Chapter 31

3.5K 55 0
                                    

Greg's Point of View


Buti naman at sa wakas nagkaroon na rin ako ng sarili kong point of view sa kwento na 'to. TCH! Akala ko ay wala ng balak ang author na ipaalam sa iba ang damdamin ko. JOKE! HAHAHAHA.

"Hey dude! Bakit natulala ka na diyan?!" Tanong sa'kin ni Mico habang inaalog-alog ang balikat ko. Makailang beses naman akong kumurap at wari'y bumalik na ang ulirat. Napatingin ako sa kanya.

"What were you saying?" Tanong ko sa kanya. Napakunot naman ito ng noo at napa-face palm. "What?" I asked again.

"Ikaw, lumilipad na naman 'yang utak mo. H'wag mo kaseng kaisipin 'yon. Mahal ka no'n." Pabiro nitong sabi.

"Gago." Wika ko tsaka ko siya tinapik ng marahan sa balikat. "Alam ko." Nakangisi kong dagdag tsaka kami naghagalpakan.

"Pero seryoso na pre. What are your plans sa darating na CE Week?" Tanong niya sa akin. Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan. Kaya pala kami nandito sa rooftop ay para pag-usapan yung gagawin kong sorpresa sa darating na CE Week.

I wanna surprise Hazel on our Masquerade ball. I planned to introduce everyone the reason behind all these changes in me. Aba! Mantakin niyo simula nung nanligaw ako sa kanya formally, hindi na ako nakipag-flirt pa sa ibang babae. In short, umiiwas na ako sa tukso.

I want to change completely for Hazel. I want to be deserving for her heart. Gusto kong linisin yung sarili kong pagkatao para sa kanya. Gusto kong maging maganda ang future para sa aming dalawa. I mean, gusto ko ay once na sagutin na niya ako. Hindi ko na gagawin pa ulit yung mga nakasanayan ko noon. Yung pagpapalit-palit ko ng babae kada linggo. Ayokong saktan si Hazel, I don't wanna see her shed tears because of my stupidity.

"Ganito ang gagawin natin..." And I discussed every single details of my surprise sa tropa ko (the TPs). I won't share the details to you guys (readers) kase baka mamaya sabihin niyo pa kay Hazel. Edi hindi na surprise 'yon diba? HAHA.

"Grabe pre. Parang marriage proposal na yang pinaplano mo eh." Natatawang sabi ni Kyle. Napangisi naman ako.

"Yaan mo pre. Magiging successful 'yan. Diba guys?" Wika naman ni Mico. Saka kami nagfistbump sa isa't-isa.

* * *

"Saan ka na naman ba nanggaling, Gregory?" Nakakunot noo niyang tanong sa'kin. I really really love when she says my whole damn ugly name. Kahit na bwiset na bwiset ako sa pangalan ko ay parang musika pag siya ang nagsasabi.

Corny ko shet.

"Why my queen? Do you miss me?" Pang-aasar ko sa kanya. Sa totoo lang ay gusto ko na siyang yakapin at halikan sa mga oras na 'to. Kahit nagkita pa lang kami ay miss na miss ko na agad siya. Yea, ako ang naka-miss sa kanya talaga.

Inirapan naman niya ako. SHT! Ang sexy niya talaga pag iniirapan niya ako! HAHA. Ang manyak ko talaga. ASAR.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong niya na halatang nabobored na. "Gusto ko ng manood ng Adventure Time." Saad pa nito saka ngumuso. DAMN! H'wag niya ngang mainguso-nguso yung labi niya. Masyado akong nanggigigil. Pinipigilan ko lang ang sarili ko. I.WANNA.KISS.HER. HAHA.

"Ito na nga po oh, uuwi na tayo. But before that. Maitanong ko lang, do you have plans this coming CE Week?" Tanong ko.

"Hmm...gusto ng klase namin na magtayo ng maid cafe." Nakapoker-face niyang sabi.

"Maid cafe? Yung parang sa Japan?"

Tumango naman siya. "Isa ako sa mga maid, for the whole week naming gagawin 'yon." Saad pa nito. "Kayo? May plano ba kayo sa section niyo?" Tanong niya.

"Uh yeah. Horror house." Maikli kong sagot. "I was assigned to perform the role of the Baron, mag-aala vampire ako. Hehe." Tsaka ko inilabas yung pangil ko.

"Ah. Edi pag free time ko, puntahan ko na lang yung booth niyo." Saad pa nito bago sumakay ng kotse.

"So...are you looking forward for the Masquerade ball?" Tanong ko sa kanya habang ikinakabit yung seat belt niya.

"The ball?" Napaisip pa siya. "Kinda. Pero wala pa akong naiisip na susuotin."

GOTCHA!

"I'll buy it for you!" Mabilis kong sabi. Napakunot naman siya ng noo.

"H'wag na." Itinaas niya yung isa niyang kamay as a gesture of saying no. "Baka si Tita na lang humanap ng isusuot ko."

"No! Ako na bibili please?!" Pagpupumilit ko. Napa-facepalm naman siya saka tumango. "YES!" I blunted.

"Para kang bata. Tsaka make sure na kasya sa'kin yung bibilhin mo ha?! Tsaka ayoko ng masyadong bold, yung less-skin lang ang bilhin mo. Tsaka h'wag masyado maraming design." Sabi pa nito. Tingnan mo 'yan, h'wag raw pero yung mga demands niya. HAHA! Buti na lang talaga at mahal ko 'tong babae na 'to eh.

"Then why should we buy it now? Since sa malapit na yung ball." Suggestions ko pa.

"Mabilis lang tayo?" Tanong niya habang nakatingin sa relos niya. She's being worried of that cartoon show again. Iniisip niya siguro na baka di niya maabutan.

"It depends upon you." Sabi ko pa.

"Sige na nga! Pwede ko naman panoorin yung replay no'n mamayang gabi." She said. Napangiti naman ako saka ini-start yung kotse.




SURPRISE PLAN #1: CHECKED!

My Bestfriend is a PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon