May pagkain na naman sa mesa.

Nagtuloy ako sa kwarto para silipin ang mag-ama ko kung nagpapahinga na ba. Ngunit nakakapagtakang wala sila doon. Iisa lang naman ang kwarto kaya nagsalubong na ang kilay ko.
Nilapag ko ang kumot sa ibabaw ng kama at bumalik sa sala.

Lumabas kaya sila?

Humakbang ako palabas ng mapansin ko ang bulaklak na nasa tapat mismo ng nakasaradong pinto. May kung ano pang nakaipit don.

Beach Hotel's Botanical Garden
Pls. Wear the dress, it's on our room.
Love you.

Nagsalubong ang kilay ko. Pupunta ako dito? Bakit iniwan pa nila ako? Pwede naman ako gisingin, kailangan talaga sila muna maunang mag ama? Tss...

Pumihit ako pabalik ng kwarto dahil naka shorts at plain shirt lang ako.

Mag aaya lang ng Dinner sa labas, mang iiwan pa. Hinanap ang damit na sinasabi niya. And I found it hanging behind the door, hay nako Cali. Muntik ng makita yung pinaglagyan mo ng damit.

Mabilisan akong naligo, at nag blower ng buhok. I put a light make up and grabbed my cellphone, ng mapadaan ako sa vanity mirror na nasa kabilang side ng kwarto.

Nakalugay lang ang buhok ko ng basta basta. Nakakahiya naman kung magmukha akong bruha kapag hinipan ng hangin ang buhok ko. Agad akong bumalik sa harap ng dresser at naupo and start fixing my hair.

Few seconds more, napangiti ako sa salamin. There, I'm done. Kinuha ko ulit ang phone ko at naglakad palabas ng Beach House. Tinalunton ko ang daan patungo Staff Lounge since itatanong ko kung saan nga ba ang Botanical Garden nila. Hindi pa kasi ako nakakarating doon.

"Good Evening."

Nilingon ako ng Babaeng Staff. Agad siyang ngumiti sa akin at nilapitan ako. "Hatid ko po kayo sa Botanical Garden."

Napatango nalang ako. Nagbilin siguro si Cali sa mga ito. Lumabas kami ng lounge at inalalayan niya pa akong maglakad. Lumigid kami sa bandang likod ng Staff's Lounge hanggang marating namin ang isang pathway trail.

Napanganga ako biglang nagsimulang magliwanag ang daan. And I can't help but to blink my eyes in silent wonderment.

Shit.

This place looks so serene. So enchanting.

Narinig kong sinabi ng Staff na sundan ko lang ang trail, papunta daw iyon sa Botanical Garden. Nagsimula akong maglakad habang iginigala ang tingin sa paligid.

Si Cali ba may gawa nito? Feeling ko nagmukha akong ignorante habang panay ang ikot ng mga mata ko sa paligid

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Si Cali ba may gawa nito? Feeling ko nagmukha akong ignorante habang panay ang ikot ng mga mata ko sa paligid. Ang ganda talaga. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang may maaninag akong nakatayo sa di kalayuan. Sa gilid ng trail path.

Korin?

She smiled at me, nagsalubong naman ang kilay ko. Ng hustong tumapat ako sa kanya, agad niya akong niyakap at nilagyan ng koronang bulaklak sa ulo.

Cali's Queen (Completed) EDITINGWhere stories live. Discover now