Hindi nakapagsalita si Monica dahil sa narinig. Kaya ganun na lang ang pagkagulat ni Sebastian sa kanya.

"Wait, ate Ganda, naniwala ka kaagad sa sinabi ko?" Ilang beses pang napapikit si Sebastian habang nakatingin sa kanya. Ang buong akala ata nito ay pagtatawanan lang ang mga sinabi niya. Pero ibang reaksyon ang nakuha niya kay Monica.

"Sebastian." Pauna niyang salita.

"Just call me Baste, ate Ganda. Diba ganun naman ang tawag mo saken?" Sabay kindat nito.

Nasusuka siya sa mga ginawa nitong pagpapacute kahit hindi naman talaga ito cute. Pero pinilit niyang maging kalmado. "Baste, kailangan kong magtagal dito sa ospital. Help me."

Kumunot ang noo niya, "Bakit? Masama pa ba pakiramdam mo ate Ganda?"

"Oo."

Umiling si Baste, "Pero sabi ng doctor, pwede ka ng iuwi. Nakabayad na rin si Lord Gab sa bayarin mo sa ospital."

"Kailangan kong magstay, my mom—" Nakita niyang kumunot ulit ang noo niya habang inaantay matapos ang sasabihin ni Monica. "I'm...not feeling well, tell Gabriel." Wala na siyang ibang masabi. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin siya lalo na sa lalakeng ito.

"Susubukan kong sabihin kay Lord Gab."

"Go and please tell him I need to stay no matter what." Straight forward na sabi ni Monica. Wala siyang pakialam kung ano ang isipin ni Baste. For her, it's her normal attitude na hindi na mawawala sa kanya.

"May mali ba sa ginawa ko?" Tanong ni Baste sa sarili dahil sa nasaksihan. Ibang-iba ngayon si Anna base sa mga nasaksihan niya. Ang Anna na nakilala niya ay sobrang bait at halos di makabasag pinggan. Masiyahin pa ito at ni minsan hindi siya nito sinusungitan. Awang awa nga siya dito dahil madalas ay may pagkamasungit si Gabriel at napapagalitan siya nito. Pero ngayon, kahit ilang ulit niyang ibalik ang mga ginawa niya orasyong wala siyang nakitang mali.

"Tama kaya yung pagkasunod-sunod ng mga ginawa ko? Masyadong matagal ko nang hindi nakitang ginawa yun ni lola dahil nandito ako sa Manila. Imposibleng ibang kaluluwa ang nahigop sa katawan niya." Seryosong sabi ni Baste sa sarili.

"Anong binubulong mo dyan sa sarili mo?"

Halos madikit siya sa pinto nang marinig ang boses ni Gabriel, "L—Lord Gab, andyan ka pala." Napalunok siya ng maraming beses na para bang nakakita ng mas nakakatakot na nilalang bukod pa sa multo.

"Ano naman meron dyan sa reaksyon mo? Para kang nakakita ng aswang." Puna ni Gab, "Gising na ba si Anna?"

"Oo Lord Gab, pero may problema tayo."

"Ano?"

Napapikit siya ng ilang beses habang tumitingin sa mga mata ni Gab. "Ano kasi..." Nagdadalawang-isip siya kung sasabihin ba niya ang naiisip niya kay Gab.

"Ano 'yun? Papasok na ako kung hindi ka magsasalita."

Bago pa makapasok si Gab sa kwarto ni Anna ay hinarangan na niya ito. "Sabi Ate...Ganda, masama pa daw yung pakiramdam niya. Gusto muna niyang mamalagi dito."

Kumunot ang noo ni Gabriel saka siya bumuntong hininga. "It's okay. She can stay here."

"Pero Lord Gab, paano ka na? Ang mahal ng bayad sa ospital dito nakita ko yung babayaran mo kanina, grabe pang limang taon ko na yun na budget dito sa Maynila." Paliwanag niya.

Mahinang tumawa si Gab sabay tapik sa kanya. "Wag ka ng mag-alala sa akin. It's for Anna's safety. May savings naman ako." Hinawi siya ni Gab para makapasok pero pinigilan niya ito. "What now?" Tanong ni Gab.

A Beautiful SoulWhere stories live. Discover now