“Matagal na diba?” Sabi ko at muli akong humithit.

“Don't tell me...You're...”

Nagsign lang ako na 'wag siyang maingay.

“Now that you know so, shut your fucking mouth.”

Kumuha nalang siya uli ng beer at ininom 'yon.

“You know what Ler, dapat noon palang binigyang pansin mo na ang feelings sayo ni Purple. 'Yan tuloy naunahan ka pa ng iba.”

“Alam mong palabas lang namin ni Purple ang lahat ng 'yon and she's my bestfriend, Ezekiel Rios.”

Napangisi ako. Ang gago na walang kaalam-alam sa mga nalalaman ko.

“Mahina ka talaga kahit kailan. Magdusa ka d'yan.”

Uminom lang siya ng beer.

“Kahit sino ka pa alam mo na si Nicole lang ang mahal ko.”

“Alam mo hindi ko malaman kung bakit nagpapakatanga kayo sa pag-ibig na 'yan. Ang daming ibang babae d'yan na na pwedeng ipalit.”

“Kaya nga isa lang ang puso. Kasi isa lang ang dapat mahalin.”

Pagrarason niya. I scowled. It was a pathetic thought.

“Fucking reasons. Kaya ang daming nasasaktan kasi you always patronized your stupidity.”

Uminom lang din uli ako. Akala ba nung Lily na 'yon ay hindi siya madaling mapapalitan? I just looked around in this place at ang dami kong makikita. Kaya ewan ko ba sa napakatanga na Pierre na 'to. Napakahina.

Mga ilang kwentuhan pa namin ni Tyler ay unti-unti ko nang nararamdaman na tinatamaan na ako. Palibhasa kasi ay ilang araw na walang tulog ang katawan na 'to.

Paano nga ba ako makakatulog ang lintik na Pierre na 'to kung puro pagmo-move-on ang ginagawa?

Wala naman kasi talagang magmamahal sa isang katulad niya.

Kaya nga nandito ako.

Ako lang dapat ang gumagamit sa katawan na '
'to.

Hindi si Pierre na mahina.

Ang mga magulang ko? They're both died in a car accident six years ago. Saktong katatapos lang ng graduation ko nang mga panahon 'yon. Kaya napagpasyahan kong sa US muna manirahan upang makalimot.

“I think I need to go, Ezekiel Rios. Ayokong mag-drive na sobrang lasing.”

Sabi ni Tyler saka tumayo at tinapik ako sa balikat.

Kaya gusto kong kaibigan ang isang 'to kasi wala lang sa kanya kahit sino pa ni Pierre sa amin ang makaharap niya. Pero paano kaya kung malaman niya 'yong ginawa ko noon? Hmmm, for sure exciting 'yon.

Kinawayan ko lang siya paalis.

“Okay fine, dito muna ako you know, to have fun.” I said.

Nag-sign siya na to give him a call kung ano man ang mangyari.

I just continue to roam my eyes around the place. Until a familiar face of a girl. Tumayo ako at nilapitan siya.

“Purple...'Wag mo akong iiwan! Dito ka lang!”

Pasuray-suray siya habang inaalalayan ni Purple the Barney girl. Hindi ko alam na nandito pala sila palibhasa ay kalalabas lang nila ng VIP room. I know that she is Pierre's friend too. Feeling close kasi ang gagong Pierre. Lahat kinakaibigan.

“Ano ka ba naman kasi Niniana! Sabi kasing h'wag uminom ng marami. Nawawala ka na naman tuloy sa sarili mo!”

Niniana is just laughing at base sa kilos niya ay talagang sabog na sabog siya. Hindi muna ako tuluyang lumapit sa kanila.

That One NightWhere stories live. Discover now