Tumahimik naman si Sean ganun na din ang lahat at nagfocus lang kay Winter.

"As i was saying ibang training ang dadanasin niyo. Mas mahirap kumpara sa training niyo sa Clan. Pero once na matapos niyo ang ipapagawa ko sinisiguro ko kahit na libo pa ang kalaban at labing tatlo lang tayo may laban tayo sa kanila."

Nagnod naman ang lahat sa sinabi ni Winter. Kanina pa nila iniisip kung ano ba ang ipapagawa sa kanila at kung bakit ganto kaseryoso si Winter.

"Ang training niyo ay magiging partners. Pero ang kailangan niyong gawin ay mapag aralan ang kakayahan ng partners niyo. Thunder hyung at Sian hyung. 1st pair. Thunder hyung kailangan mong maging kasing liksi ni Sian hyung para na din mabilis mong magamot ang nasugatan sa atin at pati na din mabilis mong matamaan ng lason ang kalaban. Sian hyung kailangan mong matutunan ang tungkol sa mga lason dahil kakailanganin namin ang bilis mo."

Napatanga na lang ang lahat sa sinabi ni Winter. Alam nilang mahirap ang pinapagawa nito dahil na din sa nasanay sila na ang mga specialty lang nila ang pinagtutuunan nila ng pansin. Higit sa lahat mahirap ito dahil na din sa kailangan nilang maging kasing galing ng partner nila.

"Alam kong nagulat kayo sa desisyon ko pero ito na lang ang magagawa ko para mailigtas pati kayo. Sigurado akong alam na ng kalaban ang mga kakayahan niyo at may mga alam na silang gawin para mapabagsak kayo. Kung ang specialty ng iba ang alam niyo hindi nila kayo mabilis na matatalo."

"2nd pair Nathan and Leo hyung. Nathan hyung kailangan mong mas gumaling sa paggamit ng assassin tools as well as kailangan mo Leo hyung na lumakas phisically. 3rd pair Sky hyung at Tim hyung. Sky hyung kailangan mong matuto na umatake mula sa ibaba. Hindi naman kasi lagi na nakapwesto ka sa matataas na lugar. At ikaw Tim hyung kailangan mo matutunan na umatake mula sa matataas na lugar."

"4th pair Kai hyung at Ryuu hyung. Kai hyung turuan mo si Ryuu hyung ng acupuncture gamit ang mga karayom mo na may lason. At Ryuu hyung turuan mong gamitin ni Kai hyung ang sinulid mo na kayang makahiwa ng kahit ano magagamit niya yun bilang latigo. 5th pair Sean hyung and Rhon hyung. Sean hyung kailangan mong matuto ng pag decrypt ng passwords pag hack ng sites at kung anoano pa dahil mabilis ang kamay mo. At Rhon hyung kailangan mong matutunan ang mabilis na paggamit ng samurai. Kailangan mo yun for protection dahil hindi naman laging sa technology ka lang."

"Ang pinakaimportanteng partners ay ang last. Kevin hyung at Glen hyung. Hindi lang dahil sa tuturuan ni Kevin hyung si Glen hyung sa draggers at si Glen hyung naman tuturuan ng paggamit ng baril si Kevin hyung. Dahil sila ang pain ng plano ko. Sila ang nasa risk dahil na din sila ang magiging puntirya ng kalaban." nakangiting sabi ni Winter kaya naman napakunot ng noo sa kanya ang lahat.

"Papanong kami. Dongsaeng naman ayaw kong nagbibiro ka ng ganyan. Alam mo namang forte ko yan." kinakabahang sabi ni Glen.

"Naaalala niyo pa ba nung nagcross dress kayo?" tanong sa kanila ni Winter kaya naman napanod ang lahat.

"Ang gaganda nga namin noon kaya lang mukha pa din kaming lalaki. Well maliban na lang kay Glen na mukhang babae. Kung di ko nga lang siya kilala noon niligawan ko na siya. Wahaha." sabi ni Sean kaya napatawa na lang ang lahat maliban kay Glen.

"Ako na ang binubully niyo ngayon ang sama niyo." hirit nito sabay pout.

"Taena ngayon pa nga lang na hindi pa siya nakadamit babae mukha na siyang babae damitan mo pa kaya babaeng babae na talaga." -Kevin. na dahilan ng lalong paglakas ng tawanan sa sala.

"Wait dongsaeng don't tell me tama ang naiisip ko. Pagpapanggapin mong babae si Glen??"- Tanong ni Thunder sa kapatid kaya naman natigil sa pagtawa ang lahat at natuon ulit ang atensyon kay Winter na may malaking ngiti sa mukha.

"Hyung kapatid nga kita nadali mo haha." natatawang sagot nito.

"What the f*ck. Gagawin niyo akong babae?? Seriously ano na namang plano to Winter kaya pala kanina pa ako kinakabahan." - Glen

"Well hyung ikaw ang the best for this role. Bukod sa mukha kang babae may talent ka din na magboses babae. Kailangan natin ng isang pain sa kalaban. Kapag nalaman ng kalaban na may isa na namang babae sa buhay ng shadow sigurado akong kikidnapin din nila ito. At once na nakuha ka na nila madali naming matatrack ang lahat. Basta ba you should know how to act weak in front of them. Just go with the flow. And that's it plan executed perfectly." nakangiting sabi ni Winter at alam ni Glen na wala na din siyang magagawa kahit pa umayaw siya.

"Eh ako bakit nasama ako?? Sabi mo kanina kami ang nasa risk.?" tanong ni Kevin kay Winter.

"Ikaw hyung ang magpapanggap na boyfriend niya." nakangiti pa ding sabi ni Winter na dahilan ng paglaki ng mata ng lahat.

"WTH?? F*ck ako bakit ako?? Tsaka bakit kailangan pa noon." - Kevin

"Ikaw dahil sa alam kong humahanap sila ng kahinaan mo. Just pretend in front of them. Hindi pwedeng walang bf si Hyung dahil na din sa hindi siya bibigyan ng pansin ng kalaban. Pero once na malaman nila na bf ka niya siya na ang magiging target." naliwanagan naman ang lahat sa sinabi ni Winter at pumayag na din sila dahil alam naman nila na kahit umanggal pa sila wala ding mangyayari.

"So Glen hyung starting tomorrow ikaw na si Ghei. Ang nakakabatang kapatid ni Glen at gf ni Kevin hyung. Papalabasin natin na may Mission ka kaya ka aalis at pagbalik mo start na ng act. Maliwanag ba??" tanong ni Winter sa lahat especially kay Glen.

"Ne" sabay sabay nilang sagot.

"Gumana na naman yung pagiging genius mo dongsaeng. Di ko maisip na makakaisip ka ng ganyang klaseng plano." proud na sabi ni Thunder sa kapatid.

"Naman ako pa." proud na sabi ni Winter sa kanila.

_____________________________________

ceikret

**edited**

ai wo

Revenge of the Gangster's Twinजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें