CH7

1.1K 67 47
                                    

Averie's POV


Bubuksan ko sana ang pintuan pero bumukas ito.


Tumingin ako sa taong nabukas nito.


"How's the date?" Aniya habang nakatagilid ang kanyang ulo sa kanan.


Napakunot ang noo ko at napabuntong hininga.


"Anong sinasabi mong date? Alam mo namang bawal pa ako, diba?" Oo alam niya 'yun noong napagalitan kami ni Mad. Buwisit.


Hindi siya sumagot at napatango at sinasabing "hindi".


Pumunta siya sa kama niya at pumasok na ako sa loob.


"Isa lang sasabihin ko sa'yo." Bigla siyang nagsalita habang inaayos ko ang gamit ko.


"Mag-ingat ka." Napatigil ako at napatingin sa kanya habang siya ang nagce-cellphone.


Huh? Anong ibig sabihin noon? "Mag-ingat"? Jusko naman, bahala na.


Inayos ko na lang ang gamit ko at nag cellphone na lang din.


>>>Next Day


"Beh, hindi kita masasamahan ngayon, uuwi ako sa bahay namin gawa ni mama, nagkasakit siya." Paliwanag niya sakin.


"Sige, okay lang." Nakangiti kong sabi.


"Thank you, ah. Bye." Niyakap niya ako at umalis.


"Bye." Sabi ko kahit nakaalis na siya.


Bakit ba ang lungkot ko ngayon?


Hindi naman dahil kay Mad, hindi rin dahil kay mama, palagi naman siyang tumatawag sakin. Dahil sa...


Hays. Tama na nga.


Umalis na lang ako at pumunta sa locker, bagong rent lang kasi yung akin kaya ngayon lang ako makakagamit.


Nilagay ko ang iba kong gamit at kinuha yung mga kakailanganin ko.


Pagkasarado ko ng locker ay bumungad agad sakin ang mukha ng lalaki.


"Morning~" Bati niya sakin habang nakangiti ng pa "rectangle".


Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang aking wrist.


Tumingin ako sa kanya ng walang ekspresiyon.


"Oh, ba't... May sakit ka ba? Ang cold mo sakin ngayon, 'di ka namamansin kanina pa sa dorm." Sabi niya habang nakanguso.

My Korean Roommate | Kim Taehyung FF ✔️जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें