ago after kong sagutin si Greg. Buti na nga lang at kahit papaano ay hindi nagkaroon ng bitter feelings sa akin si Ranz. Hindi naman sa pagiging makapal ang mukha pero kase alam naman natin na nagkaroon siya ng feelings din sa akin.

Paglabas ko ng venue ay sinalubong naman ako ng mga tropa ni Greg na sila Mico, Kyle, Migs and Keith. Actually, ngayon ko na nga lang ulit nakita 'yan sila Migs at Keith. Siguro ay busy sa panchichx.

"Oh Hazel? Asan si Gregy? Bakit parang hindi 'ata kayo magkasama?" Tanong agad ni Kyle noong makalapit ako sa kanila.

I furrowed my eyebrow. "Yun nga rin ang pinagtataka ko, 'e. Sabi niya kase ay medyo mahuhuli lang siya ng dating dahil meron silang client meeting sa Beijing." Tugon ko naman rito. Lumapit sa akin si Mico at saka ako inakbayan.

"E, bakit mo naman siya hinayaang pumunta doon? Alam mo naman na hindi ka ipagpapalit noon sa kahit anong business meetings diba?" Wika nito.

"Alam ko. Kaya nga ako na mismo ang nagpumilit sa kanya na pumunta doon sa meeting, 'e. Iba pa rin kapag nakasalalay na ang pangalan ng kumpanya nila. Alam niyo naman na kay Greg na ipinamahala ang kumpanya nila diba? Kaya as a CEO, that is his job." Sagot ko. Inalis naman ni Mico yung pagkakaakbay sa akin tapos humilera silang tatlo at nag-salute. Nagulat pa ako sa ginawa nila kaya naihampas ko naman kay Mico yung hawak kong papel.

"Huy h'wag mong lukutin 'yan! 'Yan ang pruweba na isa ka ng Engineer, 'e." Wika naman ni Migs. Natawa naman silang apat pati na rin ako.

"Teka nga, maiba tayo. Bakit ba kayong apat nandito? Imposible namang andito lang kayo para batiin ako?" Tanong ko. Ngumisi naman silang apat sabay-sabay.

"Grabe, Hazel. Akala namin si Greg lang ang kilala mo, pati pala kami memorized mo na." Natatawang sabi ni Keith.

"Suus. Manang-mana kaya kayo sa boss niyo." Pang-aasar ko pa.

Tumawa naman ulit silang apat saka nagpaalam sa akin na maglilibot-libot daw para...ugh...maghanap ng chicks.

Nang makarating ako sa Parking Lot ay agad kong chineck yung phone ko. May isang text na mula kay Greg.

From: Gregy-ko ♡

Andito na ako sa Parking Lot.
Nasaan ka na?

Iyon ang laman ng text niya. Agad naman akong naglibot sa Parking Lot upang hanapin ang sasakyan niya. Mukhang kararating niya lang rin kase dahil ilang minuto lang ang nakakaraan ng magtext siya sa akin.

Medyo hiningal na ako sa paghahanap pero hindi ko pa rin makita ang sasakyan niya. Hindi ko kase sure kung anong klase ng sasakyan ang dinala niya ngayon.

Nang makarating ako sa may bandang dulo ng Parking Lot ay nawirduhan ako sa isang sasakyang itim na naka-park doon. Umaalog-alog kase ito at ilang sandali pa ay parang may ala-alang nanariwa sa'kin.

Dahan-dahan akong lumapit doon sa kotse at ilang minuto lang ang nakakalipas, may isang matangkad na babae ang lumabas mula rito. Halos mahubad na ang suot nitong spaghetti strap at napakagulo ng buhok niya. Para siyang nakipagdigma sa loob ng kotse.

My Bestfriend is a PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon