"Lord Gab... Ano kasi..."

"Hay nako Baste, not now kailangan ko pang alagaan si Anna. Salamat sa pagbabantay sa kanya. Makakauwi ka na." Hinawi niya ulit ang kamay ni Baste saka pumasok na.

Habang nasa labas ay tinitingnan niya ang dalawa. Hinanaplos ni Gab ang buhok ni Anna pero hindi man lang ito ngumiti. Naalala niya ang ngiti ni Anna pag ginagawa ito ni Gabriel pero hanggang ngayon, malakas talaga ang kutob niyang may mali sa ginawa niya.

Pinapauwi na siya ni Gabriel pero hindi siya makauwi dahil pa rin sa iniisip niya. At dahil ayaw ni Gabriel na hindi sinusunod ang utos niya, umupo siya sa pinakadulo ng hallway kung saan ay malayo sa kwarto ni Anna. Pilit niyang inuulit sa utak niya ang pagkasunod-sunod ng mga ginawa niya versus doon sa nakita niya sa lola niya noon. Pero wala siyang makitang mali. Halos sumakit na ang ulo niya sa kakaisip.

Sa kakaisip, inabot na siya ng gutom. Nagulat pa nang makita sa relo niyang inabot na pala siya ng gabi kaya minabuti na niyang tumayo para umuwi. Bago siya dumiretso, nabigla siya nang madatnan si Anna na nakatayo sa harap ng pinto di kalayuan ng kwarto niya.

Mula sa kinatatayuan niya ay napadikit ito sa pader at masuring tiningnan si Anna. Seryoso itong nakatingin sa pinto na nasa harap niya habang dahan-dahang pinihit ang door knob para buksan.

Anong ginagawa niya? Tanong ni Baste sa sarili. Nang makapasok na siya sa loob ay saka lang naglakad si Baste papunta sa kung saan pumasok si Anna. Sumilip siya sa glass door at kumunot ang noo sa nakita. Nakatayo ito habang nakatingin sa matandang babaeng nakahiga sa kama. Hinawakan niya ang kamay at dahan-dahang pinisil. Hindi mapigilan ni Baste na mag-isip na baka ina yun ni Anna. Pero bakit hindi ito dinadalaw ni Gab?

Maagang pumunta si Baste sa ospital para magdala ng pagkaen para kay Gabriel. Nakaugalian na kasi niyang lutuan ito simula pa no'ng tumira siya sa apartment na pinaparentahan ni Gab. No'ng una, nagdadalawang-isip siyang kainin yung luto niya pero simula noong nasarapan si Anna, ay kumaen na din siya.

"Lord Gab! Ito na yung putahe ko—" Natigilan siya nang makitang maraming tao ang nakapaligid sa kama ni Anna at lahat ng tao ay napatingin sa kanya. Bumalik yung tingin niya sa pinto, "Namali ata ako ng pasok..." Napakamot siya sa ulo.

"No Baste, come here, ano ka ba." Tawang sabi ni Gab.

Lumiwanag ang mga mata ni Baste nang marinig ang boses ni Gab. "Akala ko nagkamali ako." Masaya niyang sabi habang papalapit dito at tiningnan ang mga bisitang nakangiti sa kanya.

"Tita, Tito, this is Baste, my closest friend." Pagpapakilala ni Gab sa kanya na halos muntik na niyang yakapin ito sa sobrang saya.

"Kamusta po kayo!"

"Masiyahin siya ah," puna ng matandang lalake sabay ngiti.

"Yes po Tito. Masanay na kayo sa kanya." Tawang sabi ni Gab, "These are Anna's cousins." Turo niya sa limang babae at isang lalakeng nasa tabi ng dalawang matanda.

"Parang nasa langit na ako. Andaming magaganda," Pabiro niyang sabi kaya maraming nagtawanan sa loob ng kwarto.

"Hijo, mauna na kami. We just wanted to see our daughter. Thanks for taking care of her. We owed you big time." Sabi ni matandang lalake. Tahimik lang na nagmamasid si Baste na tila may biglang napansin. Tiningnan niya si Anna, nakangiti lang ito habang kinakausap siya ng matandan babae.

"Anak, we'll be coming back. Kumaen ka ng marami, nangangayayat ka na. Remember, hindi lang ikaw ang kailangan ng nutrients." Paalala ng matandang babae.

"Yes ma, I will."

Nagulat si Baste sa narinig kay Anna. Ang buong akala niya naospital ang ina nito matapos niyang makita ito sa kabilang kwarto. Sino kaya yun?

"Baste, samahan mo muna sila sa labas." Kinuha ni Gab ang dala niyang pagkaen. "Pasensya na Tita, Tito hindi ko kayo masabayan. Ayaw kasi magpaiwan ni Anna, you know may phobia pa rin siya sa ospital." Paliwanag ni Gabriel.

"No, we're fine hijo. Mas mabuti ngang may kasama siya dito." Sabi ng ina ni Anna.

Matapos na magpaalam sa kanya at kay Anna ang mga pinsan nito at ang mga magulang ni Anna ay inihatid na ito ni Baste sa labas. Habang nag-uusap sila, kating-kati na ang dila niyang magtanong.

"Thank you Baste ha. Thank you for also helping Gabriel here for us." Pasasalamat ng ina ni Anna.

Napakamot siya ng ulo dala ng hiya, "Wala pong anuman, para kay Lord Gab, lahat gagawin ko." Mahina siyang tumawa at sumabay na rin ang pamilya ni Anna. Bago pa makapasok ang ina ni Anna sa sasakyan ay pinigilan na niya ito.

"Pasensya na po, may itatanong lang po sana."

"Go on,"

"May ibang pamilya pa po ba kayo bukod kay Ate Ga— kay Ma'am Anna po na naospital?"

Kumunot ang noo nito, "I don't remember anyone. Kung sana meron ay binisita na namin ito bago kami umalis. Why hijo? Is there someone?" Tanong nito sa kanya na agad ikinakaba niya.

"Ahh...wala naman po." Pinigilan niya ang kamay sa panginginig habang inalalayan itong makapasok sa loob ng sasakyan. "I—Ingat po kayo."

"Thanks hijo."

Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya kinutubanng ganito ka sama. Dahil alam niya sa sarili niyang may mabigat siyangkasalanang ginawa.    

A Beautiful SoulWhere stories live. Discover now