18

324 8 0
                                    


DAHIL naging abala kahapon si Donnie, ngayong araw ay binabalak ni Andeng na makipagkita sa binata bilang si Anne, at para makapagpaalam na din dahil hindi na nito makikita si Anne dahil hindi na niya muling isusuot ang sapatos—ito na ang huling beses niyang isusuot ang pulang sapatos na 'yon.

Mabilis siyang naglakad papunta sa female CR, luminga-linga na muna siya sa paligid bago siya tuluyang pumasok sa loob at isinara 'yon agad. At dahil nga nakita niyang wala namang katao-tao sa loob ay mabilis niyang tinanggal ang suot na black shoes saka niya inilabas ang sapatos na nasa box at agad 'yong isinuot. Nagliwanag ang buong kapaligiran at saglit pa ay muli niyang nakita sa malaking salamin ang repleksyon bilang si Anne.

Naging alerto siya nang marinig parang may kaluskos at napasinghap sa labas ng CR kung saan nakaawang ng maliit. Sinilip niya kung may tao doon ngunit nakahinga siya nang maluwag nang wala siyang makita—malamang guni-guni lamang niya 'yon at hindi lang niya naisara nang mabuti ang pintuan kanina. Nang maiayos niya ang gamit niya ay tuluyan na rin siyang lumabas sa CR papunta sa swimming pool area kung nasaan si Donnie.

Naglalakad na siya no'n papunta sa swimming pool area nang maramdaman niyang tila may nakamasid sa kanya sa paligid, o baka nagtataka lang ang ibang mga estudyante dahil ngayon lang uli siya nakita. Nagkibit balikat na lang siya. Nagulat siya nang mag-ring ang phone niya, si Donnie ang tumatawag—pero mas nagulat siya nang makita si Donnie na nasa harapan na pala niya. Nanlaki ang kanyang mga mata at agad na pinindot ang end button.

"Anne!" anitong gulat na makita siya.

"D-Donnie!" hindi niya inaasahang sabi.

"I was calling Andeng, when I saw you, nagkita ba kayo? Sinabi ba niyang gusto kitang makausap? Sasabihin ko sana sa kanyang sabay na kaming uuwi mamaya, e." anito.

"O-Oo, nagkita kami at sinabi niyang gusto mo daw akong makausap." Aniya.

Tipid itong tumango sa kanya. "Ahm, hindi pa naman nagsisimula 'yong practice, puwede ba kitang makausap somewhere na mas tahimik?" anito. Mabilis naman siyang tumango. Sabay silang naglakad papunta sa isang bench na malapit doon at walang gaano'ng nadadaang mga estudyante. "Ngapala, magka-ringtone kayo ni Andeng, ha, I didn't know mahilig ka din pala sa mga kpop songs." Nakangiting sabi nito.

Muntik na tuloy siyang mahulog sa bench na kinauupuan niya. Mabuti na lang pala at hindi niya sinagot ang tawag na hindi niya alam nasa harapan lang niya si Donnie, kundi mabubuko pa siya. Nginitian lang niya ang binata saka sila nagkausap nang masinsinan.

Humingi si Donnie ng sorry sa mga nasabi nito sa kanya last time, baka daw naging harsh ito sa kanya, siya man ay humingi din ng sorry dito lalo na ang pagwo-walk out niya dito. Gusto daw nitong maging friends sana sila na tinanggap naman niya. Sa huli ay nagulat ito nang magpaalam na siya dito dahil palusot niyang magta-transfer na siya sa ibang school, family matter. Kaya ayon nakipagkamay ito sa kanya, hanggang sa muli daw nilang pagkikita.

Pagkatapos nilang mag-usap ay bumalik siya sa female CR at dahil walang tao ay mabilis uli siyang nakapagpalit ng suot na sapatos saka siya agad lumabas ng CR para puntahan si Donnie. Nasa pool na ito no'n at lumalangoy kasabayan ng iba pang member ng swimming. Pagkatapos nitong lumangoy at umahon sa pool ay agad siyang nakita, ngumiti at kumaway ito sa kanya at pumintig ang puso niya lalo pa at naglingunan ang mga admirers din nito sa kanya. Mabilis itong nakalapit sa kanya.

"Thirty minutes na lang, hintayin mo na ako sabay na tayong lumabas ng school." Nakangiting sabi nito. Saka nito ikinuwento sa kanya ang pag-uusap daw nila ni Anne, na ikinatango lang niya.

LBT Book 2: Andeng's Red Shoes (COMPLETED)Where stories live. Discover now