CH 16

923 51 3
                                    

Averie's POV



Nagising ako ng marinig kong bumukas ang pintuan. Tumingin ako kung sino iyon at si Taehyung lang pala.



Napatingin siya sakin at napatigil sa paglalakad.



"Oh, gising ka na pala. How are you?" Tanong niya bigla sakin.



"I'm fine. Ano nga palang... Nangyari sakin?" Tanong ko naman sa kanya.



"Ah, hinatid ka dito ni Vernon, sabi niya nahilo ka daw." Tumango na lang ako at nakita kong may dala siyang gamot.



"Uh, para saan yang gamot?" Nagtaka naman ako at tinuro ang hawak niya.



"Ah, ito? Nilalagnat ka kasi kanina. Binili 'to ni Maddie, ibigay ko daw sa'yo." Lumapit siya sakin at binigay ang gamot.



"Salamat." Sabi ko habang kinuha ang gamot.



"Uminom ka na niyan. Tsaka ano bang ginawa mo kanina?" Sabi niya habang may kinukuha sa kusina.



"Nilibre kasi ako ng lunch kanina ni Vernon. Siguro gawa sa pagkain." Sagot ko naman at narinig ko siyang napabuntong hininga.



"Sabi ko naman sayo, 'wag mong kalimutan na may sakit ka. Baka lumala pa 'yan." Sabi niya at uminom ng tubig.



"Matanong ko lang, ah?" 



"Hm?" Maikli niyang sagot at binigyan niya ako ng tubig.



"Concern ka ba?" Tanong ko habang nakataas angg kilay at kinuha ang tubig.



"Um... No? Yes?... Maybe...?" Sabi niya at natawa ng marahan.



"Pft, anong klaseng sagot 'yan?" Pagbibiro ko.



"Sagot ng gwapong katulad ko." Natawa naman ako.



"Bahala ka na, uminom ka na lang ng gamot." Nakangiti niyang sabi at bumalik sa kama niya.



Ininom ko na ang gamot na binigay at nilagay ang baso sa maliit na lamesa sa pagitan ng kama naming dalawa.



Kukunin ko na sana ang cellphone ko ng magsalita si Taehyung.



"Magpahinga ka muna..." Sabi niya habang nagcecellphone siya.



Nainis naman ako.



"Hindi kita tatay para sabihan ako ng ganan." Sabi ko sa naiinis na tono.



"Oo, hindi mo ko tatay, pero kaibigan mo ko." Sagot naman niya pabalik sakin.


My Korean Roommate | Kim Taehyung FF ✔️حيث تعيش القصص. اكتشف الآن