Magical 7

321 8 0
                                    


NAPAHAWAK si Donnie sa tapat ng puso niya dahil sa weird na ini-react ng puso niya kanina nang magkatitigan sila ni Andeng. What was that sudden fast beating of his heart? Ang weird dahil ngayon lamang niya 'yon naramdaman towards Andeng and he felt so unhealthy dahil para siyang nagkaroon ng mini-heart attack. Sobrang weird!

She is beautiful with or without the huge black birthmark on her right part of her body. Makinis at may kaputian ang balat nito ngunit dahil sa malaking balat nito kaya ito madalas ma-concious sa hitsura nito na palagi niyang sinasabi na 'no big deal' at huwag na lang pansinin ang mga bashers. Magaganda rin ang mga pilik-mata, kilay at expressive na mga mata nito pati na ang ilong at pinkish na mga labi. Tuwid at itim rin ang lagpas balikat nitong buhok.

Marami rin itong katangian na very likeable, mabait ito, may kakulitan din at matalino. Kaya rin sila magkasundong dalawa dahil pareho sila ng mga hilig gawin. Inaamin niyang no'ng una niya itong makita ay natakot siya sa hitsura nito dahil noon lang siya nakakita ng gano'ng klaseng birth mark sa katawan ngunit hindi naglaon ay mas nanaig pa rin ang character at attitude nito kaya sila naging magkaibigan.

Andrea Gonzales is like a sister to him, kahit limang buwan lamang ang tanda niya dito. Walang dull moments kapag kasama at kausap niya ito, kaya kanina ay nanibago siya sa five minutes nilang walang imikan. Ang weird din nang paligid dahil naging slowmo ang lahat ng galaw nito, kahit na ang pag-ihip ng hangin sa buhok nito. Naisip tuloy niya na baka kulang lang siya nang kinaing dinner kaya siya nagkagano'n.

Tumayo na siya sa kama para bumaba patungo sa kusina, ikakain na lang niya ang weird niyang nararamdaman. Pagdating niya sa kusina ay naabutan niya sina Emily at Sarah na nag-uusap tungkol sa magiging kasal nang huli, malapit na daw kasing dumating ang boyfriend nitong seaman.

"Don't worry sir Donnie, kapag nag-resign ako dito ay may gusto po akong i-recommend sa inyo na taga-samin din sa Sta. Ana, hardworking po siya at napakasipag na babae, kaibigan ko po." Nakangiting sabi ni Sarah, ang thirty nine year old niyang katulong.

"Sure. Congrats in advance." Nakangiting sabi niya, na masayang ipinapagsalamat ng babae. Pinagpahinga na niya ang mga ito bago siya naghanda ng sarili niyang makakain.

Parang hindi niya napansing nakailaw ang library o ang kuwarto ng daddy niya, it's fifteen minutes before ten PM. Imposible namang wala pa ito sa bahay dahil hanggang six PM lang naman sa senado o baka palihim na naman itong nagpunta sa bahay nina Anthony.

Napabuga siya ng hangin at agad na napaupo sa dining chair. Anthony, isinunod sa pangalan ng daddy niya kaya ito junior. Anthony Panganiban Jr. was his seven year old step brother, na hanggang nang mga sandaling 'yon ay lihim pa rin sa lahat ng mga tao, kasama na siya pero alam niya at ramdam niyang alam 'yon ng mommy niya dahil ramdam niya ang hinanakit nito sa daddy niya kapag magka-skype ang dalawa.

Nang umalis ang mommy niya dahil tinanggap nito ang offer at naipasa rin ang exam na mag-doctor sa isa sa mga private hospital sa Sattes ay alam niyang nangulila ang daddy niya. And the following year ay nabuntis ng kanyang ama ang sekretarya nito, na namatay din sa panganganak kay Anthony. Actually, nalaman lang niya ang tungkol sa bata, two years ago, dahil narinig niya ang daddy niya na may kausap na tauhan para alagaan at protektahan ang bata sa pangangalaga ng lola at lolo ng bata sa isang malayong probinsya.

Ang alam ng lahat ay napaka-perpekto ng kanilang pamilya; dahil mabait na senador ang daddy niya, mahusay na doctor ang mommy niya sa States at may matalinong anak na tulad niya, ngunit lingid sa kaalam ng mga ito ang malaking lihim ng daddy niya.

LBT Book 2: Andeng's Red Shoes (COMPLETED)Where stories live. Discover now